Posts

Showing posts from April, 2016

Kapangalan

Kasalukuyan akong nag-eencode ng mga pangalan ng mga elementary student nang makita ko ang pangalan mo sa listahan. Kapangalan mo lang naman ito at hindi naman talaga ikaw. Matagal na kitang kinalimutan at mabuti na rin ang lagay ko pagkatapos nating magkahiwalay. Pero nang makita ko na nga itong pangalan mo, bigla kitang naalala...at namiss. Alam mo, halos masiraan ako ng pag-iisip nang iniwan mo ako dahil sa kanya. Paano naman kasi, ikaw lang talaga ang minahal ko nang todo (yung tipong wala na akong itinira para sa sarili) pero hindi naman naging tayo sa huli. Ang sakit lang. Pero, kumusta ka na kaya ngayon? Malamang, masaya ka sa sinasamahan mo ngayon pagkatapos mo akong iwanan dahil sa mas magaling siya sa ka-- --teka nga, kayo pa rin ba hanggang ngayon? Kasi kung totoo ang isang chismis na narinig kong iniwan ka na ng taong ipinagpalit mo sa akin, aba, tatawanan talaga kita! Karma is real, eh? Kinopya ko ang pangalan ng estudyanteng kapangalan mo saka inencode sa spreedsheet. Ngu

Sa Jeepney

Nakaupo na ako sa loob ng jeepney nang mabigla ako sa biglaan mong pagdating pero wala nang puwesto para sa iyo. Nakita kong napakalaki na ng ipinagbago mo na halos hindi na kita makilala pero hindi mo naman ako nakita na nakapuwesto pa sa dulo. Bigla kitang na-miss. Sabik ako sa iyo, alam mo ba iyon? Dalawang taon na tayong hindi nagkikita. At sa mga sandaling nakita kitang umalis at lumipat sa ibang jeepney, nakaramdam ako ng lungkot. Nalungkot ako dahil ganyan mismo ang nangyari sa relasyon natin. Nandoon na nga ako pero hindi mo pa rin ako nakita. Ang masakit, iniwan mo ako at lumipat ka pa sa iba. Kunsabagay, ang alam mo e wala ka nang puwesto sa jeepney noong hapon na iyon. Pero nagkamali ka. Malaki ang puwesto mo sa jeepney na iyon dahil naroon ako. Naroon ang puso ko, at ikaw pa rin ang magpupuno nito. Gusto ko pa sanang habulin ka pero bumiyahe na ang sinasakyan kong jeepney. Gusto kitang yakapin. Gusto kitang kausapin, kahit na sinabi mo noong una na ayaw mo na. Heto

Tarpo

Panahon ng kampanya. Kasalukuyan akong nananghalian sa isang karinderya. Para sa akin, masasabi kong best karinderya ito na nasa tapat lamang ng pamantasan. Lahat ng mga mag-aaral at propesor ay dito rin kumakain. Malakas din ang benta nito at hindi nauubusan ng kostomer mula umaga hanggang gabi. Naroon ako ng mga sandaling iyon nang dumating si Mr. Congressman. Di napigilang magtilian ng mga kadalagahan dahil napakaguwapo talaga nito na pinapangarap ng bawat kababaihan. Naroon siya at kinausap ang may-ari ng karinderya na isabit ang kanyang tarpo sa harap ng karinderya kapalit ang isang malaking halaga ng salapi bilang kabayaran na agad naman nitong pinahintulutan. Pagkatalikod ni Mr. Congressman ay may ichinismis ang may-ari ng karinderya na agad kumalat at naging usap-usapan ng madla. Kabit daw ni Mr. Congressman ang sexy at magandang babae na kasama niya sa karinderya noong araw na iyon... na hindi naman pala totoo! Nabahiran ng dumi ang pangalan ng Congressman at ito ay

Pagsisisi

Naging mahina ako kaya pumatol ako sa iyo. Naglihim tayo sa lahat. Magaling kang manukso at nang makaraos, ipinangako ko sa sarili na iyon na ang huli dahil may asawa ka. Pero nagkamali ako. Pumayag na naman akong muling sumiping sa iyo. Pumatol ako kahit mali. Pero, nagsisisi na ako ngayon. Muli na naman itong nangyari. Itinulak mo ako sa pader saka mo pinagsawaan ang katawan kong walang laban sa kasabikan at kalibugan mo hanggang sa kama n'yo ng misis mong kaibigan ko. Ako ang nagpawi sa pagkauhaw mo sa laman. Diniligan ko ang init mo. Maliwanag na sa akin mo natitikman ang sarap na hindi niya maibigay sa iyo. Pareho tayong nagsasarapan hanggang sa huling pagsabog ng kaligayahan natin. Pero mula noon, iniiwasan na kita. Iniiwasan ko nang kamutin ang kakatihan mo dahil nagsisisi na ako sa ginagawa natin. Ibinalita mo sa akin na binuntis mo na ang asawa mo makalipas ang ilang buwan. Masaya ako sa muli nating pagkikita dala ang isang magandang balita na magiging ganap na a