Tuesday, May 31, 2016

Sulyap

Nasa harap kita nang magkasagian ang sapatos nating dalawa. Hindi sinasadya.

Saglit kang sumulyap sa akin pero agad kang umiwas nang magpantay ang paningin natin. Ibinaling mo ang paningin sa dinadaanan ng sinasakyan nating jeepney na siya ko ring ginawa. Pero habang nasa ganoon akong ayos, nagdududa naman ako kung sumusulyap ka sa akin ng hindi ko alam.

Muli kong sinubukang sumulyap sa iyo. At hindi sinasadya, tulad ng inaasahan, muling nagtama ang paningin natin. Pansin ko pa nga na medyo may katagalan na ang pagtitig natin sa isa't isa at agad ding umiwas ng tingin, marahil, sa hiya.

Tumugtog sa radyo ang kanta ni Tootsie Guevarra: ang 'Pasulyap-sulyap.' Parang sinasadya na umakma yata sa ating dalawa ang kanta. Nagtaguan pa nga tayo ng ngiti na nahalata din ng isa't isa. At sa ngiti mong iyon, nasulyapan ko ang kilig mong hindi mo nagawang itago.

"Para po!" bilin ko sa tsuper saka itinabi ang jeepney sa may kanto.

Kahit hindi kita tinignan, alam kong sinundan mo ako ng tingin hanggang makababa. Nang lignunin kita, nakita ko, nakatingin ka na sa akin.

Nagpantay ang paningin natin. Napahinto ako, hindi dahil sa napansin kong hindi ka bumitaw hanggang sa ipaglayo tayo ng sinasakyan mong jeepney kundi, nakita ko sa iyo ang bahid ng pagkabigo. Pagkabigo siguro, na hindi man lang natin nakilala ang isa't isa.

Thursday, May 19, 2016

Parusa

49 over 100. Ito ang nakuha kong score sa huling long quiz ng Abnormal Psychology ngayong second semester. Sa limampu't dalawang estudyante ng 3-B, ako na ang pinakamababa.

May apat na pu't pito pa ang natirang bagsak pero mas mataas na ang score nila kaysa sa akin. Ang problema, hirap akong makipagsabayan sa mga mauutak. Mas progresibo sila.

Medyo nag-advance na kami ng topic. Ito ang behavioral modification technique na siyang salarin dahil hindi ko makabisado na isinama sa quiz. Letche!

Pag-alis ng professor, nagkatuwaan ang buong klase. Naisip nila na isulat ang mga common psychological disorders sa maliit na papel at tutupi-tupiin upang ipagsasama-sama ang lahat sa iisang box.

Bunutan para sa mga bagsak only. Hindi ko alam kung para saan. Ang sabi, ito daw (ulit) ang topic next week.

Malamang, sabi ko sa sarili ko, reporting ito.

Matapos ang bunutan (ako ang unang bumunot), inilista ito sa isang malinis na papel.

May ibang kaklase na nakakuha ng schizoprenia, obsessive compulsive personality disorder, catatonia, cerebral palsy, separation anxiety disorder, at iba pa. Nang makabunot ang lahat, sinabi sa amin na ito daw ang irereport namin... at isasadula sa harap ng klase. Literal na isasadula sa loob ng 3 minutes! Katuwaan lang naman.

Choosy pa yung isang kaklaseng lalake na nakabunot ng sexual deviance. Yakang-yaka ko ang nabunot niyang exhibitionism. Pero nakakahiya at some point dahil magpapaview ka ng kung anu-anong ANO. Yung tahimik sa klase, circumstantiality pa ang nabunot. Siya na ang bahalang magsalita nang magsalita. Kaya ko iyon dahil pangarap kong maging isang madaldal. Magagamit ko iyon sa pagsusulat.

Pero malas ko dahil autism pa ang nabunot ko.

At nang dumating ang klase namin, nakatakip ang lahat ng tenga ng mga kaklase dahil sa akin. Ang instruct kasi, kung ano ang nabunot kong psychological disorder, iyon ang gagawin ko. Isasadula ko, doon mismo sa loob ng klase. Sumisigaw ako, yung pinakamatinis na halos mabasag ang lalamunan. Yung nakakabingi, nakakairita, at nakakabuwisit!

Nagwala ako ng matindi. Matinding matindi.

Pagkatapos, balik sa report. Palakpakan ang lahat at sumisigaw ng 'we love you' nang sabay-sabay, saka ako binigyan ng limang Chocolate Milk at sampung Meiji's black chocolate bar, ang mga kahinaan ko.

Habang nagsasalita, iniisip ko na mag-aaral na ako ng mabuti. At sana, lagi na lang akong bagsak para mayroon akong chocolate milk and black chocolate bar.

Yum, yum!

Naisip ko, hindi pala lahat ng parusa ay masakit o mahirap. Yung iba, masarap!

Sunday, May 8, 2016

Chocolate

"Mag-isip ka ng nakakatawa," sabi ng isang lalake sa kanyang kaibigan. "Dali!!!"

Martes. Rush hour. Maganda ang umaga.

Agad bumiyahe ang jeepney kung saan ako nakasakay. Nadatnan ko ang dalawang lalakeng naghahagikgikan pag-upo ko sa masikip na puwesto. Katapat ko lang sila kaya nasusubaybayan ko kung ano man ang monkey agenda nila.

"Tangina mo naman, pre. Wala akong maisip!" pero tumawa na ito nang tumawa. Wala siyang pakialam sa pagtalsik ng sariling laway. Kita pa pati ngalangala.

Hindi ko sila pinansin. Pero napansin ko palang estudyante sila ng College of Computer Studies (sa College of Arts and Social Science ako). At dahil hindi ako nag-almusal, bumili ako ng paborito kong chocolate milk at Koala March sa 7 Eleven, sa tapat ng Camp Aquino. Kumain ako habang bumibiyahe.

Nagpatuloy sila sa paghalakhak hanggang sa nahinto ito sa pagsakay ng isang magandang dalaga, sa may parte ng Barangay Paraiso, na pumagitan sa kanilang dalawa. Nursing student. Nagkindatan pa ang dalawang gago sabay ngiti. Suwerte nila, may tumabi sa kanila na magandang chikas!

Napahinto naman ako nang maglabas itong si magandang chika na isang bote ng Vita Milk. Isa sa mga pinakapaborito kong inumin! Pansin kong tumingin ang lahat ng pasahero sa kanya kung paano siya uminom. Napakasexy... and hot! And take note ha, binuksan niya ang tansan ng bote gamit ang sariling ngipin! Medyo nangilo ako sa ginawa niya at naastigan lalo na't ininom ito ng isang tunggan lang. Parang pagtungga lang ng isang bote ng Red Horse.

Wow!

Napainom ako ng chocolate milk. Natulala ako sa ganda ni chikas. Nakatingin ang lahat sa kanya lalo na ang dalawang lalake na nagpapalaman sa puwesto niya.

Bigla na lang naligaw ang paningin sa hawak niyang bote. Bumaligtad ito at doon natapon ang medyo masagana nitong gatas. Gatas na hindi ko alam kung gatas ba talaga ang tingin ko ng mga sandaling iyon o ano man. Ito na siguro ang epekto ng panonood ko ng mga wild BB-Douga ng Japan.

Nalito ako. Nataranta. May naalala akong senaryo na hindi ko maaaring ihalakhak habang nasa jeepney. At dahil nakalimutan ko o hindi ko alam kung ilulunok ko ba ang ininom na chocolate milk, doon na lang ako nagrebolusyon. Hindi ko nagawang i-kontrol ang sarili. Naisabog ko ang ininom na chocolate milk sa magandang chika saka humalakhak ng wagas.

Napahinto ako nang mapasigaw siya. Hindi ko alam kung tatawa ako o ano man, lalo na nang makita kong isinabog ko pa pala ang chocolate milk sa mala-bundok nitong dibdib, sa suot nitong puting uniporme pa ng Nursing. Nabigla naman ang lahat ng pasahero. Walang pakialam ang truper. Lahat sila, nakatingin na sa akin.

This is shit! Hindi ko alam kung ano ang gagawin.

Ano, BB-Douga pa-more, more, more!

Saturday, May 7, 2016

Arenola: Isang Pasasalamat

Masasabi kong ito na ang huling pagsali ko sa isang writing competition sa buong college life ko.

Bigla kong naisip ang bagay na ito pagkatapos kong tanggapin ang ikatlong parangal ng pagsulat ng maikling kuwento sa Lathala V presents "HUBAD." Tinaggap ko ang premyo na hindi alam ng lahat. Hindi talaga alam ng lahat dahil hindi ako nagsasabing sumasali ako sa mga ganitong uri ng patimpalak na hindi ko alam kung may mapapala ako sa huli o wala. Walang nag-cheer sa akin noon maliban sa pagbati ng isang kaibigan at isang dating editor in chief ng university publication na si Mayang.

Pero... nagkamali ako.

Ang pakay ko lang naman sa pagsali ng ganitong patimpalak ay para malaman kung mayroon ba akong progress sa karera ko ng pagsusulat. Ramdam ko, wala akong improvement. Walang progress. Iyon na. Sana nga, ramdam ko din ang sinasabi ng iba na magaling daw akong magsulat pero... hindi rin. Hindi iyon totoo. At hindi ako naniniwala. For some weird reasons, mga kapwa-kamukha, oo, wala akong tiwala sa sariling kakayanan.

Nakuha ko ang ikalawang parangal ng pagsulat ng maikling kuwento sa Parirala: ang kauna-unahang writing competition ng The Oracle. Ito ang official college publication ng College of Arts and Social Science, ang kolehiyong kinabibilangan ko. Pasensya na kung ngayon lang ako nagsabi. Masyado na akong maabala at hindi na rin nakakapagsulat.

"SEEN 1:74 AM" ang tema ng unang patimpalak ng Parirala. Ito ay tumutukoy sa mga damdaming binalewala, mga bagay na hindi binibigyang pansin at tinutugunan, at iba’t ibang klase ng dagok sa buhay ng tao na walang kahalagahan para sa iba. Hinahamon ang lahat na ito ay bigyan ng boses ang mga kinikimkim na hinaing na matagal nang nakakulong at handa nang kumawala sa damdamin ng isang indibidwal.

Awarding night: April 28, 2016. Naitaon ito sa maling pagkakataon kaya malungkot ako. Malungkot ako, hindi dahil sa conflict ang thesis oral defense namin sa awarding kundi, hindi ko nakuha on-stage ang premyong token at certificate. Balak ko pa sanang magpalitrato ng naka-corporate attire fresh after the thesis defense pero wala na sila nang puntahan ko sa TSU Heroes Park.

Sayang.

Ano pa man ang nangyari ay nagpapasalamat ako sa buong puwersa ng The Oracle, sa kanilang editor in chief (at iniidolo ko sa pagsusulat) na pinapangarap kong maging friend sa Facebook (Nahihiya ako eh, ano ba?! Ayyyyiii!!!), kay Bayani na tumanggap ng mga entry para i-judge (una pa ang akin kasi letter 'A') pero hindi ako nagsabing sumali ako para walang bias. Hindi ko pa rin alam kung pasado na ako sa mga pamantayan nila pero maraming salamat pa rin. Salamat sa lahat!

P.S. Pa-kiss naman jan!

Thursday, May 5, 2016

Lumaki

Naalala ko noong maliit pa ako, papunta kami sa Manila, nang mag-stop over kami ni daddy sa isang gasoline station. Pagkatapos magpakarga ng gasolina, sumama ako kay daddy para jumingle sa restroom ng gasolinahan.

Pagpasok, doon ako unang nakakita ng men's urinal na nakadikit/nakasabit/nakasemento sa pader. Doon inasunto ni daddy ang ihi niya. Nakita ko pa nga ang kanya eh. Na kahit malambot, malaki ito at parang jumbo hotdog! Iyon nga lang, may ulo sa kanya, sa akin, wala pa. May buhok sa kanya, sa akin wala. May kaputian ang kanya, maputi naman ang akin. At malaki sa kanya, maliit naman ang akin.

At dahil ihing-ihi na ako, pilit kong inabot ang napakataas na men's urinal. Hindi ko maabot. Narinig kong tumawa ng mga sandaling iyon si daddy nang maitutok ko sa ibang direksyon saka nagsalita ng ganito: "Magmamana ka sa akin, anak. Tatangkad ka rin," saka niya pinagpag ang malaki nitong ipinagmamalaki.

"Pati iyan?" turo ko sa ano niya bago itago sa loob ng kanyang pantalon. "Lalaki din ba ng ganyan kalaki ang sa akin, daddy?"

Natawa siya, "Oo naman dahil lalake ka! Lalaki iyan ng mas malaki pa kaysa sa akin. Pamparami ng chicks!" saka kami lumabas pagkatapos kong umihi sa isang toilet bowl.

Pitong taong gulang lang ako noon. Labing limang taon na iyon ang nakalipas. Masaya ako dahil sa wakas, naaabot ko na ang lahat ng men's urinal dahil tumangkad na ako, lumaki na ako.

Nalulungkot ako kapag inaalala ko ang mga sandaling iyon. Oo nga't tumangkad nga ako. Lumaki. Pero yung ano ko, hindi.

'shit' desu ne.

Minsan, napapaisip ako kung ampon niya lang ba ako o hindi...