Estranghero

Hinalikan niya ako. Siya ang humalik sa akin at hindi ako. Hindi ko 'yon inaasahan. Iyon ang totoo.

***

Hilong-hilo na ako dahil sa kalasingan nang magpaalam ako sa kanya na sasaglit lang sa CR. Hindi ko alam na nakasunod pala siya sa likuran ko at nagpunta sa kabilang urinal. At habang ako--para hindi matumba sa kinatatayuan--itinungkod ko ang ulo ko sa pader habang umiihi.

Nasalubong ko siya sa pinto. May ka-chat. Nang niyaya ko siyang bumalik, bigla siyang lumapit sa akin saka niya ako hinalikan. Ganoon lang kabilis na hindi ko man lang namalayan. Magaling siyang humalik--mapusok, masarap, at halos ayaw kong bumitiw.

Hinalikan niya ako sa pangalawang pagkakataon. Itinulak niya ako paloob sa CR saka niya ako isinandal sa pader. Bigla akong inakyat ng init habang nakayakap. Nakaramdam ako ng panggigigil at naroon ang excitement.

Pagbitaw, doon ko naalala: in a relationship siya.

***

Siguro, hinalikan niya ako dahil lasing ako (tsismis kasi sa akin ng mga kasamahan niya e may gusto raw siya sa akin kaya pinagsamantalahan ako). O siguro/baka naman dahil sa biniro ko siya habang nasa inuman, "Malandi ako...at pokpok!" pabulong ko sa kanya.

Humalakhak siya nang malakas. Pinagtinginan pa kami ng ibang mga nasa inuman.

Ipinaliwanag ko naman 'yon sa kanya. Ang kuwento ko, may samahan kasi kami ng mga katrabaho ko sa company na kung tawagin ay 'pokpok' dahil pare-pareho kaming marurupok. Nabibigla ang ibang tao na nakakarinig kapag nagtatawagan kami ng 'pokpok' hanggang makilala na nga kami sa ganoong bansag.

"Paparating na ang mga pokpok!" at makikita kami ng ibang tao na nagtatawanan, naghaharutan, at masayang nagsasama.

Sabi ko nga, mga pokpok kami--madaling ma-fall, madaling maniwala at magtiwala, marupok ang damdamin kaya pokpok. Oo, malandi na kung malandi pero hindi puta.

Pero ewan ko lang sa iba kong kasamahan, may ilan talagang sumeseryoso sa pagbabansag nila sa akin bilang pokpok. Akala talaga nila, pokpok ako na puwedeng gamitin ng sinuman pagdating sa sex.

Langya, hindi ganoon.

Sineryoso niya siguro na pokpok ako kaya niya ako nagawang halikan.

Okay.

***

Ang totoo, hindi ko talaga alam kung bakit niya ako hinalikan. Trip niya lang ba? With feelings? Kasi kung currently in a relationship siya, hindi niya dapat ginawa yun. Hindi iyon tama, anuman ang dahilan niya.

Close naman talaga kaming dalawa. Pero pagkatapos ng araw na iyon, hindi ko na siya pinansin. Hindi ko na siya kinikibo. Tipid na akong sumagot kapag nagtatanong siya at hindi ko na siya binabati tuwing magkakasalubong kami. Umiiwas ako kapag paparating siya hanggang sa hindi na ako nagpapakita.

Sa madaling sabi, kinalimutan ko siya.

So, ano ba ang punto ba't ko 'to sinasabi ngayon?

Nagbigla lang ako. Sa tagal ng panahon, bigla ko siyang nakita. Nagpalitan kami ng 'Hi!' nang magkasalubong kami nang di sinasadya sa hallway, mabilisan lang. Hindi ko 'yon inaasahan.

Sa isip ko naman, bigla akong nagtanong: "Ano na kasi ang pangalan niya?"

Comments

  1. I have experienced like these.same scenario, same place, same person...haahahahaA.. (thrilled & feared) and i hope it will happen again...soooonnnnn

    ReplyDelete
    Replies
    1. hello there! thank you for passing by pero hoooyyy! ang lande! hahaha

      Delete
    2. Not too much,, slight lng, my pinagmanahan.....

      Delete
  2. Not too much,, slight....it not usual but good experience, experience to be treasured..msarap n bbalik blikan.

    ReplyDelete
  3. Relate... sonetimes mas my thrill ung nga bagay n hnd mo inaasahan.... mas mganda ang kwento, at hnd mo ito mkklimutan.. tma po sir ROGER..
    MASARAP N BBALIK BLIKAN khit ilang segundo ln...

    ReplyDelete

Post a Comment