Wednesday, March 30, 2016

Braso De Mercedes

Naglabas ako ng masarap at paborito kong Braso De Mercdes. Nagtakal ako sa malaking bowl.

Sarap. Masarap sa pakiramdam. Hindi pa nga malunok kasi malaki at masarap.

Dumating sila mommy at daddy. Mayroong pasalubong para sa akin.

Ang paborito ko. Isang malamig at masarap na ice cream. Natakam ako.

Nakita ko ang flavor: Braso De Mercedes. One gallon.

Bigla akong nakaramdam ng pandidiri habang nananahimik. May naalala ako. Nagtaka sila kung bakit bigla kong sinabi na ayoko na ng paborito kong Braso De Mercedes. Ang hindi nila alam, nasa isip ko pa ng mga sandaling iyon ang Braso De Mercedes kong ayaw pang lumubog na nasa lalamunan ng toilet bowl.

Monday, March 28, 2016

Pangarap

Ako ay lumipad sa kalawakan ng pangarap. Mga pangarap na minsan ko nang hiniling na matupad at maabot. Tulad ng mga bituin sa kalangitan.

Pangarap ko sana na ang langit at lupa ay magtagpo ng sa gayon, ang langit ay abot-kamay na lamang sa lupa.

Masarap sanang mangarap kung ganoon kadaling abutin ang pag-ibig mo pero mayroong reyalidad na agad lumamon sa akin.

Langit ka. Lupa ako. Tulad nito, malabo na tayong magtagpo.

Kunsabagay, hindi masamang mangarap.

Wednesday, March 23, 2016

Higad

Nakita ka ni mama na nagsampay ng panty mong pink (na punit DAW ang harap... na narinig ko lang sa mga kapit-bahay nating chismosa) sa ilalim ng puno ng Acacia sa likod ng bahay. Binilinan ka pa nga na huwag kang magsasampay doon dahil mahigad ang puno pero hindi ka nakinig.

Isang umaga, pagkatapos mong magsampay, hindi sinasadyang napansin ko sa bintana ang pag-land ng ga-daliring higad at rumampa habang kumikembot papaloob sa pad area nito. Gusto ko sana itong tanggalin pero, kahit to the highest level ang kamanyakan ko, nagpigil ako dahil ayokong mapaghinalaan ng mga makakakitang chismosa na minamanyak ko ang panty mo.

Kinahapunan, narinig kong wash and wear lang ang ginawa mo sa panty mo. Ginamit mo ito at sa mga sandaling iyon, pansin kong halos umiyak ka na sa pagkamot sa laman ng panty mo. Well, dahil manyak nga ako, e sasagadin ko na: "I am happy if I can scratch that thing for you!"

Thursday, March 17, 2016

Shut Down

Lumipas ang isang oras... dalawa... tatlo... hanggang sampu. Patuloy ako sa pagsusulat. Hindi ako pinapahinto ng mga naglalanguyang ideya na kailangan kong limasin sa isip bago maglaho. Dahil dito, isinuko ko na ang lahat: pagligo, pagkain, pagbawas, pag-ihi, gawaing-bahay, pagpasok sa eskuwelahan, at ang karelasyong iniwan ako dahil sa pagsusulat.

Galit sa akin pati kapamilya. Wala na rin akong panahon sa kanila. Wala naman daw akong mapapala sa propesyon kong ito. Hindi daw ako mabubuhay sa ganito. Masakit ang mga katagang iyon pero totoo.

Gabi na. Dapat, tulog na ako ng mga sandaling ito pero gising na gising ang mga ideya sa isip ko na hindi nagpapatulog sa akin. Bagsak na ang mata ko. Masakit na ang ulo ko. Masakit na ang mata ko sa maliwanag na LCD ng computer. Hirap na akong ipagkasundo't papag-isahin si ideya at balarila.

Parang pag-ibig nating dalawa, hindi na magkasundo dahil magulo na.

Nagsawa na ako sa pagkilos para isalba ang pag-ibig ko sa iyo at sa pagsusulat. Pero mas matimbang ang mga ideya ko sa pagsusulat kaysa sa pagmamahal mo na tamang balarila sa magulong pangungusap na magdurugtong ng wasto sa ating dalawa.

Nag-shut down ang computer at hindi ko naisalba ang lahat. Marahil, gulong-gulo na rin sa pagtanggap ng magulong kuwento ng pag-ibig kaya sumuko na, lalo na ang isip kong pagod na.

Sa pagkawala ng pinaghirapang trabaho at pag-ibig, sa huli, ako rin ang natalo nang matindi.

Doon ko nang naisipang sumuko.

Nag-shut down na rin ako sa pagtutok at pagputok ng pen gun sa ulo ko.

Nasayang ang lahat.

At sa ngayon, atras-abante ako sa desisyon kung isha-shut down ko na rin sa publiko pati itong Jay's Quirky World. Paano naman ang lahat?

Tulong...

Monday, March 7, 2016

Batuta ng Pulis

Matagal ko nang naririnig na naghahanda talaga si Governor sa Kapitolyo tuwing sasapit ang kanyang kaarawan at maaaring dumaro ang publiko tulad ngayon. Napaka-engrande ng kanyang handaan na talaga nga namang masasabi kong 'masagana.' At masagana rin ang bilang ng mga dumalo.

OJT ako sa kapitolyo kaya naman dali-dali kaming nagpunta sa bulwagan ng isang kasama para pumila at makakuha ng makakain.

Di nagtagal, dumating siya with his Sony DSLR 1080 HD Digital Camera. With his shirt and police outfit na may suot na blue on white rubber shoes, masasabi kong nain-love ako sa kanya sa unang tingin. Perfect 10! Guwapo, hunk, at matangkad. Tantya kong around 25 to 30 ang edad. May kaunting inis pa nga akong nararamdaman kapag pinagtitinginan siya ng ibang babae sa bulwagan. At oo, gusto ko siyang angkinin! (Ako ang unang nakakita sa kanya from the entrance kaya una siyang naging akin!)

Natuwa ako nang pumila siya sa likuran ko. Right after niyang pumila e marami rin ang sumunod sa kanyang likuran. At dahil masikip ang hallway ng bulwagan, napilitan ang lahat na magsiksikan at magtulakan.

At dahil short lang ang kanyang suot, hindi sinasadyang naidiin niya ang kanyang bukol sa aking likuran. Agad siyang humingi ng paumanhin.

But, the moment na nasabi niya ang mga katagang 'I'm Sorry' e aksidenteng nahagip ng pang-amoy ko ang mabango niyang hininga. Napakabango at idagdag mo pa ang napakasuwabe niyang boses. Nakakabuhay! Parang masarap halikan.

Muling nagkaroon ng tulakan. Sa bawat pagtulak ay may diin din akong nararamdaman habang pasimple siyang umaamoy sa mabango at mahaba kong buhok. Take note: naka-pony tail!

Nakabukol. Malaki. At mukhang sariwa! Ramdam ko pang nakaturo ang nakabukol sa kaliwa. Right handed panigurado kung magbati nang matindi.

Naughty boy. Hindi na niya ginalang ang pagkababae ko pero sa loob-loob ko lang, aba, gustong-gusto ko! At gustong-gusto naman din niya!

Yummy!

Nagpakababae ako ng mga sandaling iyon. Dinamdam-damdam ko ang kanyang nakabukol. Halata, na sa ganoong paraan at galawan ay magkakasundo kaming dalawa sa simpleng dikit at pagdiin. Ang hindi niya alam e kating-kati na akong dakmain iyon sa kanya.

Tama nga siguro ang naiisip ko: malamang, nagagandahan siya sa akin kaya niya nagagawa iyon. Medyo nag-aalala lang ako ng kaunti sa tanong ko na "Alam niya rin ba na mayroon din akong ganyan?"

Thursday, March 3, 2016

Now Showing

Babae: Bilisan mo naman! Tangina, lalake ka pa man din pero mabagal kang kumilos!

Lalake: Teka lang! Ayan na ako! Showing na ba? Wala pa naman yata eh!

Babae: Tumahimik ka na! Umupo ka na lang sa tabi, umpisa na ang pelikula.

Lalake: Teka, comedy love story? Action movie ang inaasahan ko dito. Sayang ang ticket, mahal pa man din yata. Bakit ganito?

Babae: Hayaan mo na. Choosy ka pa samantalang libre na tayo sa sinehan!

Lalake: At malamig pa!

Babae: Correct!

Lalake: Oo nga pala. Want some? (popcorn)

Babae: Thanks!

Lalake: Cool drinks?

Babae: My gosh, love mo talaga ako!

Lilipas ang maraming oras...

Lalake: Ahahaha!!!

Babae: Ngiyahahaha!!!

Lalake: Buwahahaha!!!

Babae: Hahaha!!!

Lalake: Hoy! Teka nga. Yung tawa mo, masyado nang exaggerated. Nakakahiya kasi pinagtitinginan na tayo ng ibang tao!

Babae: Hayaan mo na. Patapos na yung pelikula.

Lalake: Ayan na! Ayan na!

Babae: Ahahaha!!!

Darating ang guwardiya: Sir (si Lalake), ma'am (si Babae), pasara na po ang SM Appliance.

Lalake: Tara na.

Babae: Sige, next time naman!

Tatayo ang dalawa mula sa pagkakasalampak sa sahig ng mall at masayang aalis sa Appliance Store.