Posts

Showing posts from January, 2017

Kabilang Linya

"Papa, mama, alam n'yo ba, itong apo ninyo, naku! Hinahangaan na ng buong mundo ang team nila sa Basketball! Isipin ninyo, napakagaling nilang humakot ng mga gintong medalya't tropeo sa world olympics!" "Panigurado, ipinagmamalaki na sila ng mga Pilipino." "At ng buong Pilipinas, papa! Pambato sila ng ating bansa para sa Basketball!" "Wow! Nakakamangha naman! E, ang asawa mo, kumusta na siya?" "Heto, mama. Mapagmahal, maganda, at sexy pa rin tulad mo." "Naku talaga nga namang nambola ka pang bata ka! Nagmana ka talaga sa papa mo!" "Syempre naman, mama! Idol ko iyan eh!" "Ahahaha!!! Anak ko 'yan!" "Oo nga pala, papa, mama, alam kong matutuwa kayo sa ibabalita ko: Isa na po akong Chief General ng AFP!" "Grabe ka, anak! We are so proud of you, kami ng papa mo!" "Tahan na, mama. Masaya ako dahil naabot ko na rin ang matagal ko nang pinapangarap. Nagpapasa