Wednesday, November 26, 2014

The Letter

Let everyone have their freedom of speech to

Express their inner feelings by writing

Toward the colorful perspective in

This quirky world of beautiful life, and

Enlighten the mind of others that facing the

Realities, happiness, and challenges given by Our Dear God

- - - - -

Hello world and the whole universe!
Have a great day!

Tuesday, November 25, 2014

Para kay SJ

Dear Sarah,

Kamusta ka na? Sigurado, matagal na panahon na ang nakalipas simula noong huli tayong nagkita. Sa ngayon, ayos lang ang pagdaloy ng pamumuhay ko... na wala ka... na hindi ka nakikita... na hindi ka nakakausap... hindi ko alam kung bakit hanggang sa mga sandaling ito ay patuloy pa rin ang pag-isip ko sa iyo gayong wala na akong karapatan sa iyo at sa pagmamahal mo.

Bago tayo maghiwalay, may ilang mga bagay akong pinagsisisihan at gustong sabihin sa iyo pero kinulangan ako ng lakas ng loob para sabihin  ang lahat ng iyon sa iyo.

Una, pasensya na kung hindi ako naglakas ng loob na sabihin sa'yo noon na gusto kitang makasama ng panghabangbuhay. Pasensya na kung hindi ko natupad ang mga pangako ko sa'yo noong tayo pa. Alam kong iyon din ang dahilan kaya lumayo ka.

Pangalawa, salamat dahil sa loob ng pito at magwawalong taon nating pagsasama simula noong mga bata pa tayo hanggang sa nagdalaga't binata na, nagkaroon ako ng masaya at makulay na buhay dahil sa'yo. Salamat dahil, nang dahil sa iyo, naging maayos ang buhay ko dahil ikaw ang inspirasyon ko kahit tago ang ating relasyon. Nariyan ka lagi sa tabi ko sa hirap at ginhawa, sa lungkot at saya. Hinding-hindi ko kalilimutan ang lahat ng iyon dahil kahit wala ka na sa buhay ko, babaunin ko ang mga iyon habambuhay.

Pangatlo, paalam. Sana, sana lang, kung nasaan ka man sa mga sandaling ito, sana, masaya ka. Huwag mo na akong alalahanin dahil tanggap ko na ang lahat sa iyo. At oo, alam ko na ang lahat at hindi mo na kailangang magpaliwanag pa. Ang sa akin lang, ginawa mo ang parte mo na lumayo sa akin para sumaya ka sa piling ng iba. Masaya na akong nakikita kang masaya sa iba at mapapanatag ako kung ganoon. Alam kong alam mo rin na ito lang ang bagay na maibibigay ko sa'yo para sa ikaliligaya mo dahil mahal kita na higit pa sa buhay ko. Ingatan mo ang bago mong mahal tulad ng pagpapahalaga mo sa pagmamahal ko. Hanggang dito na lang ako...

Nagmamahal sa'yo ng lubos,
Jay

Sunday, November 9, 2014

Autumn Tale

May isang napakaguwapong bata sa ospital na may gulang na tatlong taon. Naroon siya kasama ang kanyang tatay sa labas ng nursery room kung saan, tanaw nila ang dalawang sanggol na babae na bagong silang. Nasa kaliwa nito ay ang sanggol na babae na kanyang kapatid na ipinakita sa kanya ng kanyang tatay matapos siyang buhatin para ito'y matanaw.

"Anak, tignan mo ang maliit mong ate. Ang ganda niya diba?" masayang sinabi ng tatay sa anak na lalake.

"Hayun oh, tignan mo," turo ng tatay sa panibagong miyembro ng kanilang pamilya. "Ang ganda niya diba?" saka ito napatawa at ibinaba muna ang anak nitong lalake.

"Sandali lang ha, dito ka muna. Kukunin ko muna yung kamera para makunan natin siya ng litrato ha."

Ibinaba niya ang anak na lalake at naiwang mag-isa sa labas ng nurcery room.

Nagkataong lumabas noon ang nurse at naiwang bukas ang pinto kaya malayang nakapasok ang batang lalake sa loob ng nursery room. Walang ibang taong nakapansin sa kanyang pagpasok kaya wala nino man sa kanya ang nagpigil.

Naglakad siya at nilapitan ang dalawang sanggol na bagong silang. Pumagitan siya sa dalawang sanggol na babae saka nakita ang name card nitong nakasabit sa gilid ng maliit na crib. Lumapit siya sa crib ng kanyang kapatid na babae at kinuha ang name card nito, gayon din ang name card ng isa pang sanggol.

Pareho na niya itong hawak--nang ilaglag niya ang isa sa mga ito, at isa pa... hanggang sa dumating ang nurse saka pinulot ang nalaglag na name card. Nakita ito ng nurse kaya ibinalik niya ang name card... sa kabilang sanggol... at ang isa naman ay sa kabila nito... saka niya inilabas ang batang lalake at ibinigay sa kanyang tatay na agad siyang kinuha.

Dala niya ang kamera pero hindi na niya naituloy pa ang pagkunan nito ng litrato dahil sa sobrang tuwa. Ang batang lalake, nakatingin sa kapatid niyang babae. Napakainosente, at napakapayapa.

Wala siyang nalalaman, walang alam ang nurse. Wala ring alam ang magulang ng isa pang sanggol at mas lalong walang alam ang kanyang tatay na bumubuhat sa kanya na nagpalit ng name card ang dalawang sanggol.

Ang batang lalake, hindi na niya tinanggal ang paningin nito sa kapatid niyang babae hanggang sa mawala ito sa kanyang paningin habang lumalayo sa nursery room.

- - - - -

*Galing sa 16 Chapter mini-series na 'Autumn Tale'

Monday, November 3, 2014

Malambot

Gustong-gusto kong hinahawakan at pinipisil ang malambot na braso ni Arvin habang nakasuot siya ng boxer shorts and sando. Natutuwa kasi ako dahil hindi naman maganda ang katawan ko tulad ng sa kanya.

"Hmmpptt!!!" tinigasan niya ng mga sandaling iyon ang kanyang braso dahilan para tumigas ang pinipisil kong iyon at lumitaw ang malaki niyang masel. Nakakamangha at nakakatuwa, pero nainis ako kasi wala na akong mapisil.

Dahil nakaupo lang kaming pareho sa damuhan pababa sa isang batis, tinungo ng mga kamay ko ang hita niya saka ko pinagpipipisil.

"Hoy!" binugaw niya ang kamay ko sa hita niyang malambot. "Nakikiliti ako!"

Napakunot ako ng noo.

Inatake ko ang pagpipisil sa pisngi niya, sa tiyan, at sa binti... nang muli siyang nagreklamo. "Tsk!... tigilan mo na ako..."

Inirapan ko siya ng mata... na naituon ko naman sa malaki niyang dibdib. Abala siya sa pagbabasa ng libro nang tusuk-tusukin ko ng daliri ko ang malambot niyang dibdib.

"Alam mo namang may kiliti ako sa dibdib di'ba?!" napakunot na siya ng noo. Isinara niya ang libro matapos lagyan ng bookmark saka humiga sa damuhan at ipinikit ang mga mata.

Punyeta. Lahat ng mga pinipisil ko sa katawan niya, ipinagdadamot niya na sa akin. Kaya ko lang naman nagagawa iyon e dahil naiinggit ako sa katawan niya kasi wala akong ganoon.

"E eto, titigasan mo ba ito?" pinisil-pisil ko ang malambot na bagay na nasa pagitan ng dalawa niyang hita, na nasa ibaba ng kayang katawan, na nasa likuran ng suot nitong boxes shorts. Damang-dama ko ang laki ng kanyang dinadala na inakala ko noong una ay peke pero tunay pala.

Napadilat siya ng mata saka tumingin sa akin. Nabigla ako kasi hindi ko naman talaga dapat gagawin iyon at halos hindi ko na alam kung ano ang gagawin. Nakahawak lang ako doon, hindi ko pa ito magawang bitawan. Makahulugan ang tingin niya sa akin habang damang-dama ko ang unti-unti nitong pagtigas dahilan para makaramdam ako ng kakaibang sensasyon at kiliti sa kamay.

Ramdam kong pareho kaming nag-init nang lumapit siya sa harapan ko saka humangin ng napakapresko. Buti na lang, makulimlim... at walang nakatinging ibang tao sa aming dalawa...