Thursday, May 25, 2017

Timbangan

"49 kilos???" nabiglang sinabi ni Jemma. "Ito na ngayon ang timbang ko? Really?!"

"Ayos lang iyan para naman mapanatili mo ang shape ng katawan mo," sagot naman ni Vicky.

"Nadagdagan ang timbang ko, Vicky-bola," sagot ni Jemma sa kaibigan na bilugan ang katawan na tila dambuhalang bola.

"O, e ano naman ngayon?!" tumigil siya sa paglalagay ng lipstick."Kumpara mo naman sa akin, tignan mo, 200 Pounds Of Beauty ang peg. Pero atttliiittt... maganda ako. At nasa mukha ko ang ebidensya!"

"Agree ako, beshie. Fat chicks are prettylicious and new sexy sa panahon ngayon!"

"Ay ang taray! Bet ko 'yan!"

"I know right."

Sabog ng tawanan.

"Pero tama ba talaga ang pagbabasa ng timbangan mo? Sinungaling yata at parang ang sarap yatang ihambalos sa mukha mo."

"Ay ang harsh. Hoy! Tama iyan! Sadyang ikaw lang talaga ang may 'amats' sa pag-iisip!"

Maya-maya, napansin ni Vicky ang pagluha ng kaibigan. "Umiiyak ka ngayon? Bakit, totoo naman ah?!"

Nagpantay ang mga paningin nila. At sa basagang boses, nagsalita si Jemma. "Tumataba na ako, Vicky-bola. Kailangan ko na namang mag-diet..."

"O tignan mo na. Ihambalos ko sa mukha mo 'yan eh! Ikaw ang may amats, hindi ang timbangan ko!"

No comments:

Post a Comment

Thank you for reading!
Hope to hear from you. Don't forget to share!
Follow us on FeedBurner
Like Jay's Quirky World on Facebook! Thank you! ^_^