Kiss Mark

May naka-one night stand ako last year.

Ang natatandaan ko, nakikita ko lang siya noon sa university namin during college days. Oo, attractive siya sa lahat pero hindi naman ako interesado sa kanya. That was way back 2015.

Hanggang magkita kami nang hindi sinasadya sa Padi's Point StarMall noong 2020 bago sumapit ang pandemya. Siya ang unang lumapit sa akin habang nagkakasiyahan kami ng mga kaibigan ko mula Taguig. Iyon ang kauna-unahang pagkakataon na nag-usap kami since college.

Nabigla ako dahil sa tagal ng panahon, nakilala niya pa ako. Na kesyo ako raw yung laging tambay noon sa sulok ng library habang nagbabasa (o nagsusulat)...na kesyo ako raw yung psychology student na laging nakiki-jamming sa mga Engineering student sa Tarlac, at marami pang iba.

Ang totoo, sa side ko naman, nakalimutan ko na siya. Hindi ko na nga siya maalala o makilala, pero shocks! sabi ko sa sarili ko, may alam siya sa akin, stalker ba siya???

So, kinuha niya ang contact ko. Naging friend ko siya sa Facebook. Mula noon, ibinuhos niya ang oras niya sa akin, sa pakikipagkuwentuhan ng kung ano-ano. Hanggang sumapit na nga ang araw na ito last year na nagyaya siya doon sa kanila. Magbonding daw kami. Mag-isa lang daw kasi siya sa bahay nila.

Pinuntahan ko. Malapit lang naman, eh.

At nang pauwi na ako, bigla niya akong hinarang sa pinto. Palabas na sana ako nang isara niya ang pinto saka niya ako isinandal sa pader. Saglit na nagpantay ang paningin namin, saka unti-unti kong naramdaman ang hininga niya malapit sa labi ko.

Ayun, nangyari na. Hindi ko iyon inaasahan. Hindi ko na siya inawat at hindi na rin ako nakapagpigil.

Bumaba pa ang mga halik niya sa leeg ko, siya na rin mismo ang nagtanggal ng tshirt ko, saka siya naglaro sa dibdib ko.

Maayos naman ang galawan niya. Sa katunayan, magaling siya at pleasurable. Siya siguro ang masasabi kong hinding-hindi mo pakakawalan dahil magaling sa kama at alam niya ang bawat kiliti't gusto ng katawan ko. Astig!

Alas dyes na ako nakauwi noon sa amin dahil naka-two rounds kami at hapong-hapo ako. Pakiramdam ko, nanuyo ako at naubos. Tangina, ikaw ba naman ang magbuga ng dalawang beses, hindi ka manglalata? Kinasuhan pa ako noon ng paglabag sa house rule curfew ng ala seis!

Kinabukasan, pagkatapos kong maligo, nadatnan ko si kuya sa kuwarto. Nakahiga siya. Nagbihis ako sa harap niya. Sanay na si kuya na naghuhubad ako sa harap niya. Pero, may napansin siya: ano raw ang mga pulang marka sa dibdib ko?

Hindi ako makapagpaliwanag kay kuya nang maayos. Wala akong maisip na excuse para pagtakpan ang marka ng mga kalokohan sa katawan ko. Hindi naman siya nagalit kaya hindi na ako nagsalita. Hindi ko alam kung may alam na si kuya.

Tapos, may gusto na namang makipagkita sa akin sa sabado. Sana, huwag niya na akong panggigilan o markahan sa katawan.

Comments