Tuesday, November 24, 2015

Ako po si Jay

Papasok na ako sa Camp Aquino, galing TSU(-valandia), nang bigla akong hinarang ng isang lalake. Nabigla ako sa mga sinabi at tanong niya sa akin na siyang nagpakunot ng noo ko.

Kumusta na daw ako? Bakit ganito daw yung itsura ko? Bakit sa tagal ng panahon e guwapo pa daw ako at binatang-binata? Mabuti at umuwi na daw ako? Ilan na daw ang naging chicks ko? Dagdag pa niya, nabalitaan na naman daw niya na may bago akong babae.

"Ayos lang," sagot ko.

Puro ako tango. Na-corner ako nang mapansin niyang tahimik ako sa kalagitnaan ng pakukuwento niya. Bakit hindi ko daw yata siya kilala samantalang magkaibigan naman daw kami. At, mas lalo pa akong nagtaka nang itanong niya sa akin si Amanda, ang dati ko daw babae.

"Hindi ko na siya nakikita."

Napakunot ng noo yung lalake. "Teka," lumapit siya sa akin saka tinignan ang ID na nakasabit sa akin. "Anak ka pala ni Ferdy, bakit hindi mo sinabing hindi ikaw siya?"

"Opo. Ako po si Jay."

Iniwan ko yung lalake sa Gate 1 saka nagpatuloy sa paglalakad.

Napaisip ako, ganoon na ba talaga ako ka-guwapo? Ganoon ko na ba talaga kamukha si daddy? Naisip ko kasing delikado rin palang maging si daddy, nakakatakot!

Thursday, November 19, 2015

Ganti

Pinagkaisahan ako ng lahat. Hindi sila nahabag sa bawat pagmamakaawa't pakiusap ko. Hirap na hirap ako noong panahong iyon hanggang sa bumigay ako sa huli. Walang kapagapag-asa, walang kakampi, at walang kapatawaran. At ngayong hindi sila makapalag habang hawak ko na ang kanilang mga ulo, hmmm... sa akin na ngayon nakadepende kung mabubuhay sila sa pangalawang kamatayan o unti-unti ko mung patitikman ng matinding pasakit hanggang sila ay mamatay.

Alin kaya sa dalawang nabanggit ang magandang gawin?

Wednesday, November 18, 2015

Like

LikeKasalukuyan akong namamasyal sa bakuran ni crush upang silipin ang mga litrato nitong laging nagpapakilig sa akin. Hoy, single siyang anretomist na tulad ko kaya may karapatan akong lumandi sa kanya, at walang mga pabebeng makakapigil sa akin. Mabuti na lang at patanga-tanga ako noong hindi pa kami magkaibigan sa Facebook. Paano naman kasi, hindi ko sinasadyang mapindot yung Add Friend kaya hindi ko na nabawi pa kasi online pala siya noong mga oras na iyon at pipitchuging mobile data lang na ubod ng bagal ang gamit ko.

Oo, masaya ako kasi halos i-chani ko na ang buhok ko sa sobrang kilig nang kausapin niya ako, medyo malapit na sa intimate level eh, hanggang sa puro ako like ng like sa lahat ng status niyang pang-twitter. Kahit tuldok, hindi ko pinapalampas, at kahit korning joke e pinapatulan ko ng "Nakakatawa naman 'yan!" kahit wala naman. Basta kung ano ang nai-post niya e nila-like ko kaagad kahit walang kuwenta: mga litrato, statuses, notes, at mga tags. 24/7 on mobile. Basta ako, nag-aabang sa tuwing mago-online siya. Laman na nga din siya ng diary ko eh.

At ako din na tatanga-tanga, like ako ng like. Oo, siya talaga ang like ko pero gusto ko sanang bawiin ang ni-like ko sa isa niyang litrato kung saan katabi niya ang isa niyang like. Oo, hindi ko namalayang sila na pala ng karibal ko, ni-like ko pa. Hindi ko napansin kaya nga tanga diba?!

Punyeta siya. Ahas na may dalawang paa!

Thursday, November 5, 2015

Si Lalake at Babae

Lalake: Tuwang-tuwa talaga ako kay babae. Biruin mo, crush ko lang siya noong isang taon tapos, pumayag siya na ligawan ko siya. At ngayon, hehe, kami na!

Babae: Nakakatuwa talaga itong si lalake. Yung totoo, naka-move on na ba siya mula nang sinagot ko siya bilang isang syota niya? Baliw, baliw, oo. Pero mahal ko 'yan! Ahahaha!!! Di siya makapaniwalang kanya na ako.

Lalake: Kaya naman, inimbitahan ko siya ngayon dito sa bahay... dito mismo sa kuwarto ko, specifically, upang maangkin ko na siya nang buong-buo!

Babae: Haha, bakit dito pa sa kuwarto ni lalake? May balak kaya siyang gawin sa akin?

Lalake: Oo, may balak ako sa kanya na matagal ko nang gustong gawin! Yung kaming dalawa lang ang makakaalam. Ahehehe...

Babae: OMG... hindi naman kaya tama ang iniisip ko? Kaming dalawa lang ni lalake dito sa bahay nila. Tapos... paano kung...

Lalake: Oo, gagawin ko na nga sa kanya!

Babae: Natakot ako na baka mahuli kami ng mommy at daddy niya at baka makita nila si lalake na may dalang babae sa kanyang kuwarto!

Lalake: Ayos lang kasi wala sila mom and dad. Kasalukuyan silang nagsh-shopping sa kung saan kaya naman masosolo ko si babae.

Babae: Teka, baka gusto lang niyang maka-score sa akin 'tong mokong na 'to! Hindi ako papayag!

Lalake: Sabik na sabik na akong gawin sa kanya ang naiisip ko.

Babae: Sisigaw ako ng malakas kasi nandito na siya!

Lalake: Umupo ka muna sa kama ko.

Babae: Pumapalag ako, at magulo na ang buhok ko!

Lalake: Kinuha ko ang 'kanya' upang ibigay ang sa 'akin.'

Babae: Nasasaktan ako. Parang magdurugo!

Lalake: Malaki itong mahaba. Hindi makapasok sa makipot na butas.

Babae: Wala na akong lakas. Namimilipit ako sa sobrang sakit! Dahan-dahan!!!

Lalake: Lalawayan ko na lang para dumulas.

Babae: Kahit ilang pesteng lubricant pa ang ilagay niya ay hindi talaga pumapasok. Masakit! Mahapdi! Punyeta! Aaahhhrrrggghhh!!!

Lalake: Malapit na, malapit na, malapit na!!! Whohoho!!! WHOHOHO!!! (napapanganga sa sarap)

Babae: Sige, kaunting pasok pa. Passsoook paaa, aaahhh... HUWAAAHHH!!! Punyeta! (napapakagat-labi)

Lalake: Boom! Naipasok ko na ng buong-buo! Pero, lagot. Nagdugo! Takot ako sa dugo! Sorry! Sorry! I hate blood like... eeewww!!! Duh! Shit! Blood!!! #This! Pero sige, banat lang! Makikiungol na rin ako sa kanya! Ahahaha!!! (ungol) Bira lang ng bira, oh baby! Yeah!

Babae: AAAHHH!!! RUROK! RUROK! (ungol) Nagtagumpay siya sa pag-aangkin niya sa akin!

Lalake: (hinihingal) Ayos lang 'yan. Masakit talaga sa una. Pero kapag di nagtagal, hindi na 'yan masakit. Masarap nang ilabas-pasok 'yan! Hehe.

Babae: (hinihingal din!) Napakasakit ng ginawa ni lalake. Hinding-hindi ko ito malilimutan pero kahit papaano naman e masaya ako. Masarap pala sa pakiramdam! Like! (y) #YEAH!

Lalake: Hayaan mo na. Ganyan din si mom and dad noong kinasal sila. Natural lang kasi first time nating dalawa.

("Jay" The Narrator Froglet: Sandaling maaantala ang ginagawa ng dalawa nang mahuli sila ni mom and dad habang nasa ibabaw sila ng kama ni anak na lalake.)

Mom: (nabigla) Hey! What the fuck is this all about?!

Dad: HOY! LALAKE! WHAT THE HELL ARE YOU DOING???!!!

Babae: Tito, tita, sorry po. Si lalake po kasi eh. Pinagbigyan ko lang naman po siya sa gusto niya.

Lalake: Yeah mom and dad. Gusto ko lang naman po ipasubok kay babae ang singsing ninyo ni mom noong kasal ninyo. Nagkasiya po siya, look! Bagay na bagay sa kanya!

End.

Rolling Credits.

Red orange screen.

Fade.

Tuesday, November 3, 2015

Roller Coaster

Pangarap ko talagang sumakay sa isang roller coaster. Isang roller coaster na may loops na sing dami ng isla ng Indonesia at sing taas ng Eiffel Tower ng France.

Parang ako, marami akong pinapangarap sa buhay na ubod ng taas, halos hindi maabot. Pero kinakaya ko ang lahat para maabot ang mga iyon. Trying hard, ika nga ng mga talangkang may dalawang paa.

Sa pagsakay sa pinapangarap na roller coaster, mas pipiliin kong pumwesto sa pinakaharap kumpara sa likod. Kapag nasa harap, mas masaya. Oo, nakakatakot pero isipin mo na lang na parang buhay lang 'yan. Mas magandang hinaharap ang ating mga takot sa buhay, maliit man ito o malaki, dahil dito tayo nahuhubog bilang isang tao.

Isang tao na handang harapin ang hamon ng buhay, magbibigay man ito ng kasiyahan o kalungkutan.

Kasama ko sa likuran ang ibang pasahero. Sila ay sumisimbolo ng mga taong gusto akong pabagsakin sa aking pamamayagpag at pilit na hinihimasok ang aking buhay.

Gusto ko, sing bilis ng isang bulalakaw sa kalawakan ang pagtakbo ng roller coaster na ito. Ito kasi ang magpapakabog sa puso ko na nagpapaalalang ganyan kabilis ang buhay. Madali lang lumipas ang mga magagandang panahon kung kailan, mga mumunting musmos lamang tayo kahapon. At pagdating nito sa pinakatuktok, ito ay biglaang hihinto habang kaming lahat ay nakapatiwarik.

Oo, nakapatiwarik. Gusto ko ng ganitong porma upang makita nila kung paano bumaligtad ang napakaganda kong mundo habang kasama sila at pilit nitong sinisira. Pero sa huli, hindi naman nila makayanang magtagal. Sa mga sandaling iyon ay maaari nilang sabihing gusto na nilang bumaba, gusto nang kumalas. Sa madaling salita, suko na.

At sa kanilang pagbaba ay kanilang maipagtatantong hindi nila dapat sinubukang sakyan ang kasumpa-sumpang roller coaster na iyon na naglagay sa kanila sa kapahamakan.

Ay! Parang buhay ko lang pala, oo. Dapat, hindi na lang nila sinira para hindi sila nagnanamnam sa nag-uumapaw na ganti ng matinding karma. Di bale, masarap naman sa pakiramdam ang karma. Parang nakasakay sa nabanggit at pangarap na roller coaster lang 'yan... lilipas din!

Sunday, November 1, 2015

Sa Loob ng Kumot

Napansin ko na parang may isang bagay ang umaaligid at sumusunod sa akin pero hindi ko alam kung ano iyon. Kanina pa, simula noong nasa eskuwelahan ako, at parang sinundan niya ako dito sa bahay.

- - - - -

"Bukas na kami uuwi. Mag-iingat ka dito sa bahay."
-mama

Ito ang suat na nakita ko pagpasok sa kusina. Nalipasan ako ng gutom kaninang tanghali at kung sa minamalas ka nga naman, wala sila mama. Oo, maraming pagkain pero ayokong kumain nang nag-iisa lalung-lalo na tuwing hapunan.

Diretso tulog. Wala akong paki dahil lilipas din itong gutom ko. Sa halip, uminom ako ng tubig bago humiga. At makaraang humiga ay hindi ko namalayang agad akong nakatulog.

Nagising ako dahil sa tindi ng lamig. Saglit kong isinindi ang ilaw at isinara ang nakabukas na bintana kung saan malayang nakakapasok ang malamig na hangin.

Pero bago iyon, sandali rin akong napahinto nang hindi ko alam ang dahilan. Napatingin ako sa labas ng bintana kung saan ang kadiliman nito ay walang hanggan. Alam ko kung ano ang naroon: kasukalan at nagtataasang mga puno. Maliban doon e parang may nakatingin. Alam kong nakikita niya ako pero hindi ko siya nakikita sakaling naroon man siya at kung sino siya.

Dali-dali kong ihinarang ang makapal nitong kurtina at agad tumakbo sa higaan. Madali naman akong nakahiga dahil nakalatag lang sa tatami matt ang higaan ko at doon na nakatulog.

Nasa kahimbingan na ako ng tulog nang makaramdam ako ng basa sa aking pisngi. Sabay sa paggising kong ito sa isang nakakatakot na panaginip na mayroong kulay puti na sumusunod sa akin. Natatakot ako sa kanya dahil isa siyang masamang espiritu. Nahahanap niya ako kahit saan daw ako magtago.

Makaraan ng ilang saglit, naalala kong parang may dalawang patak ng likido sa kaliwa kong pisngi. Saglit kong isinindi ang ilaw sa tabi at hinawi ko ang basa sa aking pisngi gamit ang kamay. Medyo malagkit. At nang maitapat ko ito sa ilawan, doon ako biglang kinilabutan. Tinaasan ako ng balahibo hanggang anit, at nakaramdam ng takot at kaba. Ayoko talaga ng dugo pero saan ito nanggaling?

Habang nakahiga, natigilan ako nang may maaninag akong kakaiba sa kisame ng kuwarto ko. Parang isang bagay na noon ko lang nakita. Pilit kong inaaninag sa kakaunting liwanag ang bagay na iyon hanggang sa maghugis ito ng pahaba at nakaputi.

Hindi na ako nakakilos o makasigaw nang maaninag ko ito nang buong-buo: Isang babae. Nakalutang siya sa ere ng mga limang talampakan mula sa aking hinihigaan: maputi ang gula-gulanit nitong suot, at ubod ng gulo ang mahahaba nitong buhok. Nakita ko yung mukha niya, parang isang matanda. Nakakatakot siya kasi ubod ng puti ang kanyang mukha, nakadilat ang namumula nitong mata habang nakatingin sa akin, at ubod ng itim ang labi na parang bubuka ano mang oras. Nakaunat ang dalawa nitong kamay sa ere na parang gusto niya akong huliin. Walang kapaga-pag-asang makatakas sa mahahaba niyang kamay. Pansin ko rin ang mahahaba at maiitim nitong kuko na ubod ng talim, parang mga kuko ng pusa, na gusto yatang ikalmot sa akin sa tindi ng galit.

Hindi na ako nakapagsalita pa nang unti-unti na siyang bumaba papalapit sa akin habang nakahiga ako. Nangangatog ang mga tuhod ko dahilan upang hindi ako makatakbo sa sobrang takot. At nang dalawang talampakan na lang ang layo niya sa mukha ko, doon niya ibinuka ang kanyang bibig na puno ng duguang bulak. Nanlaki ang mga mata ko nang mapagtanto kong sa bibig niya nagmula ang dalawang patak ng dugo sa aking pisngi at agad siyang nawala sa ere.

Walang anu-ano'y agad akong nagtalakbong sa makapal kong kumot. Pero huli na ng malaman kong naroon na siya sa loob ng kumot ko at nakatabi na sa akin. Nakanganga at naglalakihan ang mga matang nakatitig sa akin.


Hitomi

Walang lumabas sa bibig ko. Nanahimik ako kasabay sa payapa at malamig na gabi, habang naroon ang maputing babae sa loob ng kumot ko...