Posts

Showing posts from February, 2017

Panlasa

"Dude! Kumusta?" "Mabuti! Naks, 'tol, anlaki na ng ipinagbago mo, ah! Looking good boy!" "Syempre! Parang ikaw lang, oh. Gwapings!" "Umi-inspirasyon eh!" "Bakit? Anong meron? Nasan ba si kumare?" "Nasa ibang bansa." "Kailan ang balik?" "Anim na taon pa." "Naku, umi-inspirasyon para mang-araro sa iba!" "Uy, baka marinig ka!" "Sabi na nga ba eh. Kilala ko ba siya? Ingat ka baka mahuli ka dito." "Gago! Hindi mo siya kilala. Isa pa, bakit ka kasi dudumi sa malapit?" "Wow! Galing ng diskarte mo, ah! Kaya idol na idol kita eh!" "Mga gwapings tayo eh. Ano, dating gawi?" "Tangina, p're, hindi ko siya kayang lokohin." "Sino? Girlfriend mo? Putcha, tara, bro! Girlfriend mo pa lang naman eh. Hindi naman niya malalaman kung walang magsasabi, eh. Sa malayo tayo dudumi para hindi maamoy sa malapit!" &qu

Mantika

Image
Iniatras mo ang wedding proposal mo sa akin nang malaman mong hindi ako marunong magluto. Sabi mo, hindi ko kayang ipagluto ka, at ng magiging pamilya natin, ng masasarap na pagkain, di tulad ng ex mong mahal mo pa rin kahit tayong dalawa na ang magkarelasyon. Napakababaw na dahilan iyon upang iwanan mo ako at bumalik ka sa kanya. Hindi ko iyon matanggap. Sobrang sakit. Sa sobrang sama ng loob, pumunta ako sa kusina at nagluto. Muli kong sinariwa ang lahat ng masasakit na sinabi mo sa akin habang ginigisa ko ang malalaman mong karne sa sarili mong mantika, upang gawing sopas, para sa kaibigan kong si ex mong nagtatanong sa akin kung nasaan ka na.