Friday, April 15, 2016

Sa Jeepney

Nakaupo na ako sa loob ng jeepney nang mabigla ako sa biglaan mong pagdating pero wala nang puwesto para sa iyo. Nakita kong napakalaki na ng ipinagbago mo na halos hindi na kita makilala pero hindi mo naman ako nakita na nakapuwesto pa sa dulo.

Bigla kitang na-miss. Sabik ako sa iyo, alam mo ba iyon? Dalawang taon na tayong hindi nagkikita. At sa mga sandaling nakita kitang umalis at lumipat sa ibang jeepney, nakaramdam ako ng lungkot. Nalungkot ako dahil ganyan mismo ang nangyari sa relasyon natin. Nandoon na nga ako pero hindi mo pa rin ako nakita. Ang masakit, iniwan mo ako at lumipat ka pa sa iba.

Kunsabagay, ang alam mo e wala ka nang puwesto sa jeepney noong hapon na iyon. Pero nagkamali ka! Malaki ang puwesto mo sa jeepney na iyon dahil naroon ako. Naroon ang puso ko, at ikaw pa rin ang magpupuno nito!

Gusto ko pa sanang habulin ka pero bumiyahe na ang sinasakyan kong jeepney. Gusto kitang yakapin. Gusto kitang kausapin, kahit na sinabi mo noong una na ayaw mo na.

Heto lang ang masasabi ko: Kung naririnig mo man ako, sana, lagi kang mag-iingat kahit saan ka man pumunta. Umaasa pa rin ako sa iyo kahit na hindi na iyon mangyayari at sana, sana lang, e magkita tayo muli sa susunod.

Maghihintay ako, pero iiyak na lang muna ako ngayong gabi...

5 comments:

  1. ang daming hugot :) saktong-sakto :)

    ReplyDelete
    Replies
    1. Naging madrama yata ako Jep, pasensya na, haha

      Delete
  2. May kasabihan...if you really meant to each other your road will surely meet no matter how strange the ways are...

    ReplyDelete
  3. add your blog in my blog list..add me too..salamat..

    ReplyDelete
    Replies
    1. Thank you Arvin and welcome to my blog! ^_^

      Delete

Thank you for reading!
Hope to hear from you. Don't forget to share!
Follow us on FeedBurner
Like Jay's Quirky World on Facebook! Thank you! ^_^