Si Aling Talak

"Bwisit na kapitbahay, gabi na't napakaingay! Palibhasa kasi, hindi na siya kinakalabit ng mister niyang may kabit! Akala mo naman maganda ang boses kung pumutak! Hindi na nga marunong mag-ayos ng bahay, naku, tsismosa pa! Nakakahiya!" reklamo ni Aling Talak sa katsismisang kumare sa telepono at buong maghapong pumutak nang pumutak sa kanilang bahay.

Comments