Thursday, December 31, 2015

45

Kasalukuyan akong nakaupo sa isang sulok sa isang sikat na fastfood chain nang may dumating na isang babae.

Hindi ko siya kilala pero binati ko siya ng 'Hi!' formally and gently. Halatang ako ang kanyang pakay sa paglapit niyang iyon.

"Hi mo mukha mo!" bulyaw niya sa akin saka niya isinaboy sa mukha ko ang kahahaing hot coffee sa mukha ko.

Natahimik ang mga customer sa paghiyaw ko sa hapdi ng init ng kape gayon din ang pagdating ng asawa ko pagkatapos niyang mag-CR na inaasahan kong magtatanggol sa akin laban sa babaeng lumapastangan sa akin habang nasa publiko.

"HOW DARE YOU???!!!" bulyaw ko sa babae. "Nakita mo ang ginawa ng bruhang iyan?!" lumapit ako sa asawa kong nananahimik.

"So, there you are, honey," sabi ng babae.

Napatingin ako sa asawa ko, " 'Honey?' T-teka nga muna. Anong ibig sabihin nito?!"

"Love, let me explain. I'm sorry. Number two ka lang, at siya ang tunay kong asawa..."

Putaragis. Hindi ko 'to inaasahan.

Para akong sinampal saka iminudmod sa putikan.

I felt like a big mess.

Hindi ako nagdalawang-isip na paliguan sila ng bala ng 45 caliber automatic.

Napangiti ako at lumabas sa fasfood chain na lapnos ang mukha sa hot coffee habang hatak ko ang tingin ng lahat.

At sa mga sandaling iyon, napabulong ako sa sarili ng 'tagumpay!'

Iyon na ang kanyang katapusan sa kanyang mga kalokohan.

Wednesday, December 30, 2015

Bingo 22

"Sa letra ng 'B,' dalawang madreng nakaluhod!"

Sabog ng tawanan para sa mga malilibog ang pag-iisip.

Muling nangibabaw ang ingay ng mga naglalarong hindi naintindihan ang paglabas ng bola pagkatapos alugin. Puro 'Ano daw?' ang karaniwang maririnig habang nakaypo ang lahat sa kani-kaniang mga lungga: sa banketo, sa sahig na nilatagan ng karton, o di kaya naman e nakadungaw sa sinirang pader ng barung-barong ng isang bahay dito sa iskwater.

Maingay, mainit ang tanghaling tapat, tagatak na pawis, amoy pawis, sigarilyo, droga, alak, at putok. Dagdag pa rito ang mga nag-iinuman. May alak, pulutan, kuwentuhan, halakhakan, sigawan, mga munting away, at paulit-ulit na alog ng kahon ng Bingo. Dagdag pa rito ang pagpundi ng mumunting ilaw na nagpadilim sa mumunting silid.

"Tangina mo!" sabi sa akin ng isang katabing lalake.

Nabigla ako, "T-teka, anong nagawa ko?!"

"P'pre, BINGO ka na!" sagot niya saka siya sumigaw. "Hoy tanga! May BINGO na dito!!! Ulul!"

Natulala ako habang napatigin naman sa akin ang lahat. Dalawang numero na pala ang nagdaan bago ko napagtantong BINGO na pala ang card ko. Siya na, yung lalake, ang lumapit sa taga-alog para sabihing nanalo ako at tinipon ang lahat ng taya.

"Suwerte mo! Heto ang ten tawsan mo!" sabi ng lalake saka humalakhak sa tuwa.

Muli akong natulala pagkakita sa plastik bag na puno ng puro lukot na tig-isang daang piso. Natuwa ako.

"Happy birthday na rin. Vente y dos ka na!" dugtong pa nito.

Napatingin ako sa kanya na may ngiti, "Maraming salamat!"

Friday, December 25, 2015

Maligaya Kami ng Past Ko

Hello mga kapwa-kamukha! Maligayang pasko po sa ating mga pagmumukha lalo na ang ating mga kapwa ka-bebe! I-push natin iyan! Hahaha!!!

- - - - -

December 24.

Gusto ko na siyang kalimutan. Gusto ko na ring kalimutan na nagkita kami noong unang simbang gabi noong nakaraang taon kasama ng bago niya. Ayoko na. Ayoko!

"Hey!"

... pero nagkamali ako...

Nabigla ako matapos tapikin ang kaliwa kong balikat paglabas ko ng simbahan. Katatapos lang noon ng misa bago sumapit ang pasko. Nakita ko si ex, nakangiti sa akin.

Buwisit... na nakakatuwa.

"Hi! Kumusta?"

Pilit na bumalik sa akin ang lahat ng aming nakaraan. Napakasaya, pero wala na ang mga iyon ngayon.

"Sinong kasama mo?" tanong niya.

"Ako lang," sagot ko.

"Ako din eh," dugtong niya.

Magalang na tawanan. Pero kung pipikit ang lahat ng tao sa buong mundo e magagawa naming magyakapan sa loob ng tatlong segundo saka babalik sa dati sakaling tapos na ang lahat. Oo, aaminin ko, na kahit ex ko na siya e mahal ko pa rin siya. I really miss her na kasi eh.

"Bakit, hindi mo kasama yung jowa mo?" tanong ko.

"Hindi siya Katoliko diba? E ikaw, same question?"

"Ayaw sumama sa akin ng syota ko."

Hindi ba't parang napaka-awkward na magtanong ng mga kasalukuyang kasintahan? Ex ko na siya e, at ex na rin niya ako. Sabagay, nag-uusap lang naman kami. Walang masama kasi may pinagsamahan naman kami.

"Bigla kitang na-miss..."

Katahimikan.

"Ako rin naman eh," sabi ko. "Hanggang ngayon."

"Teka, alas dose na ng hatinggabi. M-merry Christmas!" pagputol niya. Bahagya kong nakita ang pagkislap ng mata niya sa namuo't naggilid na luha. Agad kong inalok ang panyo ko na walang imik. Ginamit niya, saka ibinalik sa akin pero tinanggi ko.

"Bakit?"

"Gusto ko nang ibalik sa iyo," kako. "Gusto na kitang kalimutan. Nahihirapan ako eh."

"Ako rin."

Magkasama kaming naglakad. Dahan-dahan. Hindi namin alam kung saan kami pupunta at habang nasa gayon kaming lagay ay hindi ko maintindihan kung bakit pa kami magkasama ng mga oras na iyon.

Nakita ko sa kanyang mga kamay ang pagsara nito. Alam ko ang ibig sabihin noon: giniginaw siya.

Hinawakan ko ang kamay niya. Hindi siya bumitaw. Nadama ko ang lamig ng kanyang kamay gayon din ang init ng sa akin. Patuloy kaming naglakad hanggang sa makarating kami sa tunutuluyan nitong condo. Ang condo na ipinundar at ipinagkaloob ko sa kanya bago kami naghiwalay.

"Magkape ka muna," alok niya na tinanggap ko.

Tumuloy kami sa loob ng condo niya. Ganoon pa rin ang ayos ng lahat. Ang nag-iba nga lang e ang nakasabit na litrato ng jowa niya ngayon. Tanda ko, litrato namin ang nakalagay doon na siyang winasak ko bago kami naghiwalay. At dahil yari sa babasagin, nasugat ako at nagpeklat ito sa aking kamay na hindi ko na ipinaalam pa sa kanya.

Oo, medyo nakakaselos... ng kaunti lang naman!

Nagpatugtog siya ng musika sa home made radio station nito na iniregalo ko sa kanya. Doon muling tumugtog ang lahat ng musikang nagsilbi naming tanda at alaala. Doon niya ako iniwan saka nag-shower.

Dumaan pa ang ilang minuto bago ako nagpaalam nang lumabas siya sa kanyang kuwarto na naka-sando at short. She's so beautiful! Na-miss ko ang ganda niyang iyon pero kailangan ko nang umalis dahil medyo lumalamig na talaga ang gabi.

"Salamat!" sabi niya sa pagpuri ko. "Malamang, ganito din ang syota mo."

"Iba ka sa kanya."

"Dahil mahal mo pa rin ako?"

"Paano kung sabihin kong 'oo'... hanggang ngayon?"

At ayun, wala na. Mabilis ang mga pangyayari na hindi ko nalamayan. Masyado kaming sabik. Nagsalubong ang aming mga labi hanggang mapadpad kami sa dati kong kama. Pareho kaming biglang nag-init. Ang paborito kong kama noon na walang gustong ibang katabi kundi siya lang. Lagi itong maayos pero gumugulo ito sa tuwing kami ay nag-iinit at nag-uugnayan. Oo, malamig ng mga panahong ito pero maaari ba akong magpainit ng katawan kahit saglit lang? Wala namang hahadlang eh.

Akala ko, malungkot ako sa araw ng pasko pero nagkamali ako. Oo, muli akong lumigaya, pati ang past ko. Sana, ganito din sa susunod na taon. Maligayang pasko!

Thursday, December 24, 2015

Nightmare Before Christmas

Gabi.

"Namamasko po!"

Lumapit ang batang lalake sa isang bahay na pinalamutian ng iba't ibang kulay ng ilawan at parol. Lubos na namangha ang gusgusing paslit habang hawak nito ang isang lipon ng pinatag na tansan.

Walang sumagot.

Sa halip na tao, kahol ng galit na aso ang narinig nito na siyang nagpasindak sa bata, kasabay pa nito ang paglitaw ng isang matandang lalake na biglang dumungaw sa bintana mula sa ikalawang palapag ng bahay. Nakatigin ito sa bata, nanlilisik.

Kumanta ang bata ng 'Ang Pasko ay Sumapit' subalit huminto ito nang sumigaw ang matanda ng 'Patawad!!!' kasabay ng pagsara nito ng bintana.

Huminto ang pagkahol ng aso.

Katahimikan.

"Patawad nga sabi eh!" muling lumabas ang matandang lalake sa gate. "Lumayas ka na, layas!!!"

"Maligayang pasko po! Kahit piso lang po."

"At kahit beinchingkong bulok, wala akong maibibigay sa iyo!"

Nanatili lang ang bata.

"Ayaw mo talagang umalis ha. Sige, ipapahabol kita sa aso ko!"

At walanganu-ano'y humaripas ng takbo ang bata matapos makita ang isang malaking Doberman. Pinakawalan ito ng matanda saka ipinahabol ang bata. Sa kasamaang palad, nahabol ito ng galit na aso at pinagsawaang kagatin ang iba't ibang parte ng katawan ng bata nang ma-corner ito sa isang madilim na kanto.

Tumilapon ang lipon ng pinatag na tansan ng bata sa malayo habang balot ito ng masaganang dugo. Dinampot ito ng isa pang bata habang pinapanood nito ang paglapa ng aso sa kalunos-lunos na batang biktima.

"Kuya, hinahanap ka na ni mama..."

- - - - -

Nagkasunduan ang mga magulang ng biktima at ang amo ng aso sa pulisya. Agad ipinagamot ng amo ng aso ang bata sa isang mamahaling ospital at umabot ito ng limang araw bago sumapit ang araw ng pasko. At nang sumapit ang bisperas ng pasko, ubos ang pera ng amo ng aso na siyang nagbalikat sa lahat ng gastos sa ospital, nadamay pati ang pera para sa noche buena.

Tumunog ang malaking dambana ng lumang simbahan nang sumapit na ang hatinggabi, senyales ito na pasko na. Doon naisipan ng amo ng aso na matulog na lang habang naririnig ang mga pagbati at himig ng pasko sa mga kapit-bahay.

Sayang ang lahat. Hindi na sana niya ipinahabol sa kanyang aso ang bata. Sayang...

Friday, December 18, 2015

Misa De Gallo

December 16.

Nagising ako sa mga himig pampasko na tinutugtog ng mga sundalo gamit ang kanilang intrumento sa tuwing may mga magmamartsa. Nakasakay sila sa isang malaking truck habang dahan-dahan silang dumadaan sa mga bahay upang mambulabog ng mga natutulog na gustong magsimba ng madaling araw.

Bumangon ako. Nakiramdam. Malakas ang ulan pero nag-ayos ako ng sarili para tumuloy.

Nairaos ko naman ang walking distance ng bahay papuntang simbahan. Mabuti na lang at wala ring magulo di tulad noong nakaraang taon.

Medyo malaki ang pinagbago ng pagdalo ko ng simbang gabi. Ayaw ko talagang magsimba nang mag-isa. Lagi ko siyang kasama noon pero wala na siya ngayon. Wala na kami ngayon, technically, as in wala. O sige, hiwalay na. Hiwalay! (kuntento ka na?!)

Hindi ako sanay na wala siya pero ako ang kumalas. Hindi ko akalaing magagawa ko ang bagay na iyon sa kanya kahit lubos-lubos ang pagmamahal ko sa kanya.

Ito ang natutunan ko sa pag-ibig: kahit lubos ang pagmamahal mo sa isang tao e hindi lagi puso ang ipinapairal kapag dumating ang isang unos sa pag-ibig, lalo na kung ang pagkatao ng lubos na nagmamahal e siyang natatapakan at tinitira nito.

Nakakasama ng loob na masakit. Oo, hindi ko matanggap.

Nagkasalubong kami sa labas ng hindi sinasadya. Alam ko, gusto niya akong kausapin pero ako na ang umiwas nang makita ko ang pagdating ng kanyang kasalukuyan.

Masakit ulit. Nasasaktan ako... lalo na nang makita ko ang limang buwan niyang dinadala...

Mabuti na lang, matalino ang Panginoon. Hindi niya ako ipinagkalooban ng isang taong lolokohin ako. Salamat ng lubos sa Kanya...

Tuesday, December 8, 2015

Makisig

Nakaupo ako sa harapan ng lamesa sa aking silid habang pinagmamasdan ang napakagandang tanawin mula sa bintana. Tanaw mula sa aking kinauupuan ang ganda ng bulubundukin, magandang lawa, mga luntiang puno't halamang namumulaklak, at ang maaliwalas na panahon. Napakaganda ng lahat. Napakapayapa.

"Magandang umaga po, senyorito!"

"Magandang umaga rin!" pagbati ko.

Maliban dito, nasa likuran ko ang aking mga masusugid na taga-bantay at alalay na bumati sa akin. Tahimik silang nakabantay sa akin at wala ni isa sa kanila ang nag-uusap.

"Mukhang mayroon kayong iniisip, senyorito."

"Ganoon na nga," aking tugon.

Kahit maganda at payapa ang buong tanawin ay hindi matahimik ang aking isip sa isang bagay. At dahil gulong-gulo na ang aking isip tungkol dito, basta na lang akong napayuko ng bahagya at nagbuntong hininga. Alam kong napansin nila akong ganito.

"Ano po ba ang gumugulo sa inyong isip, senyorito?" tanong ng isang tagabantay.

Muli akong napabuntong hininga. "Masyado na yata akong makisig..."

Nagulantang silang lahat at nataranta sa narinig mula sa akin.

Saturday, December 5, 2015

Tanyag

"Hindi ka maaaring sumama sa akin. Delikado sa tanghalan para sa iyo."

Katahimikan.

Nakita niya ang pagyuko ng anak niyang lalake na kalauna'y nakangiti. Namataan naman ng ama ang tumulong luha mula sa pisngi ng anak.

"Babalik ako pagkatapos kong magtanghal."

Nagsuot ang ama ng isang itim na sumbrero at binitbit ang malaking kahon. Nasa kanyang kaliwa naman ang hawak nitong baston saka namaalam sa anak, "Ala seis na ng gabi, matulog ka na pagkatapos mong kumain."

Iniwan ng ama ang kanyang anak matapos lumabas sa isang silid pagkasara ng pinto.

"Papa, yung panyo mo..."

Katahimikan.

Naiwan ang anak sa isang silid kung saan kasama nito ang dalawang kuwagong nasa hawla at limang pares ng love birds. Hawak niya ng mga sandaling iyon ang panyo ng kanyang ama at sampung pisong salapi na sa kanya ibinigay upang ipambili ng hapunan at iba pa. Masuwerte nga siya dahil sa kanilang lugar, siya lamang ang kaisa-isang bata na nakakahawak ng ganito kalaking halaga na bigay ng kanyang amang mahikero.

Malapit nang magdilim. Pero para sa kanya, hangga't mayroon pang liwanag ng araw sa kanluran ay maaga pa upang lumabas ito at magmuni-muni.

Isang tanyag na mahikero ang kanyang ama sa kanilang bayan. Nakilala ang kanyang ama sa mga pambihira, delikado, nakakatakot, subalit nakamamanghang pagtatanghal na siyang nagbigay rito ng iba't ibang pagkilala at parangal ng mga masugid na manonood. At dahil sa katanyagan, lumago ang mga tagatangkilik nito na nagmumula pa sa iba't ibang bayan. Ang mga ito ang siyang ipinagmamalaki ng batang ito sa kanyang mga kaibigang nakasaksi na sa pagtatanghal ng kanyang ama. Subalit, kahit isang pagtatanghal ng kanyang ama ay wala pa siyang nasasaksihan kahit isa... kahit kailan... hanggang ngayon.

Gusto niyang masaksihan ang pagtatanghal ng kanyang ama dahil ito na ang huli nitong palabas. Buo na kasi ang desisyon ng kanyang ama na magreretiro na ito bilang isang mahikero at lilipad na patungong ibang bayan upang bumuo ng panibagong negosyo.

Sinalubong siya ng mainit na pagbati ng mga kapit-bahay paglabas nito sa inuupahang tirahan sa isang malaki at lumang gusali. Ang lahat ay nakangiti maliban sa kanya na nagpalakad-lakad lamang hanggang makarating sa isang bench ng parke. Nasa likuran nito ang isang malilim na puno habang nasa kaliwa nito ang isang tungkod ng ilawang kuryente.

Lumalamig na ang gabi nang naisipan ng bata ang maglakad sa mga kalye ng bayan. At nang magutom, bumili ito ng isang mangkok ng lugaw sa halagang piso at isang mangkok na mainit na sopas sa halagang piso upang mapawi ang gutom at lamig ng gabi.

At pagkatapos kumain, nakita niya sa katabing lugawan ang tindahan ng mga laruan. Nakita nito sa harapan ang isang maganda at makulay na maskara na siyang gusto nitong ipabili sa kanyang ama. At sa halagang piso, nabili nito ang maskara at muling naglakad ng masaya patungo sa kung saan habang suot ito.

Sa hindi sinasadyang pagkakataon ay namataan nito ang larawan ng kanyang ama sa isang teyatro. Naisip niyang ito na ang pagkakataon upang mapanood ng bata ang pagtatanghal ng kanyang ama kaya dali-dali itong pumasok upang bumili ng ticket subalit nadismaya ang bata nang sabihing sampung piso ang halaga ng ticket.

Pitong piso na lang ang kanyang pera. Sayang!

Tinanggal nito ang suot na maskara at walang anu-ano'y nakilala ito ng kahera bilang anak ng tanyag na mahikero ng kanilang bayan. Aba, masuwerte siya! Masuwerte siya dahil pinapasok ang bata sa teyatro na walang bayad!

Muli nitong isinuot ang maskara at nang matapos dumaan sa madilim na silid ay sumalubong sa kanya ang matitinding sigawan ng mga manonood, gayon din ang kanilang mga masigabong palakpakan. Isa itong sigawan ng mga manonood na marahil sa takot, mangha, at tuwa.

Dali-dali siyang nagtungo sa harap upang masaksihan nang malapitan ang pagtatanghal ng ama. Siya ay manghang-mangha at mabuti na lang ay nakabili ito ng laruang maskara ng sa gayon ay hindi siya napapansin ng ama.

"Nangangailangan ako ng isang bata," deklara ng mahikero sa ibabaw ng entablado. Nakatutok sa kanya ang tutok-ilawan nang tumuro ito sa isang batang naka-maskara.

"Halika, bata. Huwag kang matakot, isa akong propesyunal."

Lumapit ang bata sa mahikero at bago ito isinilid sa loob ng malaking kahon sa entablado ay nagawa pa nitong yakapin ang ama ng mahigpit. At pagkaraang maisara, dinampot ng mahikero ang kanyang baston na isa palang samurai na mataas ang kalidad.

Walang anu-ano'y agad nitong itinusok sa gitna ng kahon na siyang nagpasigaw ng mga manonood. Ginawa niya ang katulad sa kaliwa at sa kanang bahagi ng kahon hanggang sa magdeklara ang mahikero ng 'tapos na!'

Natahimik ang mga manonood.

"Sa maniwala kayo o hindi, ang batang ito ay buhay at nasa mabuting kalagayan. Maaari bang pumarito sa entablado ang kanyang mga magulang?"

Isa itong magandang pagkakataon upang malapitan ng magulang ng bata ang isang tanyag na mahikero subalit wala ni isa ang tumayo o lumapit. Sa halip ay ipinabukas ito ng mahikero sa kanyang alalay.

Nagbilang ito ng hanggang tatlo saka bumukas ang kahon. Nakita ng lahat ang dahan-dahang paglabas ng bata hanggang huminto ito sa gitna ng entablado at bumagsak. Lahat ay nagtaka sa nangyari dahil hindi gumagalaw ang bata.

"Maaari ka nang bumalik sa iyong upuan, bata."

Walang sumagot pero nakita nito ang unti-unting pagdaloy ng dugo ng bata sa sahig. Dito na siya kinabahan lalo na nang makita nito ang panyo ng mahikero sa bulsa ng bata.

Lumantad sa kanyang paningin ang ang mukha ng kanyang anak nang tanggalin nito ang laruang maskara. Napasigaw ito ng 'Anak ko!' at humagulgol ito ng iyak.

Nagsitayuan ang mga manonood at pinalakpakan ang mahikerong humahagulgol habang hawak nito ang patay na katawan ng kanyang anak. Doon nagsara ang malaki at pulang kurtina, at doon natapos ang tanghalan.

Sa kanyang pagtatanghal ay aksidente nitong napaslang ang sarili niyang anak.

Thursday, December 3, 2015

Final Set

Nakita ko silang nagtatakbuhan patungo sa kung saan. Masayang-masaya sila na parang noon lang sila nakatikim ng kasiyahan. Isang saya na parang walang kapantay na siyang nagpa-intriga sa akin kaya sinundan ko sila.

Tanaw ko sa unahan ng mga tumatakbo ang apat na lalake. Mayroon silang mga hawak na pantugtog na karaniwang ginagamit sa mga banda. May nakapagsabing sila ay isang sikat na rock band na may libre at kakaibang concert para sa lahat.

Natuwa ako dahil hilig ko ang rock music! Pero sino sila? Walang nakapagsabi.

Masayang-masaya akong sumama sa kanila. Pinilit kong magtungo sa harap para masaya. Walang ibang maririnig sa lahat kundi mga matitinding hiyawan ng mga tagahanga. Mayroon silang hawak na mga pailaw na pilit iwinawagayway sa ere pagkatunog ng unang tunog ng gitara.

Unti-unting nagdilim ang paligid. At sa biglaang pagkakataon ay nagliyab ng liwanag ang buong entablado kung saan naroon na ang apat na miyembro ng isang banda.

Napangiti ako, at napahiyaw sa saya pagkakita nito.

Kumanta ng pagkaganda-ganda ang kanilang bokalista. Sumabay na rin ang mga tagahanga. At nang marating ng liriko ng kanta ang koro nito ay nag-angatan ang lahat ng mga manonood kasunod ang apat na banda.

Masdan mo ang aking mata,
'Di mo ba nakikita?
Ako ngayo'y lumilipad at nasa langit na,
Gusto mo bang sumama?

Walang anu-ano'y nagliparan ang lahat mula sa lupa hanggang sa langit habang sila ay tumutugtog dala ang mga gamit pang-musika. Ang ingay ng mga hiyawan noong una ay mas dumoble ngayon, at isa na ako sa kanila.

Pataas kami nang pataas. Lumilipad na walang pakpak. Naabot namin ang mga nagkakapalang ulap habang humahampas ang malamig na hangin. Napakaganda ng tanawin sa itaas ng himpapawid habang nakikita naming lahat ang tanawin sa ibaba. Nalagpasan namin ang mga nagtataasang bahay at puno, gusali at bundok, hanggang makarating sa pinakatuktok ng himpapawid ng buong mundo. Napakasaya! Nagko-concert habang lumilipad? Astig 'to!

Masayang-masaya ako dahil pangarap ko talagang makalipad simula noong bata pa ako. Ang pangarap kong lumipad ng ubod ng taas ay natupad sa panonood ng bandang ito. Sandali pa akong napaluha sa sobrang saya. Saya, na noon ko lang unang naranasan.

Kalimutan lang muna,
Ang lahat ng problema.
Huminga ka nang malalim at tayo'y lalarga na,
Handa ka na bang gumala?

Umikot-ikot kaming lahat sa ere habang lumilipad. Bahagya pa nga akong natakot kasi nakakalula na ang taas ng aming kinalalagyan. Natatakot ako dahil baka malaglagkami ano mang oras pero ayos lang daw ito. Hindi kami mamamatay sa ganito.

Tanaw na namin ang dulo ng himpapawid ng mundo hanggang marating namin ang kalawakan na ubod ng ganda. Tanaw namin mula roon ang napakagandang tanawin ng buong mundo. Kahanga-hanga ang lahat. Naisip ko, parang nananaginip ako pero totoo ang lahat, lalo na ang nagkikislapang bituin sa likod ng mga banda. Nakalimutan ko na ngang nanonood kami ng isang concert sa sobrang pagkamangha.

Masdan mo ang aking mata
'Di mo ba nakikita?
Ako'y lumilipad at nasa alapaap na
Gusto mo bang sumama?

Nakisabay na ang lahat sa pagkanta, gayon din ako. At nang matapos ang buong kanta ay nagkaroon ng meteor shower sa kalawakan. Napakaganda! Iyon ang una kong pagkakataong makasaksi ng isang kakaibang concert kung saan ang lahat ng manonood ay lumilipad kasama ang mga banda. Dagdag na rin ang pagdating ng meteor shower na parang sinadya. Astig talaga! Astig!

Isa sa mga miyembro nito ang bokalista na nagpasalamat sa pagdalo ng kanilang concert. Ito ay iniregalo nila para sa aming mga taga-tangkilik ng kanilang grupo. Masaya pero malungkot nilang ipinahatid sa aming lahat na iyon na ang kanilang final set. Magkakanya-kanya na silang buhay at tatalikuran na ang pagtugtog.

Nakita kong nag-iyakan ang mga manonood sa lungkot, at isa na rin ako doon. Nagsalita na sila sa kanilang huling pamamaalam sa aming mga manonood gayon din sa kanilang grupo.

"Tapos na ang concert! Maaari na kayong bumalik sa inyong mga tahanan!" sigaw ng bokalista.

Walang anu-ano'y nabigla kaming lahat sa biglaang pagbagsak namin sa ere. Nalaglag kami mula sa kalawakan hanggang sa kalangitan ng mundo na puno ng nagkakapalang ulap. Nakakatakot ang biglaang pagbagsak ng lahat, pakiramdam na para kang hawak ng isang malaking kamay na bigla ka na lang bibitawan sa ere saka kami naghiwa-hiwalay. Wala na rin ang apat na miyembro ng banda. Hindi ko na sila nakita at ako ay takot na takot na mag-isang bumababa sa himpapawid. Parang babaligtad ang sikmura ko, nakakasuka!

Nagpaikot-ikot ako sa ere hanggang sa makita ko ang bahay namin sa ibaba. Nakita ko, babagsak ako sa bubong ng sobrang bilis. Mabilis na mabilis na halos hindi ko mapigilan. Sumisigaw ako para humingi ng tulong pero gabi na kaya walang ibang tao ang makakakita sa aking pagbagsak. Kinakabahan na ako at alam kong ilang segundo na lang ang itatagal ng buhay ko.

Nang lumapit na ang babagsakan ko sa ibaba ay napapikit na lamang ako at nagdasal. At nang bumagsak na ako sa bubong ng aming bahay ay kamangha-manghang tumagos ang katawan ko sa kongtretong bubungan saka bumagsak sa malambot kong kama. At ng dahil sa matinding takot kung bakit ako tumagos sa bubong ay dali-dali akong nagbuklat ng mata at natanaw ang magandang pagsikat ng araw sa nakabukas na bintana.

Wow! Panaginip lang pala ang lahat, astig!

- - - - -

P.S. Happy birthday pala kay Kuya!
I love you, bro! Haha!!.,
Be wild! :D Push!

Tuesday, December 1, 2015

Ang Hotdog ni Crush

Hindi na namin kinain ang mga baon naming lunch. Ang sabi kasi ni Bryan, my crush, e birthday niya ngayon. Darating daw ang mommy nito dala ang mga handa ni crush para pag-isahin na rin daw ang lunch at party... kahit isang oras lang.

Dumating ang mommy ni crush matapos ang ilang sandali. Engrande ang party ni crush. Merong malaking cake, spaghetti, salads, at iba pa. Dali-dali itong inihain sa amin at sabay-sabay na kumain. Nakisama na rin pala ang ibang section at mga guro kaya masayang masaya siya.

"Pasensya na kayo ha. Ito lang ang maibibigay ko sa inyo. Ito kasing anak kong si Bryan, gusto kayong kasamang maghappy-happy sa birthday niya dito sa school at hindi sa bahay."

At napakalambing ni mommy! May pinagmanahan si crush.

Nawala sa paningin ko ang mommy ni crush, gayon din si crush. At ilang saglit pa, dumating siya galing sa labas ng classroom dala ang bagong ihaw na hotdogs in stick.

Pinaupo niya kaming lahat at isa-isang binigyan. At pagdating niya sa akin, doon sa may dulo at sulok, e tinawag niya ang pangalan ko.

"Hotdogs. Mainit-init pa, bagong ihaw," alok ni crush.

Nakita ko ang hotdog niyang inaalok sa akin. Napakahaba, napakamataba, at mamula-mula! Sigurado, tender ito... at juicy!

Kinuha ko ang hotdog niya. Pareho kaming napangiti nang pagkatamis-tamis matapos niyang lagyan ito ng makremang cheese.

"Thank you Bryan, happy birthday!"

"Salamat."

Napakasarap pala ng hotdog, lalo na kung galing kay crush!

Tuesday, November 24, 2015

Ako po si Jay

Papasok na ako sa Camp Aquino, galing TSU(-valandia), nang bigla akong hinarang ng isang lalake. Nabigla ako sa mga sinabi at tanong niya sa akin na siyang nagpakunot ng noo ko.

Kumusta na daw ako? Bakit ganito daw yung itsura ko? Bakit sa tagal ng panahon e guwapo pa daw ako at binatang-binata? Mabuti at umuwi na daw ako? Ilan na daw ang naging chicks ko? Dagdag pa niya, nabalitaan na naman daw niya na may bago akong babae.

"Ayos lang," sagot ko.

Puro ako tango. Na-corner ako nang mapansin niyang tahimik ako sa kalagitnaan ng pakukuwento niya. Bakit hindi ko daw yata siya kilala samantalang magkaibigan naman daw kami. At, mas lalo pa akong nagtaka nang itanong niya sa akin si Amanda, ang dati ko daw babae.

"Hindi ko na siya nakikita."

Napakunot ng noo yung lalake. "Teka," lumapit siya sa akin saka tinignan ang ID na nakasabit sa akin. "Anak ka pala ni Ferdy, bakit hindi mo sinabing hindi ikaw siya?"

"Opo. Ako po si Jay."

Iniwan ko yung lalake sa Gate 1 saka nagpatuloy sa paglalakad.

Napaisip ako, ganoon na ba talaga ako ka-guwapo? Ganoon ko na ba talaga kamukha si daddy? Naisip ko kasing delikado rin palang maging si daddy, nakakatakot!

Thursday, November 19, 2015

Ganti

Pinagkaisahan ako ng lahat. Hindi sila nahabag sa bawat pagmamakaawa't pakiusap ko. Hirap na hirap ako noong panahong iyon hanggang sa bumigay ako sa huli. Walang kapagapag-asa, walang kakampi, at walang kapatawaran. At ngayong hindi sila makapalag habang hawak ko na ang kanilang mga ulo, hmmm... sa akin na ngayon nakadepende kung mabubuhay sila sa pangalawang kamatayan o unti-unti ko mung patitikman ng matinding pasakit hanggang sila ay mamatay.

Alin kaya sa dalawang nabanggit ang magandang gawin?

Wednesday, November 18, 2015

Like

LikeKasalukuyan akong namamasyal sa bakuran ni crush upang silipin ang mga litrato nitong laging nagpapakilig sa akin. Hoy, single siyang anretomist na tulad ko kaya may karapatan akong lumandi sa kanya, at walang mga pabebeng makakapigil sa akin. Mabuti na lang at patanga-tanga ako noong hindi pa kami magkaibigan sa Facebook. Paano naman kasi, hindi ko sinasadyang mapindot yung Add Friend kaya hindi ko na nabawi pa kasi online pala siya noong mga oras na iyon at pipitchuging mobile data lang na ubod ng bagal ang gamit ko.

Oo, masaya ako kasi halos i-chani ko na ang buhok ko sa sobrang kilig nang kausapin niya ako, medyo malapit na sa intimate level eh, hanggang sa puro ako like ng like sa lahat ng status niyang pang-twitter. Kahit tuldok, hindi ko pinapalampas, at kahit korning joke e pinapatulan ko ng "Nakakatawa naman 'yan!" kahit wala naman. Basta kung ano ang nai-post niya e nila-like ko kaagad kahit walang kuwenta: mga litrato, statuses, notes, at mga tags. 24/7 on mobile. Basta ako, nag-aabang sa tuwing mago-online siya. Laman na nga din siya ng diary ko eh.

At ako din na tatanga-tanga, like ako ng like. Oo, siya talaga ang like ko pero gusto ko sanang bawiin ang ni-like ko sa isa niyang litrato kung saan katabi niya ang isa niyang like. Oo, hindi ko namalayang sila na pala ng karibal ko, ni-like ko pa. Hindi ko napansin kaya nga tanga diba?!

Punyeta siya. Ahas na may dalawang paa!

Thursday, November 5, 2015

Si Lalake at Babae

Lalake: Tuwang-tuwa talaga ako kay babae. Biruin mo, crush ko lang siya noong isang taon tapos, pumayag siya na ligawan ko siya. At ngayon, hehe, kami na!

Babae: Nakakatuwa talaga itong si lalake. Yung totoo, naka-move on na ba siya mula nang sinagot ko siya bilang isang syota niya? Baliw, baliw, oo. Pero mahal ko 'yan! Ahahaha!!! Di siya makapaniwalang kanya na ako.

Lalake: Kaya naman, inimbitahan ko siya ngayon dito sa bahay... dito mismo sa kuwarto ko, specifically, upang maangkin ko na siya nang buong-buo!

Babae: Haha, bakit dito pa sa kuwarto ni lalake? May balak kaya siyang gawin sa akin?

Lalake: Oo, may balak ako sa kanya na matagal ko nang gustong gawin! Yung kaming dalawa lang ang makakaalam. Ahehehe...

Babae: OMG... hindi naman kaya tama ang iniisip ko? Kaming dalawa lang ni lalake dito sa bahay nila. Tapos... paano kung...

Lalake: Oo, gagawin ko na nga sa kanya!

Babae: Natakot ako na baka mahuli kami ng mommy at daddy niya at baka makita nila si lalake na may dalang babae sa kanyang kuwarto!

Lalake: Ayos lang kasi wala sila mom and dad. Kasalukuyan silang nagsh-shopping sa kung saan kaya naman masosolo ko si babae.

Babae: Teka, baka gusto lang niyang maka-score sa akin 'tong mokong na 'to! Hindi ako papayag!

Lalake: Sabik na sabik na akong gawin sa kanya ang naiisip ko.

Babae: Sisigaw ako ng malakas kasi nandito na siya!

Lalake: Umupo ka muna sa kama ko.

Babae: Pumapalag ako, at magulo na ang buhok ko!

Lalake: Kinuha ko ang 'kanya' upang ibigay ang sa 'akin.'

Babae: Nasasaktan ako. Parang magdurugo!

Lalake: Malaki itong mahaba. Hindi makapasok sa makipot na butas.

Babae: Wala na akong lakas. Namimilipit ako sa sobrang sakit! Dahan-dahan!!!

Lalake: Lalawayan ko na lang para dumulas.

Babae: Kahit ilang pesteng lubricant pa ang ilagay niya ay hindi talaga pumapasok. Masakit! Mahapdi! Punyeta! Aaahhhrrrggghhh!!!

Lalake: Malapit na, malapit na, malapit na!!! Whohoho!!! WHOHOHO!!! (napapanganga sa sarap)

Babae: Sige, kaunting pasok pa. Passsoook paaa, aaahhh... HUWAAAHHH!!! Punyeta! (napapakagat-labi)

Lalake: Boom! Naipasok ko na ng buong-buo! Pero, lagot. Nagdugo! Takot ako sa dugo! Sorry! Sorry! I hate blood like... eeewww!!! Duh! Shit! Blood!!! #This! Pero sige, banat lang! Makikiungol na rin ako sa kanya! Ahahaha!!! (ungol) Bira lang ng bira, oh baby! Yeah!

Babae: AAAHHH!!! RUROK! RUROK! (ungol) Nagtagumpay siya sa pag-aangkin niya sa akin!

Lalake: (hinihingal) Ayos lang 'yan. Masakit talaga sa una. Pero kapag di nagtagal, hindi na 'yan masakit. Masarap nang ilabas-pasok 'yan! Hehe.

Babae: (hinihingal din!) Napakasakit ng ginawa ni lalake. Hinding-hindi ko ito malilimutan pero kahit papaano naman e masaya ako. Masarap pala sa pakiramdam! Like! (y) #YEAH!

Lalake: Hayaan mo na. Ganyan din si mom and dad noong kinasal sila. Natural lang kasi first time nating dalawa.

("Jay" The Narrator Froglet: Sandaling maaantala ang ginagawa ng dalawa nang mahuli sila ni mom and dad habang nasa ibabaw sila ng kama ni anak na lalake.)

Mom: (nabigla) Hey! What the fuck is this all about?!

Dad: HOY! LALAKE! WHAT THE HELL ARE YOU DOING???!!!

Babae: Tito, tita, sorry po. Si lalake po kasi eh. Pinagbigyan ko lang naman po siya sa gusto niya.

Lalake: Yeah mom and dad. Gusto ko lang naman po ipasubok kay babae ang singsing ninyo ni mom noong kasal ninyo. Nagkasiya po siya, look! Bagay na bagay sa kanya!

End.

Rolling Credits.

Red orange screen.

Fade.

Tuesday, November 3, 2015

Roller Coaster

Pangarap ko talagang sumakay sa isang roller coaster. Isang roller coaster na may loops na sing dami ng isla ng Indonesia at sing taas ng Eiffel Tower ng France.

Parang ako, marami akong pinapangarap sa buhay na ubod ng taas, halos hindi maabot. Pero kinakaya ko ang lahat para maabot ang mga iyon. Trying hard, ika nga ng mga talangkang may dalawang paa.

Sa pagsakay sa pinapangarap na roller coaster, mas pipiliin kong pumwesto sa pinakaharap kumpara sa likod. Kapag nasa harap, mas masaya. Oo, nakakatakot pero isipin mo na lang na parang buhay lang 'yan. Mas magandang hinaharap ang ating mga takot sa buhay, maliit man ito o malaki, dahil dito tayo nahuhubog bilang isang tao.

Isang tao na handang harapin ang hamon ng buhay, magbibigay man ito ng kasiyahan o kalungkutan.

Kasama ko sa likuran ang ibang pasahero. Sila ay sumisimbolo ng mga taong gusto akong pabagsakin sa aking pamamayagpag at pilit na hinihimasok ang aking buhay.

Gusto ko, sing bilis ng isang bulalakaw sa kalawakan ang pagtakbo ng roller coaster na ito. Ito kasi ang magpapakabog sa puso ko na nagpapaalalang ganyan kabilis ang buhay. Madali lang lumipas ang mga magagandang panahon kung kailan, mga mumunting musmos lamang tayo kahapon. At pagdating nito sa pinakatuktok, ito ay biglaang hihinto habang kaming lahat ay nakapatiwarik.

Oo, nakapatiwarik. Gusto ko ng ganitong porma upang makita nila kung paano bumaligtad ang napakaganda kong mundo habang kasama sila at pilit nitong sinisira. Pero sa huli, hindi naman nila makayanang magtagal. Sa mga sandaling iyon ay maaari nilang sabihing gusto na nilang bumaba, gusto nang kumalas. Sa madaling salita, suko na.

At sa kanilang pagbaba ay kanilang maipagtatantong hindi nila dapat sinubukang sakyan ang kasumpa-sumpang roller coaster na iyon na naglagay sa kanila sa kapahamakan.

Ay! Parang buhay ko lang pala, oo. Dapat, hindi na lang nila sinira para hindi sila nagnanamnam sa nag-uumapaw na ganti ng matinding karma. Di bale, masarap naman sa pakiramdam ang karma. Parang nakasakay sa nabanggit at pangarap na roller coaster lang 'yan... lilipas din!

Sunday, November 1, 2015

Sa Loob ng Kumot

Napansin ko na parang may isang bagay ang umaaligid at sumusunod sa akin pero hindi ko alam kung ano iyon. Kanina pa, simula noong nasa eskuwelahan ako, at parang sinundan niya ako dito sa bahay.

- - - - -

"Bukas na kami uuwi. Mag-iingat ka dito sa bahay."
-mama

Ito ang suat na nakita ko pagpasok sa kusina. Nalipasan ako ng gutom kaninang tanghali at kung sa minamalas ka nga naman, wala sila mama. Oo, maraming pagkain pero ayokong kumain nang nag-iisa lalung-lalo na tuwing hapunan.

Diretso tulog. Wala akong paki dahil lilipas din itong gutom ko. Sa halip, uminom ako ng tubig bago humiga. At makaraang humiga ay hindi ko namalayang agad akong nakatulog.

Nagising ako dahil sa tindi ng lamig. Saglit kong isinindi ang ilaw at isinara ang nakabukas na bintana kung saan malayang nakakapasok ang malamig na hangin.

Pero bago iyon, sandali rin akong napahinto nang hindi ko alam ang dahilan. Napatingin ako sa labas ng bintana kung saan ang kadiliman nito ay walang hanggan. Alam ko kung ano ang naroon: kasukalan at nagtataasang mga puno. Maliban doon e parang may nakatingin. Alam kong nakikita niya ako pero hindi ko siya nakikita sakaling naroon man siya at kung sino siya.

Dali-dali kong ihinarang ang makapal nitong kurtina at agad tumakbo sa higaan. Madali naman akong nakahiga dahil nakalatag lang sa tatami matt ang higaan ko at doon na nakatulog.

Nasa kahimbingan na ako ng tulog nang makaramdam ako ng basa sa aking pisngi. Sabay sa paggising kong ito sa isang nakakatakot na panaginip na mayroong kulay puti na sumusunod sa akin. Natatakot ako sa kanya dahil isa siyang masamang espiritu. Nahahanap niya ako kahit saan daw ako magtago.

Makaraan ng ilang saglit, naalala kong parang may dalawang patak ng likido sa kaliwa kong pisngi. Saglit kong isinindi ang ilaw sa tabi at hinawi ko ang basa sa aking pisngi gamit ang kamay. Medyo malagkit. At nang maitapat ko ito sa ilawan, doon ako biglang kinilabutan. Tinaasan ako ng balahibo hanggang anit, at nakaramdam ng takot at kaba. Ayoko talaga ng dugo pero saan ito nanggaling?

Habang nakahiga, natigilan ako nang may maaninag akong kakaiba sa kisame ng kuwarto ko. Parang isang bagay na noon ko lang nakita. Pilit kong inaaninag sa kakaunting liwanag ang bagay na iyon hanggang sa maghugis ito ng pahaba at nakaputi.

Hindi na ako nakakilos o makasigaw nang maaninag ko ito nang buong-buo: Isang babae. Nakalutang siya sa ere ng mga limang talampakan mula sa aking hinihigaan: maputi ang gula-gulanit nitong suot, at ubod ng gulo ang mahahaba nitong buhok. Nakita ko yung mukha niya, parang isang matanda. Nakakatakot siya kasi ubod ng puti ang kanyang mukha, nakadilat ang namumula nitong mata habang nakatingin sa akin, at ubod ng itim ang labi na parang bubuka ano mang oras. Nakaunat ang dalawa nitong kamay sa ere na parang gusto niya akong huliin. Walang kapaga-pag-asang makatakas sa mahahaba niyang kamay. Pansin ko rin ang mahahaba at maiitim nitong kuko na ubod ng talim, parang mga kuko ng pusa, na gusto yatang ikalmot sa akin sa tindi ng galit.

Hindi na ako nakapagsalita pa nang unti-unti na siyang bumaba papalapit sa akin habang nakahiga ako. Nangangatog ang mga tuhod ko dahilan upang hindi ako makatakbo sa sobrang takot. At nang dalawang talampakan na lang ang layo niya sa mukha ko, doon niya ibinuka ang kanyang bibig na puno ng duguang bulak. Nanlaki ang mga mata ko nang mapagtanto kong sa bibig niya nagmula ang dalawang patak ng dugo sa aking pisngi at agad siyang nawala sa ere.

Walang anu-ano'y agad akong nagtalakbong sa makapal kong kumot. Pero huli na ng malaman kong naroon na siya sa loob ng kumot ko at nakatabi na sa akin. Nakanganga at naglalakihan ang mga matang nakatitig sa akin.


Hitomi

Walang lumabas sa bibig ko. Nanahimik ako kasabay sa payapa at malamig na gabi, habang naroon ang maputing babae sa loob ng kumot ko...

Friday, October 30, 2015

Brief

"Uy, pare! Maligayang pasko!"

Abala ako sa paglalaba ng underware nang may kumatok sa pinto. Pagbukas, nakita ko ang masiglang si kumare dala ang dalawang masarap at specialty niyang spaghetti na nakalagay sa isang malaking plato.

"Spaghetti with mushroom at isang oyster spaghetti!"

"Uy! Salamat! Maagang pamasko ito."

Siya na mismo ang naglapag sa lamesa doon sa kusina kung saan aksidente niyang nadatnan ang iba ko pang lalabahang brief sa lababo. Nakakahiya!

"Ayos lang 'yan!"

Tawanan.

"Mukhang masarap ang oyster spaghetti mo ah, kumare. Puwede bang matikman?"

"Sure."

Kumuha ako ng tinidor at nagrolyo ng pasta na may tahong. "Masarap!" pagpuna ko. "Masarap ang lasa ng tahong mo sa spaghetti, mare!"

"Syempre, basta ikaw!"

Makahulugang tinginan. Isang tinginan na mahirap tanggihan dahil isa lamang akong lalakeng marupok sa ano mang tukso't pag-aalindog.

"Nandito ba si kumare?" bulong ni mare paglapit niya sa akin.

"Wala," masaya kong sagot.

Mabilis ang mga pangyayari. Oras ang lumipas ay namataan ko na lang ang sarili kong brief na nakapatong sa panty at bra ni kumare sa sahig habang kami ay magkatabi sa kama. Nag-iinit, uhaw na uhaw, at sabik na sabik sa isa't isa.

Tama nga naman ang kasabihan na walang kumpa-kumpare sa malanding kumare.

- - - - -

P.S. Happy birthday kay Daddy Ferds!
Lovelots! :D Muah!
Ahahaha!!! Push pa more!

Thursday, October 29, 2015

Agulo: Isang Pasasalamat

Good day!

Yes! Very, very good ang ating day, gayon din sa isang good news!

Sa ikalawang pagkakataon at sa panglimang taon ng Lathala: The Literary and Arts Competition ng The Work, muling nagwagi ang inyong lingkod!

Agulo
"Agulo" Lathala V 3rd Place
Muli na naman po akong nagpapasalamat sa lahat ng mga idolo kong The Work Staff and Editorial Members, sa kanilang adviser, ang dating EIC na bumati sa akin noong matanggap ko ang parangal; si "Mayang," sa kanilang adviser, sa mga judges, at sa lahat ng mga sumuporta, mula sa kaibuturan ng aking puso, Maraming Salamat Po! Panalo na naman ang mukha ko! Ahahaha!!! Award!

Maraming nagtanong kung bakit "Agulo" ang pamagat nito. Ang "Agulo" (o 'Pakikiagulo') ay sysnonyms ng "Pangangalunya." Sa madaling salita, ito ay "Pangangaliwa" o "Pangangabit" ng isang indibidwal. Sana, hindi na 'magulo.' Hehehe...

"Hubad" ang tema ng Lathala V ngayong taon. Ito ay sumusubok at humahamon sa bawat kalahok na walang takot na hubaran ang mga lihim ng isang nilalang na kailangang isiwalat sa lahat na sumasalamin sa ating mundong ginagalawan, lalo na sa ating lipunan. Ito man ay makakasakit sa damdamin o makapagpapasaya ng manunulat na siyang magmumulat at maghahaplos sa puso ng bawat mambabasa.

Extras
Hindi ako nagsabi sa iba (kaklase, kaibigan, at kapamilya) na sumali ako sa ganitong patimpalak. Ang alam lang nila ngayon e nagsusulat lang ako, halimbawa, thesis. Tulad noong nakaraang taon kung saan pangatlo din ako sa mga nagwagi ay muli kong sinubukang lumahok nang hindi sinasadya.

Ang manuscript na ipinasa ko (pamagat: Agulo) ay naudlot kong kuwento noon pang nakaraang taon. Isinulat ko ito matapos akong magwagi sa parehong patimpalak. Muli ko itong binuhay nitong Agosto saka ipinasa ng bara-bara. Medyo mababoy ang submission ko pero tinanggap pa rin nila. Dito ako nakaramdam ng kaba at excite saka naghintay para sa awarding.

Awarding
Hindi ko talaga gustong pumunta sa awarding night dahil mayroon kaming mid-term exam. Nakakalungkot nga kasi sabay ang mid-term at awarding: pareho pang alas siyete ng gabi.

Namili ako sa dalawa, at pinili ko ang awarding.

The Work Lathala V
The Work Lathala V
Sabi ko sa sarili, malamang, hindi ako makukuha sa Top 5 ng Maikling Kuwento dahil sa mababoy na submission. Nanahimik lang ako at parang tanga na nakikipalakpak sa bawat nananalo, lalo na sa mga kapwa ko CASSmates. Kinabahan lang ako noong Filipino na ang category ng Maikling Kuwento.

Bago ang awarding ay taimtim akong nagdasal na sana, kahit pang-lima na lang ako sa mga magwawagi. Kahit pang-lima lang. Kahit nasa pinakakulelat na hanay o pinakamababa, pupuwede sa akin. Basta, may award yung gawa ko, kuntento na ako. Dito ko kasi makikita kung may progresibo bang nangyayari sa pagsusulat ko kaya gusto kong may mapala ako.

Nadismaya ako nang binasa ng host yung climax ng kuwento ng 5th Place. Hindi ito sa akin. Ganoon din ang nangyari sa pang-apat. Wala yung pangalan ko kaya umasa akong wala na sa pangatlo. Sabi ko, sayang lang ang pagpunta ko rito kasi wala naman ako sa Top Five. At dahil maaga pa ng mga oras na iyon ay nag-ayos na ako ng sarili at umalis sa awarding para humabol sa mid-term exam.

Pero... sandali akong nahinto nang marinig ko ang sinabi ng host na CASS (College of Arts and Social Sciences) student daw ang nasa pangatlo. Kinabahan ako. Nagsigawan yung ibang CASS student doon kasi CASS student na naman ang nagwagi na nakikikumpitensya sa CCS (College of Computer Studies), CBA (College of Busines and Accountancy), COED (College of Education), at COEng (College of Engineer). At doon nila sinabi ang pamagat. Kung ano kasi ang tagumpay ng isang CASS student ay tagumpay na ng lahat kaya naman, umikot yung paningin ko at natuwa matapos banggitin ang pangalan ko.

YES! Pangatlo ako! Ang panalangin ko nga, sana, kahit pang-lima na lang. Pero hindi ko akalaing ibibigay ni God ang mas best para sa akin. Sa halip na pang-lima e ginawa niya akong pangatlo! Award!

Kaya naman, para sa lahat ng mga kapwa na nagbabasa ng post na ito, "Tagumpay kong ito ay tagumpay nating lahat!" ^_^ :D

Cheers!

- - - - -

The Work is the Official Student University Publication of Tarlac State University and member of College Editors Guild of the Philippines.

Wednesday, October 28, 2015

Pechay

Katatapos ko lang magsimba.

Tulad ng nakagawian, pumwesto ako sa pinakadulo ng jeepney na malapit sa labasan. Nakita ko si magandang dalaga na maraming bitbit na pinamili mula sa palengke at saktong umupo sa kabilang upuan na nakatapat sa akin.

Nakita ko ang kanyang pinamili: malamang tilapya, sariwang tahong, jumbo hotdogs (note: with cheese!) mahahabang talong, malalaking itlog (note: paborito ko yung dala ni magandang dalaga, native eggs!), isang kilong mani, nakabukakang bulaklak ng kalabasa, butil ng munggo, dalawang matabang papaya, gatas na gata, dalawang buko't upo, at rolyo ng mga urmot (tawag ko roon ay pinabilog na berdeng bulbul na binabagoongan na may kamatis).

Muli na namang lumikot ang isip ko dahil sa pagbibigay nito ng ibang imahe. Mga kakaibang imahe na nakalutang sa aking isip na nagpapahindig sa aking ipinagmamalaki.

Sa isang banda, natawag ng pansin ko ang isang supot na nakakalong sa kanyang hita. Sakto ang puwesto nito na nakagitna sa kanya. Pero nang mag-aabot na siya ng bayad ay hindi sinasadyang nasilayan ko ang kanyang pechay. Naibuklat ito nang hindi sinasadya at nailantad ang nakasupot niyang pechay na sumambulat sa sahig matapos nitong dumulas mula sa kanyang hita.

At nang dahil sa nakita, natapon sa bibig ko ang naipong Vanilla Milk na aking sinisipsip matapos mapa-ubo, at tumalsik ang kulay puting gatas sa ibabaw ng sariwa at luntian niyang pechay.

Monday, October 26, 2015

Baril

"Bilang isang guwardiya ng eskuwelahan, bakit wala kayong baril?"

Natigilan si Kuya Guard sa tanong ko.

"Eskuwelahan ito. Patalim nga, ipinagbabawal dito, baril pa kaya?!"

"Pero guwardya kayo, at hindi estudyante," sumipsip ako ng paborito kong Vanilla Milk. "Sa inyo nakasalalay ang kaligtasan ng buong eskuwelahan sakaling pagtangkain ito ng mga armadong bandido. Wala po ba talaga kayong baril?"

"Meron."

"Nasaan?"

"Dala ko, at hindi mo maaaring makita. Nakakatakot. Delikado. Nandito tayo sa eskuwelahan kung naaalala mo."

"Kuya, nakakita na ako ng baril. Nakita ko na yung baril ni daddy kong sundalo. Nahawakan ko pa nga eh tapos mabigat."

Natawa si Kuya Guard, "Wala ka pala sa baril ko eh. Yung baril ko, matigas at malaki! Maitim tapos malakas magpaputok ng kulay puti! Masarap pang hawakan! Nahawakan na rin ng misis ko at ilang beses ko na ring ipinutok sa kanya!" saka siya humalakhak.

Naipinta sa mukha ko ang pagkabigla.

"Napatay mo yung misis mo?! Nasaan na yung baril mo?"

"Hindi ko siya napatay pero nasa akin pa rin ang baril ko."

"N-nasaan?"

"Nakatago," bahagya siyang napangiti, at hinaplos-haplos ang kanyang nakabukol, "Heto o, nakabakat na," saka niya ako kinindatan.

Tuesday, October 20, 2015

Tilapya

Natuwa ako nang makita ko ang nag-iisa at masarap na Tilapya. Napakasuwerte ko naman, oo.

"Kuya, ano ang gusto mo?"

"Gusto ko ang Tilapya mo, ate."

Pinagbigyan ako ni ate sa gusto ko.

Ang Tilapya ni ate ay malapad, matambok, sariwa, makinis, kasabik-sabik, katakam-takam, mabango, at napakalusog. Panigurado, ang lasa ng Tilapya ni ate ay malinamnam. Halata na ito ay alagang-alaga.

Inilabas ni ate ang kanyang Tilapya upang ihain sa akin. Makaraang ilapag, ang kanyang sabi "Masarap 'yang Tilapya ko. Tikman mo."

At ng aking matikman, ito ay masarap... at makatas! Isang sarap na nabibigay sa akin ng sigla at ang bawat laman nito ay nagbubulwak ng kakaunting katas sa aking bunganga na nagbibigay sa akin ng buhay.

"Masarap nga!" pagpuri ko. "Masarap nga ang Tilapya mo ate!"

"Ano, extra rice pa?"

Saturday, October 17, 2015

Bukol

Agad akong pumwesto sa lugar na malapit sa labasan ng jeepney matapos itong mapuno ng pasahero. Agad nagsikip ang mga bakante at hirap pang ituwid ang tuhod papaharap dahil sa sikip. Ang hirap lang sa parte ko dahil matangkad ako, at hindi ako maaaring bumuka upang bigyan ng halaga ang aking pagkalalake na hindi ito iipitin ng dalawa kong hita. Halos sakop na nito ang daan kaya tumagilid na lang ako.

Tatanggapin ko ang hamon! Kahit na kalahating oras ang biyahe mula TSU hanggang Camp Aquino. Makakayanan kong magtagal! Kahit na ubod ng init na siyang nagpapasabaw sa mga pasahero. Dagdag mo pa ang tuyong hangin na kayang magpatuyo ng lalamunan. Ang bunga? Nakakairita.

Malagkit, mainit, masikip, at medyo hindi na kaaya-aya ang amoy. Naisip ko, mas maganda ang mga nabanggit pagdating sa sex pero sa jeepney, hindi.

"Usog pa ate. Nangangamoy pa. Siyaman 'yan! Paupuin sa kaliwa si ate," ito na naman yung tarantadong barker dito sa TSU. Ginagabayan niya ang isang bebot na pasahero. Ang ganda niya!

Lahat ng lalake sa jeepney ay nakatingin kay bebot na maganda. Para sa akin, full package na siya para sa ideal woman na pinapangarap ko. Maganda, morena, mamasa-masa ang labi (uy, good kisser ang mga mamasa-masang labi!), bagsak ang buhok, sexy, malaking likuran at hinaharap, at siyempre, malakas ang sex appeal. Puta naman, kailan ba siya darating sa buhay ko? Sawang-sawa na ako sa paghihintay!

Hindi natanggal ang paningin ko sa bebot na iyon. Hindi lang ako kundi pati yung mga pasaherong lalake na medyo mas guwapo kaysa sa akin. Pangiti-ngiti si bebot kapag ibabaling niya ang paningin sa ibang lalake. Ang hindi ko lang inaasahan na ginawa niya e napakagat-labi siya. Akala niya, hindi ko nakita iyon pero nagkamali siya. Medyo nakakahiya nga nang minsan ko siyang kinindatan pero nasalo iyon sa paningin ng isang lalake. Ayoko namang isipin na siya ang kinikindatan ko sa halip na yung magandang bebot.

Nabitin ako, siguro pati yung mga pasaherong lalake, nang pumara siya sa Siesta Terminal. Hirap siyang dumaan sa sobrang sikip pero sinasadya iyon ng mga lalakeng pasahero. At least, hindi man nila mahawakan si magandang bebot e dumampi naman ang paa nito sa tuhod nila. Ayos ang galawang babaero, astig! Pero hindi ako. Kahit matindi ang pagnanasa ko kay Miss bebot e hindi ko siya kayang bastusin... sa isip, puwede pa. Pero kung gusto niya, naku! Doon tayo sa kuwarto ko!

Pababa pa lang siya sa jeepney nang mapaupo siya sa dulo ng tuhod ko. Hindi iyon sadya at walang may gusto saka ako humingi ng pasensya. Naramdaman ko yung tambok ng kanyang likuran gayon din ang kanyang bukol na nakaipit pala pailalim. Hindi ko 'to alam!

Puta, may bukol. Hindi siya babae.

Sumama ang loob ko. Sayang siya, lalake pala.

Thursday, October 15, 2015

Birheng Maria

Maghapon akong naglakbay sa masukal na gubat nang makaramdam ako ng pagkauhaw. Saglit kong ibinaba ang malaking bagahe at hinagilap ang bote ng inumin matapos umupo sa paanan ng isang malaking puno.

Napalitan ng dismaya ang ngiti ko nang malamang ito ay ubos na pala. Kung sa minamalas ka nga naman oo. Pagod ako, mainit, at nakakairita.

Muli kong hinalukay ang loob ng aking bag at hinagilap ang isang mapa. Nakita ko, may isang ilog malapit sa aking kinalalagyan.

Nabuhayan ako sa lagay na iyon at dali-daling nagtungo sa direksyong nakalagay sa mapa. Sa wakas, sabi ko sa sarili, ay makakainom na rin ako ng tubig. Malamig na tubig na magpapawi ng aking uhaw sa walang hanggang init.

Sandali akong natigilan nang makakita ng isang dalaga sa gilid ng batuhan. Isang magandang dalaga na kaaahon lamang sa tubig. Nakahubad ito at ang ganda ng kanyang katawan. Ubod ng tambok ang likod at hinaharap, maging ang kanyang ibaba. Malayo sa magandang katawan ng aking asawa. Perpekto. Basang-basa ang kanyang katawan at isa-isa nang ibinabalik ang saplot ng kanyang katawan. Napakagandang tanawin.

"Sinong nariyan?" natigilan ako.

Lagot! Kinabahan ako.

"Kukuha ka ba ng maiinom mo? Halika, lumapit ka dito."

Mukhang alam niyang naroon ako kaya lumapit nga ako sa kanya na may kaunting kaba. At nang kami ay nagkaharapan, isang matamis na ngiti ang kanyang binigay sa akin.

Ang ngiting iyon... nakakatukso!

"Masarap ang malamig na tubig kapag nauuhaw ka."

Napalunok ako ng laway. Ibinaba ko ang dalang bagahe at kumuha ng tubig sa pampang. Pagbalik, nakita ko siyang nakaupo na sa isang malapad na bato. Mayroon siyang hawak na mabangong bulaklak at isang tuwalya.

"Halika. Umupo ka muna sa tabi ko. Magpahinga ka."

Akala ko, malas ako sa araw na ito. Pero, tignan mo ako, narito ako sa isang ilog kasama ang isang babae na walang kaparis ang kagandahan kumpara sa iba kong nakilala. Walang nino man ang makakagambala sa amin. Ang nakakapagtaka lang ay bakit siya nag-iisa rito sa gubat? Saan siya nakatira?

"Ako lang ang mag-isa rito sa gubat," sagot niya na aking ikinabigla. Parang nabasa niya ang tanong na nasa isip ko. Napatango na lang ako.

"Anong pangalan mo?" tanong ko.

"Ako si Maria. Ikaw?"

"Rogelio," sagot ko. "Nakatira ako sa syudad kasama ang asawa at isang anak."

Napahinto ako nang hinawakan niya ang aking kamay. Sa mga sandaling iyon ay nagpantay ang aming paningin habang hawak nito ang mabangong bulaklak. Ang bulaklak na tulad niya na ubod ng bango matapos ko itong ilagay sa kanyang tainga. Masasabi kong kahit kaya kong hindi gumawa ng isang pagkakamali ay hindi ko nakayanan ang lakas ng tukso. Isang nakatutuksong pagkakataong napakahirap tanggihan habang wala sa paligid ang minamahal.

Pero, bakit hindi ko subukan? Lalake ako at walang mawawala. Handa akong lumimot ng pansamantala lang naman.

Marahan ko siyang binitbit patungo sa isang balsang kawayan matapos mangalaglag sa lupa ang aming mga saplot. Nailantad sa aming dalawa ang magaganda naming katawan na lalo pang nagpahanga sa akin. Dali-dali akong nag-init at naghumindig. Nagpalitan kami ng maiinit na halik mula sa labi, leeg, dibdib, at sa tanda ng aming kasarian. Kapwa kaming nanglalaban. Wala akong ibang ginawa kundi mapaungol sa sarap at ligaya habang ninanamnam ang bawat sandali.

Pinagsawaan namin ang katawan ng isa't isa. Halos hindi ko lubusang masukat ang kanyang dibdib at likuran na sa kanya ko lang natikman. Napakasarap. At tulad ng ginagawa ng aking asawa, magaling siyang sumamba sa napakaganda kong katawan. Halos maduwal siya sa laki nang ilabas-masok niya ang aking paghuhumindig na nag-iinit at namumula. Napakainit at napakasikip ng kanyang bunganga. Napakahusay! Nakakakiliti ang bawat pagsubo, pagdila, at pagsipsip na kanyang ginagawa.

Buong pag-iingat ko siyang pinasok. Sinalo siya ang aking kalakihan habang dinadama ko ang init at sikip ng sa kanya. At nang maisagad, ito'y napunit at nagdugo. Dahan-dahan akong bumayo hanggang sa bumilis. Nakakabaliw ang makalangit niyang katawan na ubod ng sarap.

Nangibabaw ang aming mga ungol, maliban sa ingay ng mga ibon at kulisap sa paligid, nang maisabog ko sa kanyang kalooban ang punla ng buhay na tanda ng aking tagumpay sa rurok. Isang punla na tutubo at magbubunga na naidulot ng isang bawal na pag-uugnayan. Nakakabaliw at nakaaliw. Napakasarap.

Nagsama kaming dalawa ng isang linggo at mangailang beses pa itong naulit bago ko siya nilisan. At sa tuwing makakakita ako ng tubig, siya ay aking naaalala. Nang-aakit, nanunukso, at nagbibigay sa akin ng ligaya.

Friday, October 9, 2015

Psychoticus

"Si Psychoticus!" sigaw ng isang sira ulo sa kanto saka nagsabog ang tawanan.

Sandali akong napahinto.

Maganda sanang pumalag pero Miyerkules ngayon. Kagalang-galang na organization shirt ng COESSE (hiniram mula sa 'esse est co esse') ang suot tuwing Miyerkules sa eskuwelahan. Nakakahiya naman para sa imahe ng organisasyong ito kung papalag ako habang suot ito.

"Psycho-major ka diba? I-psycho mo nga akong hinayupak ka!" eksena ng isa.

Napangisi ako. Hindi lang pala sila kayabangan kundi mentally retarded din pati utak. Ayoko sanang patulan pa ang kanilang mga pakulo na agad nagpakulo ng dugo ko sa galit. Iba na talaga ang mga tarantado ngayon pero alang-alang sa organisasyong aking kinabibilangan, mas pinili ko ang manahimik.

"E wala pala ito eh!" bulyaw sa akin ng gago. "Kumbaga sa sex, wala itong maibubuga! Hindi pa tuli! Hindi pumuputok! Hindi tumatamod! SUPOT!!!"

Sabog muli ng tawanan. Tawanan, na puno ng pangkukutya't pang-aalaska.

Buong puso kong inaamin na nagpigil ako kahit masakit pakinggan pero hindi ko na makalkyula pa ang iba pang sinabi ng mga putangina.

Nanatili akong nakatayo. Tahimik, habang tinitignan sila nang diretso, isa-isa, at mata sa mata. Bakit ako matatakot sa mga kumag na 'to kung wala naman akong masamang ginagawa? Kaya sino sila para sindakin ako't magpakita ng takot sa kanila? Yung totoo, gago ba talaga sila o nagtatarantaduhan lang.

Hindi ako nagpadaig sa mga titig nila sa akin. Ang hindi nila alam ay isa-isa ko na silang pinaliliguan sa sarili nilang dugo na napakagandang ilampaso sa maputi at makinis na sahig. Nilalagari ang leeg gamit ang alambre, tinatahi ang ibiniyak na katawan, o tinatadtad ng sandaang krayom na ubod ng nipis sa kanilang mga mata. At dahil kaya ko silang sabayan, ibinuhos ko ang lahat ng sama ng loob at matinding galit na sa pagtitig ko lamang nailalabas.

Pinapapili ko sila sa isip ko habang nakikipagtitigan: distansya, disgrasya, o ambulansya.

"Tara na nga!" mukhang naintindihan nila ang ibig kong ipakahulugan kahit na wala pa akong sinasabi kaya sumunod naman ang iba. Malamang, umabot sa mga utak nila ang maaari kong gawin na naiisip ko.

Naiwan akong mag-isa. Nakatanga.

Ang masasabi ko sa aking nagawa ay mas nananaig pa rin ang kapangyarihan ng ipinagsamang puwersa ng isip, espiritu, at ng katawan. Sa pamamagitan ng mga ito ay iniisip ko ang isang sitwasyong ibig kong mangyari sa aking paligid. Ayon nga sa kasabihan, We became what we think we are.

Ganyan ang kakayahan at kapangyarihan ng utak ng isang nilalang.

Monday, September 28, 2015

Munchausen

"Hon, I have a good and bad news!"

"Talaga?"

Ibinaba ni Marco ang dala nitong bag saka tumabi sa asawa na nakaupo sa sofa.

"Na-promote ako!"

"Wow! That's great!"

Niyakap ni Marco ang asawang si Martha.

"Buboy anak. Nandito na si daddy mo. Halika!"

Mula sa kuwarto ay lumabas ang pitong taong gulang na anak.

"Daddy!!!" galak na galak ang anak na yumakap sa ama.

"Hello my boy! I miss you!" pagbati ng ama saka ito binigyan ng isang halik.

"Teka, ano nga pala ang bad news?" pagputol ni Martha.

Natahimik si Marco at nagbuntong-hininga. "Iyon... madedestino ako sa malayo. Doon sa Cebu."

Natahimik si Martha. Kitang-kita sa kanyang pagmumukha ang pagkabigla. "No, Marco. No..."

"I just signed the company contract already--"

"Without telling me? Hey, Marco. How dare you do this to me?"

"Waiiit!!!" pagsenyas ni Marco saka bumulong, "Huwag tayong magtalo sa harap ni Buboy."

Katahimikan.

"Anak, go to your bed room now. Matulog ka na," sabi ni Marco sa anak.

"Yes, daddy!"

"Good night my baby! I love you!"

"I love you too mom and dad. Good night!"

Muling katahimikan.

"Kailan ka aalis?" itinutok ni Martha ang mga mata nito sa TV.

"Sa Linggo ng madaling araw."

"T-teka, ganoon kabilis? Marco, bukas na iyon!" isinara ni Martha ang TV gamit ng remote control. "Sana, noon mo pa ito sinabi! Alam mo namang hindi ako sanay sa biglaan diba?!"

"Hindi ko kagustuhan iyon! Kaya nga sinasabi ko sa iyo ngayon diba? Sorry na."

"Ilang buwan ka doon?"

"Mabilis lang naman ang anim na buwan diba?"

Tumingin si Martha kay Marco ng ubod ng talim, "Anim na buwan?" tumango-tango ito. "Anim na buwan... sige, anim na buwan..."

"Magtatawagan naman tayo sa telepono eh."

"Okay, fine. Stop it," tumayo ito at nag-ayos ng sarili. "Inaantok na ako, matulog na tayo."

- - - - -

Makalipas ang isang buwan...

"Hindi na naman tumawag 'yung daddy mo! Buwisit!"

Nang dahil sa galit, tumayo si Martha at ibinagsak ang remote control ng TV saka nagpira-piraso sa sahig. Sa mga sandali rin iyon ay napahinto siya sa pagsasalita nang mapansin ang nagsusulat na anak sa may center table.

"Walanghiya kang bata ka! Nagdo-drawing ka lang?"

"N-nagsusulat po ako ng homework ko mommy--"

"Anong nagsusulat?" pinagdilatan nito ng mata ang anak. "Ito lang ba ang aatupagin mong hinayupak ka?! MAG-REVIEW KA!!!" bulyaw nito na ikinagulat ng anak. At dahil sa takot ng anak ay idinaan na lang nito sa pag-iyak habang binabato ito ng limpak-limpak na libro.

Hinawakan ni Martha ang buhok ng anak saka hinila papalapit sa pader. Pumapalag na sa ngayon ang anak nito na si Buboy ngunit sadyang malakas ang kamay ng mommy nito para hawakan ang kanyang ulo, at paulit-ulit na ibinubugbog sa pader hanggang magdugo. Nakikiusap ito at nagmamakaawa.

"D-daddy!!! H-help meee!!!" damang-dama sa bawat hiyaw nito ang sakit na ginagawa sa kanya ng kanyang mommy.

Saglit na tumigil si Martha sa narinig sa anak, "Daddy? Wala kang daddy! Iniwan na tayo ng daddy mo ng dahil sa'yo!" sinampal nito ang pisngi ng anak. Malakas at ubod ng lutong. Damang-dama pa ang matinding panggigigil sa sariling anak. Wala siyang paki kahit nagkalat na sa palad nito ang dugo ng anak sa ulo.

Dahil malapit lang sila sa telephone booth ay dinampot ni Martha ang nakasinding sigarilyo saka paulit-ulit na pinaso ang labi ng anak. At nang mapudpod at maubos ang siga nito ay dahan-dahan siyang bumulong sa anak.

"Kapag nagsumbong ka sa daddy mo, hindi lang iyan ang matitikman mo!"

Muli siyang natigilan nang marinig ang pagkulo ng sikmura ng anak dahil sa gutom.

"Nagugutom ka? Puwes, hindi ka kakain!"

Walang anu-ano'y tumayo si Martha at hinila ang kaliwang paa ng anak paakyat sa ikalawang palapag, papunta sa kuwarto ni Buboy, at dito isinara ang pinto na parang walang nangyaring karahasan.

Maalagang ina si Martha. Pero nagbago siya simula nang madestino ang asawa nitong si Marco sa Cebu dahil sa trabaho. Para kay Martha, ito ang paraan niya upang pauwiin ulit ang asawa nitong malayo sa kanya. At kung kailan natapos na ang lahat ay doon na siya nakatanggap ng tawag na agad niyang sinagot.

"Rodriguez residence," maayos niyang sagot kahit na ubod ng gulo ang buong bahay.

"Hon, its me. Kumusta kayo ni Buboy?" si Marco, sa wakas.

"M-marco..." naging maamo ang pakikitungo nito sa telepono, "May sakit si Buboy! Hindi ko alam kung ano na ang gagawin," napahagulgol pa ito ng iyak! "Natatakot ako..."

"Ano? Teka, dalhin mo na siya sa ospital! Huwag mo nang hayaang lumala!"

"O sige, sige, gagawin ko."

"Hayaan mo, makikiusap ako sa boss ko para umuwi sa inyo. Huwag kang matakot, nandito lang ako."

Natigilan si Martha at palihim na ngumiti sa tuwa.

"S-sige..." balik na naman siya sa pag-arte. "Hihintayin kita."

"Magkita tayo bukas, bye."

"Teka, sandali!"

"What?"

"Honey ko, bilisan mong umuwi ha. I miss you so much."

"I miss you, too. Kayo ng anak natin."

"Hayaan mo, basta umuwi ka na, ha." May pang-aakit ang bawat boses nito na nakakatukso. "Inayos ko na ang kama natin. Bilisan mong umuwi para guluhin natin ulit."

Thursday, September 24, 2015

Bulabog

Gabi.

Kasalukuyan akong naglalakad pauwi ng bahay nang makita ko ang oras. Malapit nang sumapit ang oras ng ika-sampu ng gabi kaya nama'y agad akong nagmadali sa paglalakad sa madilim at malubak na daan.

Wala akong ibang naririnig maliban sa yabag ng aking sapatos, at sa ingay ng mga kulisap na nasa mga talahib at puno na nadaraanan. At maliban dito, tanging kumukuti-kutitap na mga bituin sa langit lamang ang nakikita sa kabila ng walang hanggang kadiliman ng buong paligid.

Hindi ko naiwasang mag-isip ng kung anu-anong mga bagay na maaaring magpatibag ng tapang at lakas ng loob ko. Nariyan kasi ang maglalakad ako nang dahan-dahan sa tuwing naiisip ko ang isang babaeng nakatingin at sumusunod sa aking likuran habang nakalutang sa ere na may duguang katawan. Ang babaeng iyon na mayroong duguang bunganga na ipapakita niya sa akin at saka manghahabol sa kadiliman.

Saglit akong huminto. Pinakiramdaman ang sarili.

Sandaling umihip ang napakalamig na hangin sa maalinsangang gabi. Agad akong tinayuan ng balahibo hanggang anit nang dahan-dahan akong lumingon sa likod. Ito ang magandang paraan upang siguraduhing may sumusunod nga sa akin... pero wala.

Mabuti naman. Napabuntong-hininga ako at nakahinga nang maluwag.

Hindi nahinto ang isip ko sa pag-iisip pa ng ibang mga lamang-lupa na maaari kong masalubong ano mang oras. Oo, natatakot ako pero kinakaya kong umuwi ng bahay nang matiwasay... na walang takot sa isip at dibdib hangga't maaari.

Muli akong napahinto sa mas madilim na parte na daanan. Sandali akong nakiramdam at nagmanman sa paligid bago mapansin ang isang munting liwanag na nasa likuran ng malaking puno na siyang kumuha ng aking pansin.

May matinding takot at kaba man ay lakas-loob kong sinuong ang mumunting talahiban bago ko marating ang malaking puno. Isang misteryo't palaisipan ito para sa akin kung ano man ang isang bagay na nasa likuran nito na gusto kong malaman.

Isang lamang lupa? Hindi ko alam.

Isang matandang kuba na may lampara? Hindi ko rin alam.

O isang mahiwagang nimpa na sa libro ko lang nasilayan? Mukhang imposible na iyon.

Hindi ko pa nararating ang malaking puno nang mayroon akong narinig na isang ungol na nanggaling sa hindi malamang lugar. Isang nakakatakot na ungol na siyang nagpagimbal sa akin. Nagpigil akong sumigaw sa hindi malamang dahilan samantalang ako lang naman ang mag-isa roon. Kailangan kong mag-pigil.

Nagpatuloy ako. Dahan-dahan akong sumilip. Hanggang sa malantad sa paningin ko ang isang lalake at babae na marahas na nag-tatalik sa likod ng matataas na talahiban.

Huli!

Napaatras ako sa pagkabigla dahilan para matapakan ko ang malutong at tuyong sanga ng puno. Naglikha ito ng isang malakas na ingay na kanilang narinig.

Agad akong inilawan ng flashlight ng lalake habang abala sila sa paglalagay ng saplot sa kanilang katawan. Nahuli nila ako at napasigaw ang babae pagkakita sa akin. Gusto ko sanang humingi ng paumanhin dahil nabulabog ko sila pero napatakbo ako papalayo sa kanila.

Wednesday, September 16, 2015

Autism

Nadatnan ko siyang tahimik sa isang sulok. Hindi siya makausap ng matino dahil tutok na tutok siya sa kanyang laptop.

Sinubukan ko siyang kausapin subalit hindi niya ako kinausap. Halata sa itsura niyang wala siyang pakialam sa ano man ang nangyayari sa kanyang paligid. Parang wala siyang naririnig, kahit isang ingay. Balewala sa kanya ang matitinding ingay sa kanyang paligid na maaaring gumambala sa kanya.

Pinagmasdan ko siya sa pagmamaneobra niya ng kanyang laptop. Nainggit ako dahil napakagaling niyang gumamit nito. Mabilis siyang mag-type, ang galing niyang gumamit ng feather-touch na mouse, at ang ganda ng kanyang pustura sa paghawak nito.

Muli ko siyang kinausap, "Puwedeng patingin?"

Nakita niya ako at dali-daling itinago ang screen ng kanyang laptop.

Napabuntong hininga na lang ako.

Pero... may nakita akong lumapit sa kanya. Sinabihan ko itong huwag lumapit rito ngunit sa pagkakataong iyon, hindi siya nakinig sa akin.

Nasa malayo na ako nang muli ko itong tinignan. Nakita kong inaasar siya ng taong lumapit sa kanya ngunit wala pa rin itong pakialam, hanggang sa hinawakan ng lumapit ang dulo ng laptop nito saka ito naglikha ng isang malakas na sigaw.

Nagwala siya. Galit na galit.

Sa sobrang galit, itinupi nito ang kanyang laptop saka hinampas sa mukha ng taong nanggulo sa kanya. Tumama ito sa mukha saka nagkapira-piraso itong nalaglag sa lupa.

Tulad ng una kong inakala, mayroon nga siyang Autism.

Tuesday, September 15, 2015

Lakadero

Lakadero \la.ka.de.ro\ n. 1. isang lalaki na walang ibang ginawa sa buong buhay kundi ang maglakad, 2. mahilig maglakad, 3. isang lalaki na bihasa sa paglalakad ng malayo sa mahabang oras.

- - - - -

Noong una, hindi ko talaga maintindihan kung bakit napakalayo ng eskuwelahan sa bahay. Noong bata ako, naiinggit ako sa ibang kaklase na naglalakad lang upang umuwi ng bahay. Naalala ko pa nang magtanong ako sa isang kaklase kung bakit siya naglalakad pauwi.

Alam mo ba kung ano ang sinagot niya?

Simple lang.

"Malapit lang yung bahay namin!"

Ngumiti siya ng pagkatamis-tamis saka niya ako iniwan sa gate ng eskuwelahan, habang hinihintay ang sundo ko na si daddy na minamaneho ang oner namin.

At habang pauwi na kami ng bahay, itinatak ko na sa sarili ko na balang araw, lalakarin ko rin ang daan papuntang eskuwelahan, at pauwi naman ng bahay.

Ito ang mga bagay noon na hindi ko malilimutan ngayon. Naniniwala kasi ako na hindi ako magiging isang ganito, kung ano man ang estado ng buhay ko ngayon, kung hindi ko pinagdaanan ang kahapon. Ano mang gawin ko ay bahagi pa rin ako ng aking nakaraaan.

At ngayong kolehiyo na ako ay patuloy ko pa ring nadarama ang pangarap na iyon hanggang ngayon. Paano naman kasi, literal kong nilalakad ang isa hanggang dalawang kilometrong daanan mula bahay patungo sa sakayan ng jeepney sa tuwing papasok ako sa eskuwelahan. Lahat, puro lakad, papunta man sa eskuwelahan at pauwi ng bahay.

Kung magkikita man kami ngayon ng batang 'ako' noon, malamang, matutuwa siya sa akin ngayon dahil tinupad ko na ang pangarap niyang maglakad lang tuwing papasok sa eskuwelahan at uuwi ng bahay. Pero, makukutusan ko ang batang iyon ('ako') dahil ubod na ako ng payat sa paglalakad, umulan man o umaraw, umaga man o gabi, at mainit man o malamig...

Doon ko na inangkin at niyakap ang pagiging isang lalaking walang ibang ginawa kundi ang maglakad sa buong buhay niya kaya ito na ako ngayon. Isang lalaki, isang Lakadero.

Ako po si Jay 'Lakadero' Calicdan. Maraming salamat po.

Iyon lang, lovelots!

Tuesday, September 8, 2015

Huling Liham

Dear papa,

Hindi ko na po kayo makilala.

Kumusta na po kayo? Sana, masaya po kayo kung nasaan man kayo ngayon.

Sa ngayon, gusto ko po sanang humingi sa inyo ng kapatawaran. Alam kong hindi ako karapat-dapat na patawarin sa kabila ng lahat ng kasalanan ko. Kung naririnig niyo lang po ako ngayon papa, patawad po.

Sa tagal ng panahong nagdaan, ngayon lang po ako naglakas-loob na sumulat sa inyo upang mangumusta at makipagkuwentuhan sa takbo ng naging buhay ko.

Papa, pasensya na pero sana ay maintindihan mong hindi ko na maalala ang itsura mo bago ka nawala sa amin. Ang sabi ni mama, guwapo daw po kayo at matipunong lalake na halos maraming babae ang umaaligid sa tuwing mamamasyal kayong dalawa. Natuwa naman po ako doon at sayang nga lang dahil hindi ko na po kayo nakita noon. Malaki din po ang panghihinayang ni mama noon dahil binagyo ang bahay na ito na inyo pong naipundar, dahilan upang mabaha ang lahat ng litrato mo at ninyo nila mama. Tanging ang bahay na ito na lang ang natitirang alaala namin sa iyo.

Lumaki po akong mabuti bilang magandang anak. Hindi po ako naging sakit ng ulo kay mama dahil iyon lamang po ang tanging maisusukli ko sa kabila ng pag-aaruga niya sa akin. Masaya naman po kaming nagsasama ni mama habang magkasama sa bahay na ito.

Pero nang matapos ako ng elementarya, nag-asawa muli si mama. Nakilala niya po ang bago niyang asawa sa pabrikang pinagtatrabahuan niyo noon, kung saan po kayo unang nagkakilala ni mama. Hindi ko po ito matanggap noon pero wala na rin po akong nagawa. Alam kong karapatan ni mama na lumigaya muli kaya tinaggap ko na rin po siya.

Masaya naman silang nagsasama nila mama at ng bago niyang asawa. Kinasal sila sa simbahan at nagpatuloy na nanirahan sa bahay na ito. Mabait naman po ang amahin ko at gustong-gusto niyang tawagin ko siya bilang 'papa'. At sa kabila nito, nagagawa niya pong ibigay ang lahat ng gusto ko sa isang salita lang. Masaya po ako dahil naranasan ko po sa kanya ang magkaroon muli ng tatay, at ng isa pang kapatid na babae. Nagpapasalamat po ako dahil nagkaroon ng kahulugan ang buhay ko na maging 'ate' sa bago kong kapatid.

Pero... hindi rin po ito nagtagal, papa. Ito po ay dahil matapos po akong magtapos ng high school ay hindi sinasadyang natagpuan ko po ang amahin ko sa may kama na may iba siyang kasiping na babae sa dating kuwarto ninyo ni mama. Dahil sa bigla, agad po akong tumakas noon sa bahay na ito dahil sa takot. Takot na baka saktan ako ng amahin ko sakaling magsumbong ako pero hindi ko nagawang magsumbong kahit kailan. Nanatili ang takot kong iyon hanggang sa pauwiin nila ako sa bahay na ito sa humingi sa amin ng kapatawaran.

Pero, hinding-hindi ko po siya mapapatawad... kahit kailan...

Naging sunud-sunuran kami ni mama sa lahat ng gusto niya. Hindi na nagtrabaho si mama sa pabrika sa kagustuhan ng amahin ko dahil baka daw makakita muli ng ibang lalake si mama, at huminto na rin ako sa kolehiyo sa takot na baka mabuntis ako ng maaga. Lagi nang mayroong matitinding away ang nagaganap sa bahay na ito. Lagi na lang po ako sinisigawan ng amahin ko kahit sa maliit na pagkakamali lang na nagawa. Napagbubuhatan na niya kami ng kamay kaya hindi maiiwasan na halos ikamatay na namin ang mga pasakit na iyon. Hindi namin siya pinaglilihiman ng kung ano mang bagay sa kanya na nauuwi naman sa kung ano na lang ang madampot ng kanyang kamay upang makapanakit sa amin. Lagi siyang galit bunga ng maling paniniwala na mayroong ibang lalake si mama maliban sa amahin ko. Masyado na siyang abusado.

Isa pa sa mga malalang sitwasyon ay pinagbintangan ng amahin ko na hindi niya anak ang dinadala ni mama sa kanyang sinapupunan. Nagkakamali siya ng kanyang iniisip dahil kaming pamilya lang niya ang magkakasama at ikinukulong niya sa bahay na ito, at hindi niya pinapayagang lumalabas kahit hanggang sa bakuran lang. Wala siyang pinakinggang paliwanag ni mama hanggang sa pinapili niya si mama na iiwanan siya nito o ipalalaglag ang bata. Sa amahin lang namin kami nabubuhay dahil nasa kanya ang lahat ng pera. At mamamatay kami sakaling iwanan niya kami kaya walang nagawa si mama kundi ang ipalaglag ang bata sa kanyang sinapupunan.

Sobrang sakit ng nagyari sa amin, papa. Mas tumindi pa ang sama ng ugali ng aming amahin dahil lagi na siyang lasing kung umuuwi sa bahay ng gabi. Tulad ng lagi, lagi niya kaming sinasaktan sa maliit na pagkakamali, lagi na kaming gutom, walang pera, at nanghihina. Patuloy pa rin siya sa kanyang mga bisyo tulad ng alak, ipinagbabawal na gamot, at babae. Hindi ko alam kung gaano na kataas ang tindi ng kanyang ka-demonyohan.

Naaalala ko pa noon papa, na nadatnan ko si mama na umiiyak sa kusina paggising ko ng umaga. Dito sinabi sa akin ni mama na dumating ang babaeng anim na buwan nang nabuntis ng amahin ko. Sobrang sakit iyon para sa kalagayan ni mama pero mas nasasaktan ako dahil nakikita kong nasasaktan si mama ng ganoon dahil sa kahayupan ng amahin ko. Pero wala na kaming magagawa, inilunok na lang namin ang lahat alang-alang sa pera na ibinibigay niya upang mabuhay kami.

Isa pa sa pinakamatinding pangyayari ang naganap sa akin noon, papa ang pinakamapait kog sinapit mula sa aking amahin. Isang bangungot na dadalihin ko hanggang sa mga huling hininga ng buhay ko na nagbunga pa ng isa pa.

Opo papa, hinalay po ako ng sarili kong amahin. Lasing siyang dumating ng gabi saka niya ako ginising sa pamamagitan ng pagtatadyak sa aking likuran at sikmura. Dahil sa sobrang bigla, napayakap sa akin ng mahigpit ang kapatid kong nagising at umiiyak. Hinihila ng hayop kong amahin ang buhok ko papunta sa sala saka niya ako tinutukan ng matalim na kutsilyo. Natatandaan ko pa rin hanggang ngayon, na ang kutsilyong itinutok sa akin ng amahin ko ang kumitil sa buhay ng kanyang kaibigan kaya takot na takot ako ng mga sandaling iyon.

Gamit ang matalim na kutsilyo na iyon ay pinunit niya ang lahat ng saplot ko sa buong katawan. Nakita ito ng kapatid ko gayon din ang paghubad ng lahat ng saplot ng amahin ko. Dito ako natakot at nataranta nang makita ko ang malaki nitong kargadang hindi ko dapat makita. Nagpupumiglas po ako papa ng mga sandaling iyon pero sadyang napakalakas ng kanyang katawan na ikulong ako sa kanyang mga bisig.

At doon niya po ako nilabas-masok ng hayop kong amahin. Lahat ng sakit ay ramdam sa bawat paglabas ng malalakas na sigaw na ginawa ko. Hindi ako makatakas, hindi ako makapalag. Halos ikamatay ko ang kanyang pag-aaring maaari kong ikamatay sa sakit hanggang sa ipinasabog niya ang kanyang sukdulan sa aking sinapupunan.

Pagkatapos noon, binalaan niya kami ng kapatid ko na huwag magsumbong kahit kanino. Alam ko na ang linyang ito dahil naririnig ko na ang mga ganitong uri ng pangyayari na hindi ko akalaing mangyayari din pala sa tunay na buhay, lalo na sa akin.

Simula noon, naging pariwara na ang buhay ko sa kababuyang ginagawa sa akin ng aking amahin. Ako ang pangatlo niyang parausan maliban kay mama, sa kabit ng amahin ko, at ako. Gusto kong maghiganti sa kanya, gusto ko siyang masaktan, gusto ko siyang patayin sa tuwing nakikita ko siya sa bahay na ito... pero wala akong magagawa. Hindi ako nakagawa ng isang hakbang upang bigyan ng hustisya ang pambababoy sa akin ng amahin ko.

Akala ko, hanggang doon na lang ang lahat.

Noong lumayas na ang amahin ko sa bahay, huli ko nang nalaman na apat na buwan na akong nagdadalantao. At ang amahin ko ang ama.

Pinalayas ako ni mama nang malaman niya ang bagay na ito. Wala akong nagawa. Kada-buwan akong nagpalipat-lipat sa mga kaibigan ko hanggang sa ipanganak ko ang una kong anak--ang anak ng amahin ko--na kinupkop ng kaibigan kong lalake na di nagtagal ay tinanggap ko na bilang asawa ko.

Sa gulang kong labing pito ay nagkaroon ako ng isang asawa na limang taon ang tanda sa akin. Ang problema nga lang sa asawa ko ay wala siyang matinong trabaho maliban sa pagiging kargador sa palengke na aming ikinabubuhay. Hindi man kami nakakakain ng isa o pitong araw sa isang buwan ay masasabi kong masaya ang pagsasama namin ng asawa ko sa bahay na ito.

Opo, sa bahay na ito. Naghiwalay na rin po noon si mama at ng amahin ko makalipas ang tatlong taon mula nang pinalayas ako ni mama sa bahay na ito. Nagkapatawaran na kami ni mama sa lahat ng bagay at muling bumuo ng panibagong simula sa bahay na ito na magkakasama. At kung kailan naman magkakasama na kaming lahat ay sumakabilang buhay din si mama pagkalipas ng limang taon.

Hindi ko rin aakalain, maging ang asawa ko at kaming mga anak niya ay iniwan na rin niya, pitong buwan matapos mawala si mama sa amin. Mas lalo tuloy tumindi ang hirap ng buhay namin ng dalawa kong anak sa bahay na ito nang mawala siya. Pero ayos lang iyan, papa. Lumalaban naman ako sa ano mang hamon ng buhay ko ngayon. Hindi ko na rin tinanong ang Diyos kung bakit naging ganito ang buhay ko gayong wala naman akong tinatapakang ibang tao. At masasabi kong ito na ang patunay na napakamaramot ng pagkakataon at ng buhay. Wala rin naman akong magagawa kundi magpatuloy sa buhay. Ako na lang po kasi ang inaasahan ng aking mga anak.

Sa ngayon, gusto kong humingi ng patawad sa lahat--kay mama, sa asawa ko, at lalo na sa aking mga anak--na pinaglihiman kong mayroon akong nakamamatay na sakit. Ayoko sanang sabihin ito pero sabi nga nila, walang lihim ang hindi naibubunyag. Humingi ng tulong ang mga anak ko sa mga kapit-bahay hanggang sa dalhin ako sa isang doktor. Ang sabi, buwan na lang ang itatagal ng buhay ko.

Natatakot po ako, papa. Paano na ang mga anak ko kung nawala ako sa tabi nila? Paano na ang kinabukasan nila? Paano na ang pangarap ko para sa kanila? Natatakot ako ngayon dahil ayokong mawalan sila ng ina na siyang nag-iisa nilang magulang. Pero wala na akong magagawa...

Ito na po ang huling liham ko bago man lang ako mawala sa mundong ito. Sa tingin ko, hindi na ako magtatagal pa. Pagod na pagod na rin naman ako kaya bibitaw na ako.

Papa, patawad sa lahat. Hanggang sa muli!

Monday, September 7, 2015

Mahal Pa Rin Kita

CASS Orientation day at TSU.

At dahil maaga akong nakarating, agad akong umakyat sa itaas ng bleacher upang umupo at mag-abang sa opening ng college orientation. Sakto, Psychology Department ang puwesto ko kaya ayos lang.

Lumipas ang oras na nanatili akong tahimik sa kabila ng ingay hanggang sa matulala.

Wala akong kausap. Magulo ang ibang kaklase isabay pa ang malalakas na sound system ng University Gym.

Maya-maya, dumating si ex. Hindi ko ito inaasahan, lalo na nang tumabi siya sa puwesto ko, sa may kaliwa.

Nanatili akong nakayuko, swipe left, swipe right, swipe up and swipe down ang ginawa ko sa phone. Surfing thru free data of Facebook. Nag-i-stalk kay crush.

"Hey!" tawag niya.

Nabigla ako. "K-kumusta ka na?"

"Ayos lang. Mabuti."

Iyon lang. Katahimikan. Hindi man lang ako makapag-open up ng paksa upang mag-usap. Awkward isn't? Ex is ex. Pero siyempre, naging parte pa rin siya ng buhay ko.

Dahil nakatabi siya sa akin, muling nagdikit ang aming mga braso. Ito ang hindi ko malilimutan kailan man dahil sa ganito kami unang nagkakilala.

Nasa kanya pa rin ang pabango na ibinigay ko sa kanya noong nakaraang pasko. Nakita kong inilabas niya ito sa kanyang bag at winisikan ang kanyang leeg. Iyon ang paborito niyang pabango.

Pero, bilang isang mahilig na magsulat, ang pag-ibig niya ay parang isang talata't pangungusap. Lahat ng aming matatamis na nakaraan at mga pangarap ay naisatitik sa isang nobela. Ngunit, tulad ng isang nobela ay winakasan niya ang aming pag-ibig ng isang tuldok. Walong buwan na kaming wala.

Tama nga ang isinisigaw ng puso ko: mayroon pa rin akong nararamdaman sa kanya.

Mahal ko pa rin siya, at ito ang paulit-ulit na isinisigaw ko sa aking isip.

Mahal pa rin kita... mahal pa rin kita... mahal pa rin kita... "Mahal pa rin kita..."

Nanlamig ako. Nadulas ako sa pagsabi noon na hindi ko agad namalayan.

Napatingin siya sa akin. Para siyang nagtatanong. Hindi ko alam kung magagalit siya sa sinabi ko o pareho ang nararamdaman tulad ng sa akin.

"Ako rin," mabilis niyang sagot.

"Puwede bang tayo ulit?" agad kong itinanong.

"Ano--"

Sandaling naputol ang sasabihin niya nang bigla siyang dumating. "Hoy! Nandito ka na pala?" pumagitan siyang umupo sa amin.

Oo nga pala, siya ang dahilan kung bakit kami naghiwalay, ang aking kaibigan.

Pasenyas niyang sinabing hindi na maaari.

Nasaktan ako.

Sayang, mahal pa rin niya ako.

Tuesday, September 1, 2015

Sa iyong pagbabalik

Kay tagal kitang hinintay, gayon din sa init ng iyong pagmamahal na aking kinasasabikan at iyong inulila. Sa iyong mga mata'y aking muling masisilayan, tamis ng iyong ngiti, sa pag-ibig mong muling nagbabalik. Ako'y nagpapasalamat sa May Kapal na siyang naglikha. Sa iyong pagbabalik, pangungulila't lumbay ko'y napawi na.

Halina't muli nating sariwain ang matatamis nating nakaraan. Kasabikan sa isa't isa'y pawiin na ng ating pag-ibig na muling mag-aalab hanggang sa magdamag.

- - - -

P.S. Happy BerMonth!
Advance Merry Christmas and a Happy New Year! ^_^

Monday, August 17, 2015

Maganda

Nakaupo ako sa pathway ng TSU.

At sa kisame ng silong ng pathway ay naroon ang isang digital clock na may oras na alas cuatro y siete ng hapon.

Sa kabilang upuan ng pathway ay naroon ang kaibigan kong si Reymark, matalim ang tingin sa akin na parang ibig niyang makipagbugbugan sa akin sa hindi malamang dahilan.

Nagpatuloy ako sa pagmumuni-muni, pinapatay ang oras na nakaupo doon magdamagan, habang dinadaanan ng ibang mga estudyante. Pansin kong panay ang tingin sa akin ng ibang estudyante lalo na ng mga babae.

Sa kadahilanang hindi yata natiis ni Reymark ay lumapit siya sa akin saka umupo sa aking tabi. Alam ko na ang pakay niya: ang magtanong.

At tulad ng una kong inaasahan, ito ang kanyang itinanong.

"Ang daming babaeng tumitingin sa iyo! Bakit hindi mo pinapansin, ang gaganda nila!"

"Bakit?" tanong ko.

"Hindi mo ba inisip na baka ikaw ang tipo nila?" nagpatuloy siya nang hindi ako nagsalita. "Ang daming magagandang babae dito sa TSU! Ang ipinagtatakahan ko lang ay bakit wala kang nililigawan sa kanila. Ang gaganda nila eh."

Tumingin ako sa kanya.

"Ano?! Bakit wala kang nililigawang magandang babae dito?"

"Dahil... mas maganda pa ako sa kanilang lahat."

Natahimik si Reymark sa narinig.

Wednesday, August 12, 2015

Dugo

"Sa buong buhay ko, sinabi ko na sa sarili na ayos lang kung ako ang duguin kapag nasugatan kaysa naman ang ibang tao. Pero habang may mga tao naman na gusto akong saktan, natutukso ako na paliguan silang lahat sa sarili nilang dugo hanggang sa sila'y mamatay sa hirap. Mas mahirap, mas madugo, mas masarap, mas malinamnam..."

-jay calicdan

Tuesday, August 11, 2015

Ang Guro sa Gubat

Isa kaming larawan ng masayang mag-aaral sa isang magandang hardin sa kasukalan ng isang gubat. Nagbabasa, nagsusulat, kumakanta, at sumasayaw kasama ang alaga ng matandang lalake na siyang guro namin, ang kanyang aso, pusa, manok, pato, itik, at gansa.

Masayang-masaya kaming lahat. Lalo na sa akin. Dahil doon ko lang naranasan ang isang kakaibang saya na hindi ko pa natikman sa buong buhay kong puno ng lungkot at pasakit. Halos ayoko nang humiwalay pa sa mga kalaro at guro kong hawak-kamay na umiikot-ikot upang maglaro.

At napagpasyahan ko na ngang hindi na umalis dito kahit kailan.

Ngunit, ang kasiyahang iyon ay biglang nahinto sa pagngiti ng aming guro. Binigkas niya ang mga salitang tatapos sa panandalian naming kasiyahan, "Uwian na!"

Nagtilian ang ibang bata sa sobrang saya pero hindi ako masaya. Papalubog na ang araw ng mga oras na iyon mula sa malungkot na tanawin ng kanluran. Nagsimula namang maglakad ang ibang bata papalayo sa guro naming matanda.

"Ayoko pong umalis!" pagpipilit ko. "Masaya po ako dito!"

"Hindi ka maaaring manatili dito, bata," ang sinabi sa akin ng matanda. Katabi niya ang kanyang mga alagang hayop na kasama naming naglaro. "Sige na, kailangan mo nang umuwi."

Nalungkot ako sa sinabing ito ng matanda.

Oo, masaya ako dito pero babalik na naman ako sa mundo, sa tunay kong mundo, na puno ng lungkot at pasakit na parang walang hanggan. Hindi ko na mapigilan ang paa ko na maglakad papalayo sa matandang guro.

"Diretso lang, bata. Masaya na akong malaman na napasaya ko kayong lahat sa aking hardin dito sa gubat. Pero kailangan mo nang umuwi sa tunay mong mundo, kung saan ka talaga nararapat."

Muli kong nilingon ang matandang lalake, katabi niya ang kanyang mga alagang hayop, at pinapanood akong lumalayo sa kanila.

"Umalis ka na dito na may baong ngiti at saya. Iyan lang ang bagay na magpapasaya sa akin..."

Nakita ko, nagpahid siya ng luha nang muli ko siyang sinulyapan.

Napaluha na rin ako, sa lungkot at sama ng loob.

"B-bakit po?!"

"Dahil walang kasiyahan ang nagtatagal sa mundong iyong ginagalawan. Tulad ng ibang mga bata, malungkot din sila na aking pinasaya at binigyan ng ngiti kahit sandali."

Nagpatuloy ako sa paglalakad. Nakita ko sa ibang mga bata ang kanilang kasiyahan at tawanan habang naglalakad pauwi. Baon nila ang masayang araw na kasama ang aming guro sa gubat.

Ngunit hindi ako... na malungkot, at muli na namang nag-iisa sa totoong mundo.

Sa isa pang pagkakataon ay muli kong sinulyapan ang aming guro. Naroon pa rin siya, nakatayo, habang katabi ang mga alaga nitong hayop. Masaya siyang kumakaway sa akin ngunit halata sa kanyang pustura ang lungkot na kanyang dinadamdam.

"Hanggang sa muli!" malungkot kong paalam.

"Hanggang sa muli, bata," bulong niya sa hangin.

Malungkot akong umalis nang bigla silang naglaho na parang bula.

Monday, August 10, 2015

Utang na Loob

Taong 2011, tag-init.

Sa kauna-unahang pagkakataon, nagkita rin kami sa wakas ng tita kong halos sampung taon ko nang hindi nakita. Siya ang tita kong mayroong mahabang pasensya sa kabila ng matindi kong kapasawayan noong kabataan sa tuwing ako ay kanyang inaalagaan. Pareho kaming natuwa dahil na-miss talaga namin ang isa't isa.

Siya si tita M.

Bumaha ng kumustahan at balitaan hanggang umuwi kami sa bahay ni Mr. C--ang kanyang mabuting asawa na isang British--doon sa Eastwood Residences.

Doon ko nakita ang pinsan kong lalake, si P. Nadatnan ko siyang nagbababad sa harap ng computer para mag-internet. Niyaya niya akong kausapin ang isa naming tito sa Australia na si tito B.

Nagkataong dumating naman si tita J, ang all-time favorite kong kabalitaan at ka-chismisan sa tuwing uuwi ako sa kanila noong kabataan hanggang ngayon. Niyaya siya ni pinsan kong si P na kausapin ito upang mangumusta.

"Hay nako! Huwag na!" Nabigla ako sa sinabi ni tita J saka siya humiga sa malambot na kama. "Hindi na kailangan!" dagdag pa niya.

Nagtaka ako.

"Hay, Diyos ko! Utang na loob!"

At doon ko nalaman ang ibig niyang sabihin--wala daw utang na loob si tito B matapos siyang suportahan ni tita J papunta sa Australia!

"Hay! Utang na loob!"

- - - - -

DISCLAIMER: I didn't mentioned any names so stop being paranoid, please.

Sunday, August 9, 2015

CHAPTER 5: ALL WALKS OF SOCIETY

Confessions of a Novice Nun
by Trisha Quarts


THE SUCCEEDING DAYS HAS PROVED to me one thing: Mr. Bradford is way too persistent when he wants something.

I met him for the third time on Saturday – it was the next week since the last time we 'bumped' into each other outside my workplace – when Mother Elizabeth's congregation and I were touring the city asking for donations around the neighborhood. Dressed in the same style of upperclassman sophistication, Mr. Bradford donated a much too large amount of money to us after greeting me a brief 'hi', smiling the same way when I first met him.

Which brought back the question again: was it coincidence, or planned?

I didn't expect him on that Sunday, but when I went back to my apartment from church, a bouquet of flowers greeted me at my door with a card that says:

"I still expect our dinner-friendship-date."

I didn't give it much thought how he knew where I lived. I simply concluded that it was fairly easy for rich people to gain simple access to trivial information such as my apartment’s address.

On Monday, my question was answered. I became fairly certain that nothing was ever coincidence anymore when Mr. Bradford came by my workplace exactly on time with my arrival. We greeted each other briefly, and because I felt on edge around him, I immediately excused myself from him, telling him that I have work to do. The same friendly smile bid me a goodbye.

And the next day, Tuesday, the thought of telling him my status as a novice nun crossed my mind when I realized that I could not avoid him. And try as I might, he will not easily give up on me unless I honor the dinner-date promise I made with him. Because there sat on my door's foot was a box with an elaborate ribbon. And when I opened it, I was met with the pure white dress from the expensive shop that first time we met. It was neatly folded and covered in an expensive looking paper.

That was when I reached my breaking point.

I told myself, enough is enough.

"Mr. Bradford?" I opened as greeting to him after hearing that his phone has stopped ringing.

"Yes?" he says on the other line.

"Good morning. This is Amy Reed."

"Oh! Miss Reed! You finally called! Did you like my present?"

I tried to calm myself down – it has been such a long time since I got mad that the feeling seemed foreign to me.

"Mr. Bradford, why on Earth did you give me an exaggeratedly priced dress?"

"I thought you liked that dress?"

He sounded unsure.

"Yes, I might have liked it before, but this is too much. You have seen me asking for donations around New York last Saturday, in my quest to help the less fortunate. What do you think did I feel after receiving a dress that costs ten thousand dollars? How do you think I would feel wearing it?"

A few silent moments passed between us before he spoke again.

"I'm sorry. I just thought you might like it… You seemed different around me lately."

Sighing from my annoyance, I softened my voice when I spoke next.

"I'm sorry, too, for getting mad. I was just tired."

I sat at my bed's foot as I heard Mr. Bradford’s quiet laugh.

"Tired? This early in the morning? What are you, an owl?"

His comment finally brought back my smile.

"There was just something on my mind these past few days, and however hard I try, it kept occupying my thoughts. I feel tired because of it."

"That's not because of me, right?"

I shook my head though he couldn’t see me.

"No. It was because of someone else. But I've got to be honest with you Mr. Bradford…"

"Isaac," he cut me off. "Call me Isaac, please."

"Isaac," I conceded. "The things you have told me a few days ago outside the streets – I think that was Tuesday or Wednesday last week – frightened me off. I was a bit aloof around you because of that. I'm sorry."

There was silence again as he digested my revelation.

"So, I guess that's not a good way of meeting someone, isn't it?"

I chortled.

"No."

"But you see, Miss Reed, I am that same person you met for the first time. It's still with me. I just…" I heard him huff. Even though I couldn’t see him, I imagined him tugging at his hair in frustration.

After a few more tries with no luck, he seemed to finally give up completing his sentence as he said, "Maybe we could talk in person instead?"

Seeing no other way around it, I agreed with him straightaway.

"Alright. Where shall we meet?"

"Great. Uhm. This may sound like I'm forcing you to go out with me, and I know that you know that I hope that's how it is, but, here goes: there's an event I need to attend to this Sunday evening. It's a charity event. For the upper-class people of society. I will be able to explain to you everything there. Please, don't think I'm trying to trap you into anything. I just genuinely wanted you to see it my way. And maybe you'll understand why I am the way I am – why I do all that it takes to get something that I want."

I thought about it for a few brief moments, weighing my options. Even though something in my gut tells me to avoid him, remembering how he smiled as he helped me the first time that we’ve met, and how I see that same smile was still with him, seemed to weigh more than my fear of him. So with that, I reckon it wouldn’t hurt to give him another chance.

"Well, if it's a charity event, I guess that's alright," was my answer after mulling over the circumstances.

"Thank you Miss Reed."

He sounded relieved from the other line. It made me smile again.

"Call me Amy."

"Amy," he answered right away. "One more thing, Amy."

"Yes?"

"I told you that it's for upper-class men, right?"

"Yes."

"Wear that dress."

With that parting line, he hanged up on me as I was once more left in wonder how he could sound so carefree one moment, and then bossy the next.

Did I do the right by agreeing to meet him?

That Sunday, I received another call from Isaac, telling me that he'll send me a stylist for my hair and make-up. I tried to refuse him, telling him it was an unnecessary expenditure, and even asked him if I could return the dress to him. However, he told me that the event requires people to come styled, and also pressed unto me that the dress was mine, and I could do whatever I want with it.

I settled to sell the dress after I used it for the event.

At around four, my stylist finally arrived. He came with a flourish, subtle tendencies of femininity leaking out as he walked into my room, and a voice higher in pitch than that of males. It was apparent that his sexual orientation wasn’t that of a straight male.

I've seen gay people before, have interacted with them a few times myself, but never really spend more than an hour with them. In my religion, gay people weren't truly that accepted. But as I interacted with Chasen, I was made to see things differently.

"Miss Reed, right?"

 "Amy," I nodded before I closed my door and turned to face him.

For a gay man, I didn't expect him to look and act refine. But he does, and was even dressed exactly like a man, wearing a coat and a black pair of shoes.

"What? Your first time to see a gay?"

I blinked twice, caught unawares.

"How did you read my mind?"

"I'm used to that look, Amy. I've received more than a handful of them when I was young. And I still receive them once in a while."

Embarrassed for being one of the people with those look, I turned away from him with my face surely as red as a tomato.

"I'm sorry. I am not used to your gender. I was raised in a convent."

It was then his turn to sound surprised.

"You're a nun?"

"No, no, no, I'm not," I immediately denied, afraid he would ask more and I would have to lie about my true status as a novice nun. But he didn't, and for that I was glad. And instead, he gave me a long response which made a strong impression on me.

"I can see how you would think I am committing a sin for being gay. You were told that way. You grew up thinking there's only men and women. But Amy, I tell you, I've struggled with myself for more than eighteen years.

Imagine yourself caged for forever – could you breathe? I told myself – no, forced myself – over and over to be straight; to like girls. But I never did. And one day, I just thought I can't live like that anymore.

What have I done to deserve it? All the scrutiny, judgements, accusations…

As a kid, I grew up fighting with other kids who tell me I was gay. Why? Because it's the truth. And it was hard to accept it. And they were making fun of the truth like it was a crime.

And so one day, I just snapped. I don't want to hide anymore. I want to live a normal life. I want to get out of my own cage. I want to be loved, and I want to give love in return – not a forced love to a woman, but an unending love. A love where I would give my all.

And so, Amy, I will ask you again. Do you still think I'm committing a sin?"

For a few moments, I was speechless, and was only able to gaze at his deep-blue eyes. Somehow, I understood what he meant.

I could see it in his eyes – his struggles, his fears, his

questions, the unfairness he has received...

And his eyes looked so intelligent, laden with wisdom he acquired from his experiences at such a young age.

And I knew it was right of me not to blindly accept my religion's belief.

This was a good man.

"Everyone commits sins. And everyone is the same in the eyes of God. You are as sinful as the next man I would meet on the streets."

My words earned me an unbalanced smile from him.

"Such a heavy topic for a stranger I just met," he said.

I laughed.

"What can I say? It was a nice way of meeting people."

He stood to walk towards me. Once in front of me, he offered his hand for a hand-shake.

"Hi. I'm Chasen Walls."

I took his outstretched hand.

"Amy. Amy Reed."


(Sorry, the content of this part was removed by the author.)

* * *

Hello! Good day, readers!

Thank you for reading this story titled, "The Confessions of a Novice Nun" The preview of the first part of a pure and damned trilogy, written and created by Trisha Quarts. This novel is originally published online at FanFiction, titled, "The Revelations of An Innocent Mind" and soon to be publish! Sorry, the soft copy of this book is not YET available! ^_*