Thursday, November 24, 2016

Metamorphosis

Hindi ko na sana binuksan pa ang aking mediafire account. Hindi ko na sana binuksan ang isang magazine layout ng 3B na nakabasura sa isang folder. Hindi ko na sana nakita ang class picture, lalo na nang muli kong makita ang kanyang pangalan at mukha. Muli kong naalala sa kanya ang lahat, at nakaramdam
ng kaba at matinding pananabik na matagal ko nang hinahanap-hanap.

Nagbabalik ang mga alaala. Ang mga panahon na kasama ko siya sa eskuwelahan. Ang mga panahon na magkatabi kami sa likod, sa gitna, o sa harap. Ang bawat ngiti at saya ng kanyang mukha na siyang naging dahilan kung bakit ako sa kanya ay nahulog at naakit. Napakasarap sariwain ng lahat. At oo, hindi ko siya kinakalimutan kahit kailan.

Kung anong saya ko na muling makita ang layout na iyon ay siya ring lungkot na bigla kong nadama. Dahil kung kailan ako sana ay magtatapat na sa kanya ng pag-tingin noon ay bigla siyang nawala. Hindi ko na nakita kahit kailan. At wala na akong narinig ni isang balita tungkol sa kanya.

Aaminin ko na nagsisisi ako kung bakit hindi ako agad nagtapat sa kanya ng pag-ibig. At hanggang ngayon, hindi pa rin ito nagbabago dito sa puso ko.

Nasaan na kaya siya? Kumusta na kaya siya? Ano na kaya ang kanyang pinagkakaabalahan? At... mayroon na ba siyang bagong minamahal? Sana nga, meron dahil alam kong doon lamang siya liligaya. Masaya na ako kung ganoon.

Humihingi ako ng pabor sa sino mang mga makababasa nito. Na kung makakakita ka ng isang class picture na tulad nito ay hayaan mong pagmasdan ito ng sandali. At kung sakaling nakita mo nga siyang naroon sa class picture, sabihin mo lang sa akin. Iyon na ang hudyat na siya ay magbabalik...

2 comments:

  1. Sarap talaga balikan ang mga alaala kasama ang mga naging kaklase. Sa fb hanapin mo baka makita mo, kung wala ay baka nakapag asawa at ibang apelyedo na ang gamit..

    ReplyDelete

Thank you for reading!
Hope to hear from you. Don't forget to share!
Follow us on FeedBurner
Like Jay's Quirky World on Facebook! Thank you! ^_^