Monday, October 24, 2016

Leather Belt

Sabi ng isang Sikolohista sa Theories Of Personalities, "The Child is the Father of the Man."

- - - - -

Miss A o Ma'am A. Iyan ang tawag sa kanya. Matandang babae. Tahimik. Kahit naihambing na siya sa ibang lalake (sa binata o sa may asawa) ay wala pa ring asawa. Laging kasama ni papa kapag wala si mama. Lagi kong nakikita na kapag magkasama silang dalawa sa quarters ni Miss A o sa bahay nito, ay laging tinatanggal ni papa ang leather belt nito at brief, gayon din ang panty si Miss A. May ginagawa silang hindi ko alam kung ano man iyon sa ibabaw ng kama pero maliwanag na naghahalikan sila... at sinusundot ni papa.

Maraming beses iyon na nangyari pero ang sabi ni papa sa tanong ko tungkol dito, "pagmamahalan" lang daw iyon ng dalawang "magkaibigan."

Ah, okay. At saka nito isinuot ang kanyang leather belt.

- - - - -

"Kung ano man ang ikinikilos o nakagawian ngayon ng isang indibidwal ay produkto iyon ng kanyang mga nakaraang karanasan. Ito ay maaaring nagmula pa noong siya ay bata pa at nadala niya ito hanggang sa kanyang pagtanda."

- - - - -

Nagsensyasan silang dalawa: ang babae at si papa. Pasimple silang nag-usap at umalis. Patago ko silang sinundan hanggang makarating sila sa quarters ng babae. Iniwan nila itong bukas (hindi naka-lock) kaya dahan-dahan akong pumasok.

Nang makarating ako sa bedroom, nakita ko si papa na tinatanggal ang kanyang leather belt at brief, gayon din ang panty ng babae. Sinusundot ni papa ang kaibigang babae at naghahalikan habang nasa ibabaw ng kama. At nang matapos, nakita nila akong naroon sa madilim na sulok habang pinapanood sila.

Nang maisuot ni papa ang kanyang brief at pantalon, tinanong ko si papa kung ano ang ginawa nila. Ang sabi niya, "pagmamahalan" lang daw iyon ng dalawang "magkaibigan."

At naaalala ko, ang isinusuot na leather belt ni papa ay minana niya kay lolo.

Naisip ko naman na ganoon pala magmahal si papa ng kaibigang babae: hinuhubaran, hinahalikan, at sinusundot, tulad ng ginagawa niya kay mama habang nasa ibabaw ng kama.

- - - - -

"Putang ina ka! Hindi ko alam kung saan ka nakakuha ng kaalaman upang sabihin mong mga kunsintidor ang mga tao sa San Mateo! May pinagmanahan ka talaga, Balong! Bigyan ng pink na jacket!" sabi ng pinsan ko.

Hindi maaaring mamunga ng talong ang puno ng kamatis. Kung kamatis ang puno, hindi ito maaaring mamunga ng talong. Alam niya kaya iyon?

Sigurado, hindi.

- - - - -

"Hon, papasok na ako. Nakita mo ba ang belt ko?"

"Hindi. Pero heto ang leather belt ni papa mo, gamitin mo na," sabi ng asawa ko.

Napahinto ako nang makita iyon. Muli kong naalala ang lahat. Ipinangako ko sa sarili na hindi gagamitin ang belt na iyon kahit kailan pero...

"Daddy! Let's go! I'm late!" Sabi ng aking junior.

Pikit-mata kong kinuha at isinuot ang leather belt ni papa. Kinuha ko ang susi ng auto, bag, at hinalikan ang asawa ko bago kami umalis.

Pagsakay ko sa auto, may nag-text: "Babe, pumunta ka dito sa condo ko pagkahatid mo kay junior ha."

Ngumiti ako. "Yes Ma'am," reply ko. Hinimas-himas ko ang bumubukol sa loob ng aking pantalon. Napakagat-labi. Naghuhumindig. Nag-iinit. Sabik na sabik. Di maitatangging namana ko ang sumpa ng leather belt ni papa.

"Dad, sino siya?" tanong ni Junior.

"Kaibigan," sagot ko. "Magmamahalan muna kami ng kaibigan ko."

2 comments:

  1. sadyang may mga lalaki na kahit may asawa na ay naghahanap pa ng iba....

    ReplyDelete

Thank you for reading!
Hope to hear from you. Don't forget to share!
Follow us on FeedBurner
Like Jay's Quirky World on Facebook! Thank you! ^_^