Tuesday, February 28, 2017

Sambahin Ang Ama

AmaLumuhod ako ng gabing iyon at humarap kay Ama. Lumapit ako sa Kanya upang humingi ng kapatawaran sa mga kasalanang paulit-ulit kong ginagawa. Lumuluhod ako sa Kanyang harap dahil alam kong Siya ang naglikha sa akin at nararapat lamang na sa Kanya ako lalapit upang manalangin.

Pero, noong gabing iyon ay hinawakan ko ang kanyang simbolo. Simbolo, na siyang naging pangunahing sangkap na nagbuo sa akin. Kasabay ng kanyang mga halinghing, sinamba ko ang simbolo ni ama na halos mamuwalan, hanggang mairaos niya sa aking bibig ang kanyang mainit, malapot, at masaganang punla ng buhay. At pagkatapos magsuot ng saplot, iniwan niya akong mag-isa kasama ang limang libong salapi bilang kabayaran.

Muli akong lumuhod sa harap ng altar ni Ama at humihingi ng kapatawaran.

"Panginoon, patawarin Niyo po ang pagkakadungis ng aking pagkalalake..."

Saturday, February 25, 2017

Masarap Si Teacher

Nakita naming lahat na sa sobrang gigil ni teacher kay Gerald ay hinalikan niya ito ng labi sa labi. Nabigla kaming lahat at naghalakhakan. Paano naman kasi, lumipat ang makapal na lipstick ni teacher sa labi ni Gerald, na agad naman niya itong pinunasan gamit ang kanyang polo.

Masasabi kong masuwerte si Gerald dahil hinalikan siya ng isang maganda, matangkad, at sexy na teacher namin sa Kinder. Kahit si daddy, pinagnanasahan niya si teacher sa sobra nitong ganda.

Maaaring nakakatawa para sa pananaw naming mga bata ang nangyari pero nang maikuwento ko ito kay daddy at sa iba pa niyang kaibigan, pinapalakpakan lang nila si Gerald. Sabagay, hindi maitatangging guwapo at matalino si Gerald. Inggit ako. Manang-mana sa tatay niyang sikat na aktor.

"Halikan mo rin!" pagkukunsinti ni daddy... na ginawa ko nga. Labi sa labi, pero kaming dalawa lang sa classroom. At paglabas, bagamat masakit ang malakas niyang sampal sa mukha ko, ay tuwang-tuwa ako. Pakiramdam ko, parang niregaluhan ako ni daddy ng isang malaking robot para sa birthday ko.

Masarap palang halikan si teacher. Maganda at sexy pa!

Thursday, February 23, 2017

First Love Never Dies

Abala ako sa pagpili ng mga gulay sa talipapa nang takipin ako ng isang binata. Paglingon ko, si Harris pala. Isang dating schoolmate.

Hindi ko siya nakilala noong una dahil hubad-baro siya at nagmamadali. Napansin ko pa nga, na bagamat maitim ang kutis, ay maganda ang hubog ng kanyang katawan. May maipagmamalaki din dahil gumwapo siya.

Hindi namin nagawang magkumustahan pero nabanggit niya sa akin si Nea na nanganak na noong isang buwan. Nagtaka pa ako kung bakit iyon ang una niyang bukambibig. At pagkatapos, agad siyang nagpaalam nang masaya ko ngang ikinumpirma iyon sa kanya saka sinabing napakasuwerte ni Nea sa kanyang napangasawa.

Bago siya umalis, napansin kong pilit ang ngiti niyang nagpaalam sa akin. Parang lumungkot yata ang itsura. At ilang sandali lang ay naalala kong ex pala ni Harris si Nea! Nainis ako sa sarili dahil hindi ko dapat ipinagmalaki iyon kay Harris. Napakatanga ko talaga!

Alam kong malalim ang naging relasyon nila noong 3rd year high sila (habang 4th year naman ako). Nagtagal ang relasyon nila ng tatlong taon hanggang kolehiyo. Hindi ko alam kung ano ang dahilan ng paghihiwalayan nila noon pero isa lang ang nasisiguro ko: mahal pa rin ni Harris si Nea kahit may nobyo na ito.

Pag-alis ni Harris sa tindahan ng gulay sa talipapa, nakaramdam naman ako ng sakit sa dibdib para sa kanya. Doon ko nakita at napatunayan na mahal niya pa rin si Nea kahit may asawa na ito. Parang, ako pa ang nasaktan para kay Harris sa lagay na iyon dahil BFF ko pa ang ate ni Nea. Siguro, nakita niya si Nea sa akin kaya niya iyon nabanggit.

Hanggang isang gabi, tatlong buwan makalipas ang huli naming pagkikita noon sa talipapa, ay hindi sinasadyang napindot ko ang Add Friend button ng Facebook profile ni Harris na nakita ko sa isang group. Hindi ko na iyon nabawi pa dahil agad naman niya itong tinanggap at mabilis akong kinausap. Hindi ko alam na online pala siya ng mga oras na iyon.

Nagyaya siyang mag-shot sa kanila. Sa paraan ng pagsabi niyang iyon sa akin ay ramdam kong may dinaramdam siyang problema. Ayaw pang sabihin sa akin kung ano talaga iyon samantalang handa naman akong makinig pero hindi ko na siya pinilit.

Hindi na niya ako kinausap mula noon kahit friends na kami sa Facebook. Sana lang talaga, hindi si Nea ang dahilan ng dinaramdam niya ngayon (o baka naman ako lang ang nag-iisip nun?). At kung iyon nga, hindi ko na masisisi si Harris dahil mahal na mahal niya si Nea... hanggang ngayon.

Ganyan talaga kapag pers lab!

Naisip ko, parang ako lang pala... na hanggang ngayon ay umaasa pa rin sa kanya, kay Sarah, na magkakabalikan pa kami, kahit na masaya na siya ngayon sa bago niyang asawa.

Malamang, sasabihin din ng iba sa akin na hindi nila ako masisisi dahil kahit matagal na kaming wala ni Sarah ay mahal na mahal ko pa rin siya hanggang ngayon. Mahal ko eh. Lalo na kapag siya ang una mo sa lahat. Sa lahat. Mahirap lumimot. Mahirap na siyang kalimutan ng madalian kung nagkaroon na siya ng malaking bahagi dito sa puso ko.

Totoo nga talaga ang kasabihang 'first love never die' ayon sa kanta. At kung sakali mang mayroon na akong bago, masasabi ko na siya ang paborito kong ex na hindi ko malilimutan kahit kailan.

Wednesday, February 22, 2017

Transformer

Nabigla ang isang empleyado ng Tarelco nang malamang nawawala ang transformer ng kuryente ng isang Barangay sa Tarlac. Nasira ang linya ng kuryente sa Barangay nang sumentro sa buong lalawigang ito ang mata ng bagyong Santi.

Lakas-loob na sumagot sa wikang Pampango ang isang residente na ibinenta daw iyon sa kung saan.

"Sinong sila?! Hindi puwede iyan! Maayos pa ang trasformer ninyo tapos ibebenta lang nila ng ganoon kadali?" napatingin ang ibang tao nang magtaas ito ng boses. "Ang Barangay na lang ninyo ang walang linya ng kuryente sa buong Tarlac!"

Wala. Wala nang pumapansin sa kanya kaya ibinalik ng empleyado ang hamon sa mga residente. Pinapili sila: ibabalik nila ang transformer sa loob ng bente kuwatro oras, o hindi sila bibigyan ng kuryente.

Nang bumalik sa Barangay na iyon ang Tarelco kinabukasan, nakita nilang nakalapag na sa kanto ang ibinentang transformer, doon sa natumbang poste kung saan ito unang nakalagay.

Saturday, February 18, 2017

Panlasa

"Dude! Kumusta?"

"Mabuti! Naks, 'tol, anlaki na ng ipinagbago mo, ah! Looking good boy!"

"Syempre! Parang ikaw lang, oh. Gwapings!"

"Umi-inspirasyon eh!"

"Bakit? Anong meron? Nasan ba si kumare?"

"Nasa ibang bansa."

"Kailan ang balik?"

"Anim na taon pa."

"Naku, umi-inspirasyon para mang-araro sa iba!"

"Uy, baka marinig ka!"

"Sabi na nga ba eh. Kilala ko ba siya? Ingat ka baka mahuli ka dito."

"Gago! Hindi mo siya kilala. Isa pa, bakit ka kasi dudumi sa malapit?"

"Wow! Galing ng diskarte mo, ah! Kaya idol na idol kita eh!"

"Mga gwapings tayo eh. Ano, dating gawi?"

"Tangina, p're, hindi ko siya kayang lokohin."

"Sino? Girlfriend mo? Putcha, tara, bro! Girlfriend mo pa lang naman eh. Hindi naman niya malalaman kung walang magsasabi, eh. Sa malayo tayo dudumi para hindi maamoy sa malapit!"

"Sige, gusto ko iyan. Hanggang tikim lang ha. Pero kapag nalaman niya ang tungkol dito, mapapatay kitang gago ka!"

"Heto, ipakikilala ko: maganda, sexy, matangkad, single, at higit sa lahat, virgin pa!"

"Wow! Hindi mo pa rin nalilimutan ang panlasa ko, ha!"

"Tsk, ako pa!"

Saturday, February 11, 2017

Walang Sikolohiya

Isang propesyunal si mama pagdating sa larangan ng Sikolohista. Marami ang humahanga sa kanya dahil marami na siyang natulungan, gamit ang kaalaman niya sa Sikolohiya.

Ang madalas sa kanyang mga serbisyo ay ang mga group and individual theraphy, mga psychological assessment, guidance and councelling sa mga paaralan, mga pamamalakad sa opisina, at lalung-lalo na sa isang mental ward kung saan siya ang chief ng ospital. Sa madaling sabi, isa siyang adbokasiya ng malusog na pag-iisip.

Masayahin at pala-kaibigan si mama. Pero, hindi siya naniniwala sa mga pamahiin, manghuhula, kulam, barang, o ano mang katulad. Ang pinaniniwalaan lang niya ay ang kanyang mga natutunan at ang Diyos. Isa siyang Born-Again.

Isang araw, dumating sa bahay namin ang dati kong kamag-aral na si Jennilyn. Nagwawala siya habang mahigpit siyang hinahawakan ng kanyang mga magulang at ang dalawang kuya.

"Ano pong nangyari sa pasyente?" Napansin ko kay mama na mayroon siyang hinahandang mga bagay na walang kaugnay sa serbisyo niya.

"Iniwan po siya ng kanyang nobyo na nakasama niya ng sampung taon, doktora. Anim na buwan na po siyang ganito. Tulungan niyo po kami!"

'N-nagkaroon siya ng schizophrenia?!' 'kako sa isip.

"Sige. Anak, kunin mo ang malaking krayom sa cabinet. Dali!"

"Ano?! Aanhin niyo ang krayom?!"

"Kailangan nating palabasin ang masamang espiritu sa loob ng kanyang bungo!"

"Hindi! Sikolohista kayo, tapos maniniwala kayo sa lumang panggagamot? Mamamatay ang pasyente!"

"Pero moderno ang mga kagamitan ko. Isa pa, ano ba ang sikolohista?! Ikaw yata ang kailangan kong butasan ng bungo eh. Madali ka!"

At iyon na nga. Nangyari ang hindi dapat mangyari. Nagkalat ang maraming dugo sa klinika ni mama matapos butasin ang noo ni Jennilyn. Halos masuka ako nang makita ko pa ang ilang lumitaw na parte ng utak saka natahimik ang lahat. Napalabas na daw ni mama ang masamang espiritu.

Ganoon din ang nangyari sa ibang mga  pasyente ng mental ward. Binutasan ng bungo, inilulunod sa ilog, inurasyunan ng mga albularyo, pinapausok ng kung anu-anong kahoy at dahon, at marami pang ibang paraan (na ginamit noong unang panahon) para magtanggal ng sakit sa pag-iisip. Sa kasamaang palad, lahat ay namatay.

Bigla ding nawala ang lahat ng mga sulatin at libro sa mga silid-aklatan at bilihan, ang lahat na patungkol sa sikolohiya. At hanggang sa internet, walang salitang 'psychology' o ano mang katulad.

"Litong-lito na ako noon sa mga nangyayari. Lumalapit na ako noon sa iba't ibang tao para lang sabihin na mayroong sikolohiya pero lahat ay walang alam. Walang naniniwala."

"O sige. Sigurado ka bang nagsasabi ka ng totoo? Wala bang sumasapi sa loob mo?"

"Oo! Maniwala kayo, mama. Isa kayong sikolohista!"

"Kung ganoon..."

Tinawag niya sina kuya at papa saka kinuha ang malaking krayom. Hinawakan nila ako sa kamay at paa saka itinali sa upuan sa loob ng klinika.

"... tatanggalin ko ang masamang espiritu sa loob ng bungo mo, anak."

Monday, February 6, 2017

Mantika

MantikaIniatras mo ang wedding proposal mo sa akin nang malaman mong hindi ako marunong magluto. Sabi mo, hindi ko kayang ipagluto ka, at ng magiging pamilya natin, ng masasarap na pagkain, di tulad ng ex mong mahal mo pa rin kahit tayong dalawa na ang magkarelasyon.

Napakababaw na dahilan iyon upang iwanan mo ako at bumalik ka sa kanya. Hindi ko iyon matanggap. Sobrang sakit.

Sa sobrang sama ng loob, pumunta ako sa kusina at nagluto. Muli kong sinariwa ang lahat ng masasakit na sinabi mo sa akin habang ginigisa ko ang malalaman mong karne sa sarili mong mantika, upang gawing sopas, para sa kaibigan kong si ex mong nagtatanong sa akin kung nasaan ka na.