Waiting Shed

Isang gabi doon sa waiting shed. Nag-aabang ako ng masasakyang jeepney nang may lumapit sa akin na isang tricycle driver.

"Miss, tricycle?" alok niya. Tumanggi ako saka siya umalis.

Maya-maya, may isa na namang dumating. Tulad noong una, tumanggi ako.

Surprisingly, naulit na naman ito. Medyo napipikon na rin ako sa kanila dahil napakahirap mag-abang ng jeepney rito sa waiting shed at sila, kulit nang kulit sa akin. Sabagay, gumagabi na rin kaya medyo nakakatakot na lalo pa't marami raw masasamang loob ang nasa paligid tuwing gabi.

"Hindi po. Hindi po ako sasakay, kuya," sabi ko sa huling driver.

"Ganoon ba?" umiling si kuya saka ako inakyat ng matinding takot dahil sa huli niyang sinabi bago niya ako iniwan sa waiting shed. "Pumapara kasi yung dalawang matanda na katabi mo. Pagod na pagod na raw, eh. Ingat kayo ha."

Hindi ko naiwasang mangilabot nang matindi.

Comments

Post a Comment