Guni-guni
Pagpasok ko sa men's locker room, diretso ako kaagad sa wash area para mag-sepilyo. Habang kinukuskos ko ang kaliwang gilagid, napansin kong may dumaan sa likuran ko, papasok sa isa sa mga cubicles. Hindi ko nakita pero naramdaman ko, medyo nahagip pa nga ng sulok ng mata ko, eh. Sumunod ako sa kanya para umihi. Pero—napansin ko, walang tao sa area. Alam ko dahil nakabukas lahat ng cubicles at iisa lang ang daanan nito kaya imposibleng magkakasalisihan kami. Napagtanto ko: ako lang pala ang tao sa buong locker room. *** Breaktime ng ibang staff. At dahil walang maiiwan sa maliit na opisina sa south post number 13—na tinatawag naming 'pharmacy' dahil, well, mukhang pharmacy—e kailangang magsara ng fan at ilaw para magtipid sa kuryente. Naghahabol ako ng mga document ko kaya para makabuwelo, kinailangan kong magpunta sa pharmacy para uminom nang mabilisan. Pagsampa ko sa hallway ng south post, napansin kong may pumasok sa pharmacy (o parang may pumasok sa pharmacy). Makaraan ...