Sunday, January 31, 2016

Versatile Blogger Awards 2016

Una, nais ko munang magpasalamat sa prettylicious na pagmumukha ni AnonymousBeki sa pagnominate sa akin sa "Versatile Blogger Award of 2016" gayon din sa pagpaparangal sa pagmumukha ko. Pangalawa, maraming salamat sa marahas at walang awang paglalabas-pasok sa JQW dahil... sa paraang iyon ay lumuwag ang lagusan ng JQW at inanakan ng mga pagpupuna't mga papuri hanggang laspagin ng mga bisitang mambabasa. At pangatlo, salamat sa pagiging masugid na co-blogger.

Well... Versatile Blogger Award. Obviously, seemingly, apparently, AND evidently, wala akong alam tungkol dito hanggang sa ayun na nga, na-gets ko rin. I need to share seven (7) something about me at mukhang hindi ako handa para dito... Kaunting tyaga please... Love you all!

- - - - -

Write and write until you die.
Nagtataka pa rin ako hanggang sa mga sandaling ito kung bakit ako nagsusulat samantalang hindi ko hilig ang magsulat at wala rin akong tyaga. Kasalanan ito ng mga libro ni Bob Ong na siyang pinasasalamatan ko naman sa huli dahil sa inspirasyong magsulat at magbasa. Di lang iyan, natutunan ko ring magmahal ng libro kaya masasabi kong mayroon kaming forever.

Nag-umpisa sa bayagrapi (bayagrapi talaga, huwag ka nang kumontra), maikling kuwento, tula, malayang pagsulat, at nobela, napagtanto kong maaari pala akong magkuwento sa pamamagitan ng pagsusulat. Nahumaling ako sa panibagong libangan noong 4th year high school (2010) at nang ito ay maipon, naisipan kong ipaskil ang ilang piling sulatin sa pagsibol ng Jay's Quirky World taong 2012.

Dumating ang isang mabigat na suliranin sa buhay ko ng sumunod na taon. Malayo ang mga kaibigan kaya hindi ako makapaglabas ng sama ng loob. Gusto ko ng kahit isang sandaling karamay ng mga panahon na iyon pero wala akong nasandalang balikat na magpapatahan sa araw-gabi kong pag-iyak. Hanggang sa isang araw, nakita kong nakatiwangwang ang pirasong papel sa kuwarto na mukhang naghihintay ng isang kuwento. Ramdam kong parang handa itong makinig sa akin hanggang sa makapagsulat ako ng unang entry ng aking diary.

Oo, nagsusulat pa rin ako ng diary hanggang ngayon. Tunog classic pero masaya ako. Nakakapagsulat ako gamit ang mga spiral note (madalas kong gamitin yung Tom and Jerry note na tig-11 php) at yung font e maaaring gamitin sa mga horror films na kinakailangan pang gamitan ng magnifying glass para lang mabasa. Hirap kumopya ang kaklase tuwing exam dahil hindi nila mabasa sa sobrang liit o kadalasan, wala talaga silang makokopya dahil wala akong sagot.

Lagi akong may dalang panulat saan man ako magpunta. Salamat sa sponsor kong Faber Castell 0.5 at sa Pilot G-TEC 0.3. Natuto rin akong literal na magwala kapag hindi ko makita ang panulat ko kaya natuto rin akong hindi na magpahiram dahil walang marunong magsauli.

Sa katunayan, tutol ang pamilya ko sa karera ko sa pagsusulat. Nakakalungkot man pero totoo ang sinasabi nila na wala akong mapapala sa ganito. Hanggang ngayon, patago akong nagpapatuloy dahil dito ko nararamdaman ang halaga ng sarili na hindi ipinapadama ng karamihan. Sa pagsusulat ko natutunang mangarap na hindi ko nagagawa noon pero huminto na ako sa pangangarap na matupad na maging isang manunulat. Kuntento na ako sa ganito sa kabila ng mga malaking kagaguhang gusto ko pang ibahagi sa iba.

Animal is animal.
Yes, animal lover ako at ang mga sumusunod ay mga naranasan kong alagaan: aso, manok (inahin at tandang), pusa, ibon, bibi, itik, pato, gansa, rabbit, guinea pig, at puting daga. Basta, bigyan mo lang ako ng saging, may unggoy na. Kaya kapag nakita mo ako ng harapan e mukha akong animal. Well, no need to. Dahil animal na ang turing sa akin ng iba na mas animal pa pala sa akin. Kaya naman mas magandang magmahal ng animal kumpara sa mga nag-aanimal na mas animal pa sa akin. At kung may dapat sisihin dito kung bakit naging mapagmahal ako sa mga animal e walang iba kundi si daddy Ferds na siyang nagturo sa amin na magmahal ng mga pesteng animal na silang nagpepeste sa amin!

Nabanggit ang animal. Noong hindi pa ito Jay's Quirky World, nabanggit kong gusto kong maging isang ibon dahil gusto kong maranasang lumipad ng ubod ng taas at makapaglakbay sa buong mundo. Pangalawa, gusto kong maging isda kasi hindi ako marunong lumangoy at para na rin malaman kung ano ang tinatago ng ilalim ng karagatan.

Pero ngayon, mukhang gusto ko nang maging King Cobra. Kasi parang ako lang iyon eh. Makamandag ang ganda, makamandag ang pagmamahal, matapang, at may kaunting kakirihan.

Mom's bodyguard.
Maliban sa pagiging walang silbi't piso-pisong parttime writer ng Jay's Quirky World, full time body guard naman ako kay mommy. Lagi akong kasama ni mom kahit saan siya magpunta just in case na may mga tarantadong manggagago kay mom e kami ang defence niya.

Yes, hindi ako nag-iisa. Lagi kong kasama si kuya na super kong close. Mas bata siya sa akin ng pitong taon pero ako talaga ang kuya niya technically at siya ang baby bunso dito sa bahay. He is a Bosconian, in words and in deed. Indeed! (Mas guwapo siya sa akin. Totoo 'yan!)

Dementia praecox.
Hindi ka maaaring tawaging Psychology major kung 4th year ka na at hindi mo pa rin alam kung ano ang technical term ng Schizophrenia. Kung hindi, magseminar ka muna ng favorite course kong Abnormal Psychology. Minsan o madalas, laglag ako sa ganyan!

Hindi ko alam pero mukhang ako na yata ang forever ng schizophrenia. May 'pagka' lang naman ganoon din si psychotic. Pansin ko iyan sa Psychological Assessment. At sabihin na nating laging nagkakaisa ang all-time favorite na mag-BFF na sina Hallucination and Delusion sa tuwing sinusumpong ng kasayaran. Minsan, eepal pa itong si Paranoia't depress at stress. Kapag ganito e naiisip ko na lang na kagatin ang lahat ng makakasalubong (pero hindi ganoon katindi) tapos pagraragasahin ng mga ngipin ko ang masagana't malinamnam na dugo.

Isa pa, lagi kong iniiwasang mapikon ng matindi kahit ito ang pinakamahirap na labanan. Natuto akong magpasensya ng mahaba pero oras na naramdaman ko ang rurok ng kapikunan, magagawa kong manakit ng taong nang-iinis sa akin. Ayoko mang aminin pero may pagka brutal ako kapag nanakit ng iba. Isang bagay na gusto ko nang baguhin at hindi alam ng lahat. Kung mananakit ako, dapat sagad-sagaran. Dapat mapapadugo ko. At wala akong tinatantanan hangga't hindi ako makakapanakit.

Go nature, go green!
Naaapreciate ko rin ang ganda ng kalikasan. Sabihin na nating sa gubat ako nakatira at mas prefer ko sa gubat kaysa sa syudad. Tahimik dito. Walang polusyon. Walang chismosa. Walang kapit-bahay maliban sa mga animal. Sariwa ang hangin. Malamig, at lahat ay luntian... gayon din ang pag-iisip. Green minded. Green joke. Joke only but its true. Nature lover eh! Bagay talaga sa mga tulad kong gustong magsulat hanggang mamatay!

Music is alive.
"Hindi mawawala ang musika sa buhay. At walang silbi ang buhay kung wala ang musika."

Sa mga ganitong pagkakataon ko naiisip na gumawa ng sariling home made radio station dahil sa labis na pagmamahal ko sa musika. Pangarap kong makinig ng 24/7 non-stop music sa bahay. Gusto at pangarap kong makipagkumpitensya sa mga paborito ko't nangungunang radio sation ng Manila tulad ng 90.7 LOVE Radio Manila, 101.1 YES FM Manila, MOR 101.9 For Life, at ng Barangay LS 97.1 Manila. Tatalunin ko rin pati TAG 91.1 ng UAE!

Big fan ako ng Classic musics (World War era), New Wave, and Cruisin hit (50's to 80's) musics. Syempre, hindi mawawala ang OPM Hits noong 50's to 80's. Number 1 fan ako ni Imelda Papin, gayon din ang mga sumikat na Pop Musics like Eraserhead at yung mga western group na Backstreet Boys.

And yes, may suporta din ako sa Asian Pop Musics ng Japan, Korea, China, Taiwan, Khmer, Indonesia, Malaysia, Thailand, at ng India. Kahit hindi ko lubos na maintindihan kung ano ang kahulugan ng mga kinakanta nila, basta maganda ang beat, pasok sa panlasa ko iyan! I love music eh!

"Pangarap kong tumugtog ng gitara at piano pero lyre at bamboo flute (hindi blow job o chupa-chupa ha, punyeta, umayos ka!) lang ang alam kong itugtog."

Blood type B.
Hindi ko pa sigurado kung totoo nga na may dugo akong Type B. Pero maliwanag na 80% e meron ako nito. Here are the following: babe, bachelor, backfighter, bacteria, bad, bald, baleful, baloney, bankrupt, barbarian, bastard, beast, beastiality, beautiful, beggar, begrime, begrudge, betray, binge disorder, bipolar, birth defect, bisexual, bitch, bitter, bizarre, black, black sheep, blame, blasphemy, blatant, bloodlust, bloodsucker, blunder, boastful, bogeyman, bondman, bonsai, boo, bottom, brat, brave, brilliant, brutal, bulimia nervosa, bully, bullshit, and bunk.

- - - - -

And... heto na ang mga blog na malapit, gusto't sinusubaybay ko... so far. Yung iba kasi hindi ko pa alam, yung iba e wala nang updates, at yung iba naman e kinakapos ako sa oras para bisitahin pero heto na sila...

Ako si Aris by Aris Santos
AnonymousBeki by AnonymousBeki
babe ang by babe ang
Isipang Magaslaw by DJ Chico Loco
JOKENALISMO by Rolf M
Michael's Shades of Blue by Michael Juha
Nyora, ang lakwatserang bichesa by nyoradexplorer
Prinsesang Makata by Princess Calacala
wickedmouth.com by Glentot
海斗の世界でぽぽぽぽーん by 海斗

Iyon lang. Thank you! Thank you!

Tuesday, January 19, 2016

Pula

Hindi ako mahilig makikapit-bahay pero may panis na chismis pala akong nasagap sa limang magkukumare na kanina ko lang narinig matapos bumili ng mumurahing pasador sa isang tindahan. At dahil bagong lipat lang kami dito, isang kapit-bahay daw ang halos magpakamatay sa tindi ng inggit sa amin.

Nabigla ako.

Tinanong ko kung ano ito at ako ay lalo pang nabigla matapos itong malaman.

"Simpleng bagay lang," sagot ng isang palengkerang kapit-bahay. "Inggit siya sa oner ninyong sasakyan!"

Sumabog ang tawanan ng mga nagkukumpulang magkukumare. Yung tipo ng tawa na ubod ng lutong tapos parang nanggagaling sa ilalim ng lupa yung bawat halakhak pero magpapatuloy ako.

"Ay naku! Ingat ka, bagong kumare!" pagbabala sa akin ng isang ginang na kasalukuyang nagpapapedicure sa tapat ng tindahan. "Dahil magagawa kang sirain ng isang tao na may matinding inggit!"

Ngumiti na lang ako at napatango. Mahirap magtiwala't maniwala sa isang kuro-kurong sa kanto lang nasasagap. Ano pa bang malay ko kung isa itong kasiraan? At ayoko namang basta na lang umayon kung wala namang kasiguraduhan.

Tawa naman ng tawa ang asawa ko matapos itong marinig sa akin.

Isa ring sira ulo.

- - - - -

Tamang-tama ang ganda ng umaga.

Magkasama kaming dalawa ng asawa ko habang nagkakape sa veranda. Masaya kaming nag-uusap na siya naming nakaugalian nang mapansin namin ang isang kapit-bahay sa kabilang bakuran. Naroon siya sa tapat ng kanilang bahay habang pawalis-walis at maya't maya ang tingin sa aming dalawa ni mister.

Naalala ko, siya pala ang isang misis na pinnpulutan ng chismis kahapon.

"Magandang umaga po!" biglang binati ni mister ang pawalis-walis na misis sa kabilang bakod.

"Ay, ahehehe... magandang umaga rin sa inyong dalawa!" pagbati niya, pangiti-ngiti. "Nariyan pala kayo!"

"Kape po tayo!" paanyaya ko.

"Sige, salamat. Katatapos lang."

Ngiti, ngiti.

Bigla siyang nawala. Hindi ko alam kung pumasok na sa loob ng bahay nila.

Pero... mukhang hindi naman. Mabait naman ang kapit-bahay namin na inaakala ng lahat e dakilang inggit.

Sige, tuloy lang ang buhay...

- - - - -

Dahil malayo ang eskuwelahan sa bahay, ang asawa ko ang naghahatid sa anak namin hanggang eskuwelahan gamit ang oner. At dahil marami ring bakante ang loob ng oner e tama lang ang espasyo nito para magsakay ng mga batang naglalakad.

Nagkataong natiyempuhan namin ni mister ang kapit-bahay namin na tinagurian ng iba na 'dakilang inggitera' at pinasakay sa oner. Pansin ko, tuwang-tuwa siyang umupo sa passenger's seat (katabi ni mister ko sa driver seat) kung saan ako lang na asawa ang dapat na naroon sa halip na nasa likuran kasama ang anak ko.

Marami siyang kuwento noong una, tapos umuulit yung mga paksa, hanggang sa yung mga sinasabi niya e wala nang katuturan hanggang sa mabanggit niya ang tungkol sa pagkakaroon nila ng sasakyan.

"Aba! Mabuti naman kung ganoon!" pagbati ko. "Ayos 'yan para naman may service na ang anak niyo at ng hindi na mahirapang maglakad papuntang eskuwelahan!" masaya kong pagbati.

"Oo naman," sabi niya saka hinaplos-haplos ang buhok ng nakakandong na anak. "Mas maganda pa kaysa dito sa oner."

Nagtama ang mga mata namin ni mister sa rear mirror; nananahimik, nangungusap, at makahalugan. Sa loob-loob ko lang, malamang, sabay kaming magsasabi ng 'confirmed!' Iyon na!

Naging araw-araw na ang pagsakay niya sa oner namin tuwing umaga. Pareho din ang mga sinasabi at parang hindi siya nagsasawa sa iisang paksa kahit na sumingit ako para ibahin ito.

Hanggang sa makalipas ang ilang buwan e bigla siyang nawala sa araw-araw na pagsakay sa amin. Simula noon, wala na akong naalala ng mga panahon na iyon. Hindi na namin siya inaalala.

- - - - -

Bagong taon.

Sabi nga ng nakararami, suwerte daw ang kulay pula. Pero... dumating ang isang pagkakataong nagkaroon ako ng dalaw.

Buwisit!

Medyo delayed yata ako ng ilang linggo kaya nakakairita yung paglabas nito. Nakakainis at nakakairita yung buo-buong dugo! Ito yung tipo na parang jelly ace na naka-stuck sa intimate area ng isang babae at napakahirap kumilos!

Muli akong nagpunta sa suking tindahan at muli ko na namang nadatnan ang limang magkukumare. Ganoon din ang set-up. Walang pagbabago, gayon din sa binili ko pero bago na ang balita. Deja vu.

"May bago na siyang sasakyan!"

Sabog ulit ng tawanan. Tulad ng lagi.

"Sigurado, hindi iyon sa kanila," sabad ng isa.

Iniwan ko na sila matapos makipagtawanan.

- - - - -

Lunes ng umaga.

"Good morning!" biglang siyang bumati sa aming dalawa ni mister.

"Good morning din!" bati naming mag-asawa.

"Kumusta kayo? Pasukan na naman!"

Sumang-ayon kami.

"Sige, aalis na kami!"

Nagkatinginan kaming dalawa ni mister saka sinundan ng tingin ang kapit-bahay.

"Aba! May bago pala kayong kotse. Napakaganda naman!" pagpuna ni mister ko nang makita ang puting Toyota Corolla.

"Ay, oo! Binili ni mister!" sagot nito bago buksan ang pinto. "Mas maganda pa kaysa sa oner!"

Napailing na lang kaming dalawa.

Tinanaw namin ang plate number ng kotse. Rehistrado! Nagtawanan na lang kami nang makitang pula ang pagkakagawa ng vehicle plate.

Government property. Kanila daw ang puting kotse.

Totoo nga ang chismis, hindi nila iyon pag-aari.

Nakakahiya.

Tuesday, January 12, 2016

Joke

December 2000, Christmas Party ng NOLCOM dito sa Camp Aquino.

Pinakanta ako ng tatay ko ng 'I Started a Joke' noon at isinali sa isang singing contest dito sa Camp Aquino. Sinabi kong hindi ko kaya pero pinilit niya ako.

Hindi ko siya nakita sa harap noon. Bigla siyang nawala sa madla. Pero nakita ko siya sa dulo kasama ang dalagang ka-opisina niya. Pareho silang nagtatawanan at walang pake sa akin.

Hindi ako makakanta. Nataranta ako sa pagpipilit ng mga hurado na sumisigaw ng "Kanta na!" pero hindi ko kaya kasi wala siya sa harap.

Pinilit ko ang sarili hanggang sa pumalpak ako sa huli. Hindi ako pinalakpakan ng madla na tinatawanan ako, gayon din ang mga huradong nadismaya sa pag-aksaya ko ng oras nila.

Pagkatapos ng nangyari, agad akong umalis sa harap. Nakaramdam ako ng inis, dismaya, at pagkahiya. Nagmukha akong tanga at katawa-tawa sa paningin ng lahat, at hindi na ibinalik sa akin yung cassete tape na hindi nila pinatugtog nang ako ang sumalang.

Wala na akong galit sa tatay ko ngayon pero hindi niya nagawang ipagtanggol ako noon. Tandang-tanda ko pa 'yan hanggang ngayon.

Tama nga naman ang sinabi ng kantang ito: the joke was on me. Nag-comedy na lang sana ako noon.

Walang sumalo sa akin nang malaglag ako sa bangin ng isang malaking kahihiyan. I really felt like a big mess kapag naaalala ko ang mga iyon hanggang ngayon.

Buwisit. Masakit. Oo, ubod ng sakit...

Sunday, January 3, 2016

Masaganang Bagong Taon

Nagmula ang lahat sa tukso.

Oo, natukso ako sa kanya. Nakakahulog ang kanyang awra. Hindi ko malabanan dahil ubod ng lakas na halos hindi ko makayanan.

Buong puso niya akong hinalikan nang pagkainit-init. Nakakapaso ang bawat pagdampi na damang-dama ko hanggang sa aking puso. Talaga nga namang kainit-init ang mga nagaganap.

Nangyari ang hindi dapat mangyari ng dahil sa tukso. Ugnayan ng mga katawan na parang wala nang bukas ang kasarapan hanggang sa siya'y humiwalay at tumapat sa akin.

Sinimulan na niyang batiin ang kanyang paghuhumindig matapos tumapat sa akin. At nang malapit nang sumabog, baghagya siyang humintoi sa pagbati saka sinabing "Masaganang bagong taon!" bago pinasabog ang kanyang malapot, mainit, at masaganang katas kasabay ng pagsabog ng mga paputok ng bagong taon. Damang-dama ko pa ang init nitong nagbibigay ng tuwa at kiliti sa akin na ramdam kong nanggaling pa sa kaloob-looban ng kanyang pagkalalake.

Napakamasaganang pagsabog ng rurok at kasarapan.

Kapwa kami nangalaglag sa malambot na kamang ubod ng gulo na kanina ay maayos. Doon niya ako niyakap saka ako bumati ng "Masaganang bagong taon din sa iyo, mahal!"

Friday, January 1, 2016

Happy New Year

Hey! Happy new year mga kapwa kamukha babes! Narito na naman ang lalakeng takot sa paputok subalit mahilig magpaputok. Ako iyon si Bebe Jay Lakadero! Gusto mo, Bebe Jay kita? Haha.. Push!

Dahil bagong taon, una nang pumapasok sa isipan ng lahat ang 'paputok.' Malamang, ito ang word for the month of January kaya mula sa salitang ugat na 'putok' e marami na tayong maaaring ma-formulate na salita na may iba't ibang kahulugan. Isang magandang halimbawa na rito ay ang 'putok' sa kili-kili, 'paputok' o fireworks sa Ingles. Nariyan ang pandiwang 'puputok' na ang (ano?) bulkan, 'paputukin ang (ano?) lobo. At 'magpaputok' ng (ano?) lobo.

Medyo malikot akong mag-isip ng mga sandaling ito sa tuwing binabanggit na ang salitang 'putok.' Aaminin kong medyo nakikiliti ako kapag binabanggit na ang iputok, putukin, magpaputok, puputok, paputukin, pakipurok, magpaputok, basta, related sa 'putok.' Iyon na!

Pero ingat tayo mga kapwa sa mga paputok. Nakakatakot ang masabugan ng ano mang pumuputok sa ating mga pagmumukha. Totoo iyan mga kapwa dahil nakakasakit at nakakasira ito ng ating kagandahan ano po. Halimbawa, ikaw ba e gusto mong pasabugin ko ng granada iyang pagmumukha mo? Syempre, hindi ka papayag doon lalo na kung maganda/guwapo kang tulad ko (I-push natin ito!!!) kaya ngayong bagong taon na maraming pumuputok e ingat-ingat tayong lahat. Ingatan ang lahat lalo na ang ating mga kagandahan. Naks!

At heto pa, tulad na lang ng lagi kong ipinapaalala na oo, masarap magpaputok diba mga kapwa ko maginoo, pero dapat ay magpaputok sa labas lamang. Dahil kapag nagpaputok ka sa loob mga kapwa ko maginoo e hindi ka patay kundi 'buhay kang bata ka!' O edi at least, natikman ninyo ang sarap ng karanasang magpaputok... ng fireworks!... sa labas ng bahay. Iyan ang ibig kong sabihin.

At iyan lamang ang tanging paalala ng inyong minamahal na lingkod ngayong bagong taon. Isang masaganang bagong taon po para sa ating mga pagmumukha! Mabuhay po tayo at magpaka-wild to the highest level!

#PutukanNa! #NewYear2016