Posts

Showing posts from April, 2017

Teddy Bear

Image
Mahilig ako sa mga malalambot at malalaking teddy bear. Sa katunayan, tatlo na ang mga ito sa kuwarto ko. Ang dalawa ay iniregalo sa akin nina mom and dad, at ang pangatlo naman ay iniregalo sa akin ni ninong. Nabigla pa nga ako kay ninong dahil hinalikan niya ako sa labi nang tumalikod sina mom and dad pagkabigay noon. At ang sabi, huwag ko daw sasabihin ang ginawa niya sa akin kahit kanino, para maregaluhan niya ako ulit ng isa pang teddy bear. Kakaiba na ang dating sa akin ng pangatlong teddy bear noong una pa. Pansin ko, sa tuwing maglalakad ako sa kuwarto ay parang sinusundan niya ako ng tingin habang nakapatong ito sa ibabaw ng drawer ko. Ramdam ko naman na parang lumilingon siya sa akin habang nasa study table.Nahahalata ko iyon. Parang malinaw ko pa ngang nakikita na unti-unting bumabaling ang ulo nito sa akin at paglingon ko naman ay parang wala lang. At tuwing gabi naman ay parang may buhay ito at gising na gising, pinagmamasdan akong natutulog, kaya di ko hinahayaangnakas