Posts

Showing posts with the label Non-fiction

Usad

Pero, hindi. Nagpatuloy ako. Alam ng mga kasamahan ko iyon. Walo kaming magkakasama pero dalawa nga lang ang pumasa. Nakikiramay na sa akin ang isang kasamahan kahit hindi ko pa nakikita ang katotohanan. Paano na niyan? Baka nga hindi para sa akin iyon kaya bakit ko pa susubukan uli? Yung mga sumusuporta sa akin, nag-aabang, nagtatanong, naiirita, at naiinip na sa susunod na mangyayari sa akin. Kailangan kong ipakita sa kanila na may maiaambag na ako para sa sarili ko at para na rin sa kanila sa lalong madaling panahon. Wala na dapat responsibilidad ang mga sumusuporta sa akin kaya hindi na ako nagpatuloy. Iyon na siguro ang pagkakamali ko pero hindi naman ako nagsisi. Tiniis ko ang lahat ng sakit ng mga sinasabi nila sa akin dahil, ano nga naman ang magagawa ko kung wala talaga, diba? Inutil na kung inutil. *** May iba pang option: Mag-AFPTAB sa TRADOC, naipasa. Nag-apply sa TRADOC, sa MECHANIZE, sa INTELLIGENCE, sa ASCOM, sa AIRFORCE, pero wala akong napala. Yung mga huling nag-apply...

2 Valid ID

Initially, any individual who wish to obtain a valid government ID to any government agency here in the Philippines requires 2 valid government issued ID. *** So, kailangan ko ng UMID card para magbukas ng isang bank account. Iyon ang isa sa mga una kong nakitang inirerequire nila. Ang sabi sa akin, iyon lang daw ang madaling gawin. Kailangan nga lang ng request para magawa iyon. Pinili kong lakarin ang UMID card dahil puwede siya sa lahat. Pahirapan ang pagpaalam ko noon sa trabaho kasi, syempre, under ng government ang SSS, nakabukas lang ang opisina nila ng 08:00 to 17:00, sa kaparehong oras ng trabaho ko mula Lunes hanggang Sabado. Ayokong mag-absent pero pinayagan ako kinalaunan. Pagdating ko sa SSS, ang sabi, hindi na raw sila nagbibigay ng UMID card. Nabigla ako, nagtaka. Ang sabi kasi ng kakilala ko, ibinalik na raw nila ang pagbibigay ng UMID card makalipas ang higit isang taon. Hinintay ko iyon. Isang buong taon. Wala lang din naman pala sa huli. Di bale, may option pa: posta...

Pass Muna sa Utang

Image
Hindi ako madamot. Hindi rin naman ako nagdadamot. Alam ko ang pakiramdam ng wala, at alam ko rin ang pakiramdam ng hindi mapagbigyan ng tulong dahil walang-wala. *** Sa kauna-unahang pagkakataon, iyon na ang nasabi ko sa isang kakilala na nanghihiram sa akin ng tulong: "Hindi." Lubog na siya sa iba pa niyang pinagkakautangan, kaya ang solusyon na ginawa niya e putulin na lang ang lahat ng contact niya sa mga ito para hindi na siya singilin: i-block sa messenger, magpalit ng phone number, at umiwas sa madalas nilang dinaraanan para hindi magkasalubungan. Wala siyang pambayad, eh. Anong magagawa natin? Pakiramdam ko, ako na lang ang mag-isang tumutulong sa kanya ng ganito sa kabila ng ganoon niyang ugali. Ang dahilan ko na lang, iyon nga, na alam ko ang pakiramdam ng wala at alam ko rin ang pakiramdam ng hindi mapagbigyan ng tulong dahil walang-wala. Alam ko, dahil naranasan ko iyon mismo sa tatay namin. Balik sa kakilala ko: pinagbibigyan ko pa siya ng kailangan niya kahit pa...

Si Terminal

Image
Si Circuit at Si Junction Trainee pa lang ako nang maka-fling ko ang isang kapwa trainee na itago na lang natin sa pangalang Circuit . Sabi ko sa kanya, huwag niya nang sasabihin sa iba ang kung anuman ang ginagawa naming dalawa—pumupunta sa bahay nila pagkatapos ng trabaho at manlalambot pagkatapos magparaos sa kanya. Wala naman akong naging problema sa kanya kasi nilulunok niya lahat para walang kalat, walang bakas. Nagtagal ang ganoong set-up naming dalawa ng apat na buwan. Kapag nalibugan, sa kanya lang ako nagpaparaos. Kapag gusto niyang sumubo, sasama lang ako sa place niya. Natigil na lang iyon nang sabihin niya sa iba ang tungkol sa ginagawa naming dalawa. Pagsapit ng January 2021, ang sabi niya, nagseselos daw siya dahil crush daw ako ng isa sa mga kasamahan niya sa kabilang variant ng linya namin. Tatawagin na lang natin siya sa pangalang Junction . Hindi ko siya kilala kaya nagkaroon ako ng interest na makilala siya. Alam mo na, to make more friends. Nag-add nga rin pala siy...

Sa Bahay na Ito

Napanaginipan ko kaninang umaga si Pindong—ang tatay kong si 'Daddy Ferds'. Ang eksena, nagkita kami ni Francis Demetilla (na ipinangalan nilang Francis Demetilla Calicdan). Hindi naman inaamin ni Pindong, maging ang mga tiyahin ko at pinsan, kung kapatid ko nga ang nabanggit na dalaga. Yes, babae ang tinutukoy ko ritong Francis Demetilla Calicdan. Kung bakit babae pero bininyagan ng pangalan ng panglalake e hindi ko alam. Kuwento nila yun. Sa panaginip ko, maayos naman daw ang pakikitungo sa akin ng Francis na ito. Nag-uusap kami, masaya. Not until na mapansin ko nga ang maya't maya niyang pag-irap-irap sa akin with no apparent reason hanggang mahinto na lang siya sa ganoong attitude niya nang bulyawan ko siya nang malakas sa mukha niya. Hindi ko pa siya nasasampal sa lagay na iyon, gaya ng walang-awang pananampal na laging ginagawa ni Pindong sa mga ate ko hanggang magdugo. Hindi ako 'against' kay Francis, kapatid ko man siya o hindi. Ampon man siya ni Tito Bong (...

After Grad

Image
Wala na. Iyon lang. Hanggang doon na lang ako. Iyon ang naisip ko. Bigla akong nanibago sa buhay ko. Para akong dinadala sa isang lugar na hindi ko alam kung saan papunta, kung ano nga ba ang naroon sa dulo ng nilalakaran ko na naghihintay sa akin, o kung may hangganan ba ang patutunguhan ko. Wala akong makita sa hinaharap habang parang dumidilim na ang nakaraan. Hanggang dito na lang yata talaga.

Disposable

Nagsimula ang lahat sa straw. "Bakit basa ang loob ng straw?" reklamo ng kasama namin sa serbidora ng school canteen. Wala kaming magawa noong mga panahon na iyon. Palibhasa, malapit na ang bakasyon. Isang subject lang ang pasok namin at dahil hindi pa namin gustong umuwi, tumambay lang muna kami sa school at naglibot sa buong compound. Nakaramdam na kami ng gutom pagsapit ng hapon at nagpasyang magmeryenda sa canteen. At habang sumisipsip na ako ng soft drinks, nagreklamo ang isang kasama: "Bakit basa ang loob ng straw?" Hindi ko na iyon napansin dahil sinaid ko na ang pagsipsip ko kasama pa ang hangin saka ko inilapag ang bote. "Gumagamit ba kayo uli ng mga tinapon na straw?" tanong ng isa. Hindi ko na alam kung ano pa ang idinahilan ng serbidora ng canteen na masyado nang defensive. Kinabukasan, bumili ako ng soft drinks. Kinilatis ko ang straw bago sumipsip. At iyon nga, napansin ko, basa nga ang loob ng straw—tanda iyon na nirecycle: pinulot, hinugasa...

Deco

Image
Internet wifi router—wala akong alam dyan noong una, not until nang magsimula na nga ang test broadcast namin ng wifi rito sa bahay dahil kinailangan na nga namin ng maayos na internet connection, mainly, for communication, online class, streaming, and browsing purposes. Unang Deco wifi unit sa studio ni kuya Ayon sa record, nagsimula ang test broadcast ng internet wifi rito sa bahay gamit ang Globe at Home prepaid, na may wifi name na BACKROOM. Set-up at location ng wifi na BACKROOM sa studio ni kuya Nakalagay ito sa itaas ng aparador doon sa studio ni kuya para malayo at hindi maaabot ng mga malilikot at mapaminsalang pusang pagala-gala lang dito sa bahay. At dahil hindi umaabot ang signal nito hanggang sa first floor, nag-trial din kami ng wifi extender para magkaroon ng wifi signal sa first floor. Ang akala ko noong una, kung ano ang magiging wifi name ng main modem e magiging kapareho na rin ito sa extender. Ang sistema pala nito e kokonekta ang extender sa main wifi name (BACKROO...

Lolo Ben

Lolo Ben, kumusta ka na? Pasensya na kung ngayon lang kitang muling binuhay sa isip ko. Ang tagal na rin kasi mula nang mawala ka. Wala na akong maalala tungkol sa iyo kahit man lang sana kung paano ka magsalita, kumilos, at maging sa hitsura mo. Ang aga mo kasing nawala at ni hindi mo man lang naabutan ang pagbibinata ko. Ayos lang ba sa iyo na tawagin kitang 'Lolo Ben'? Kung oo, matutuwa ako at magiging kumportable ako na makausap ka. Mas astig pakinggan para sa akin, yung para lang tayong tumatagay dyan sa kanto habang dumuduyog sa gitara ng paborito mong kanta. Kung ayaw mo, payagan mo na ako dahil sa nakalipas na panahon, napakarami nang nagbago. Isa pa, hindi yata ako sanay na tawagin kang 'Papang' dahil hindi ko ramdam na mag-apo/mag-lolo tayong dalawa. Gayunpaman, masisiguro ko sa iyo na kahit pa pasmado minsan ang bibig ko e hindi ako gumagawa ng anumang mga bagay na ikapapahamak ng iba. Hindi ko alam kung kilala mo pa ako. Ang sabi kasi ni mama, ako raw ang pa...

Sardinas

HIGH SCHOOL Ang tanong ng teacher namin sa isang kaklaseng babae noon ay, "Paano kung dumating ang sitwasyon kung saan wala na kayong makain at ang inihain lang ng nanay mo ay sardinas, tuyo, at tinapa, kakain ka pa rin ba?" Nagulat ako sa sagot niyang mabilis at malinaw, "I will not eat all she cooked." Para sa akin, malaking bagay na ang magkaroon ng ganoong uri ng pagkain dahil kung babalikan lang natin kung ano ang naging lagay ng buhay namin noon e hindi namin kayang bumili ng ganoong pagkain, kahit sabihin mo pang maraming pera ang tatay kong sundalo. Syempre, napakunot din ng noo ang teacher namin. Hindi niya iyon inaasahan. Palibasa, may matinding galit daw sa nanay itong kaklase namin. *** Maarte at magaslaw ang kaklase kong iyon. Masayahin. Palakaibigan. Nakakatawa. Pareho sila ng kapatid niyang babae. Pero isang araw, dumating sa eskuwehalan namin noon ang nanay niya. Nagtago siya noon pero kinalaunan, sapilitan din silang pinagharap dahil mapilit ang nan...

Home Internet

So, masaya naman ako nitong nakaraang hulyo dahil naging successful ang paga-upgrade ko ng internet dito sa bahay. Sa ngayon, gusto ko lang itong ikuwento at sana, maisulat ko nang maayos dahil hindi na yata ako marunong magkuwento at magsulat. *** Nagsimula ang internet sa bahay noong 2011. Ang main access lang namin dito e ang isang computer desktop. Gamit namin noon ang Fixed wireless type mula sa Globe Tatoo Broadband plan 999 na may bilis na 3 Mbps, at walk in ang paraan ng pagbabayad nito sa mismong store. Nagtagal lang ito ng isang taon bago tuluyang ibalik ang modem sa Globe matapos ang desisyong itigil ang paggamit ng broadband gawa ng financial shortage at palagiang pagkawala ng serbisyo ng internet kahit pa advance ang pagbabayad. Taong 2019 naman ang panahon ng smartphone data. Globe pa rin ang ginagamit na ISP hanggang sumapit ang pandemya ng 2020. Dito na nagsimula ang mobile hotspot and tethering para hindi masayang ang ibang iniregister na data bago ma-expire pero wala ...

Stitches and Burns

Image
Ang sabi niya, nag-iinuman daw sila ng mga pinsan niya. Ipinagpaalam niya pa iyon sa akin bago sila magsimula. Kibit balikat ako dahil, ang naiisip ko, "Bakit kailangan niya pang mag-paalam sa akin na mag-iinuman sila?" Ano niya ba ako? Ano ko ba siya? Dapat ba? May dapat ba kaming linawin sa isa't isa? Maya-maya, nabigla ako nang buksan ko ang chat niya. May binigay siyang short video ng sarili niya, sinasabayan ang kantang "Stitches and Burns" ng Fra Lippo Lippi. Parang nagti-tiktok lang. Now, I don't wanna see you anymore— At doon naputol ang video dahil ilang segundo lang ang itinagal nito. Mukhang may 'tama' na rin yata siya ng alak. Sa kabilang banda, nabigla ako kahit hindi naman dapat. Naisip ko, parang dalawa yata ang ibig niyang sabihin doon pero kinalaunan, hinayaan ko. Oo, may kaunting kirot pero hindi ko na ginawan ng issue. Kasunod nito ang mga chats niya na puro paliwanag, na hindi raw iyon ang ibig niyang sabihin sa akin, na kesyo ...

Hapin’s Net Café

Internet surfing, printing, scanning, at online gaming—ito ang serbisyo ng dakilang internet shop ni Kuya Hapin: ito ang Hapin's Net Café. Nagpapaprint ako ng sarili kong thesis noon nang matuklasan ko ang tagong shop na 'to sa second floor ng isang commercial building, sa tapat lang ng TSU Gymnasium. Punuan kasi noon ang mga printing services ng ibang shop. Dismayado naman ako nang sabihin niyang huminto na siya sa pagp-print dahil mas malakas ang kita niya sa mga naglalaro. Sa halip na umalis, nagpahinga muna ako noon at nag-internet sa nakamamanghang bilis ng kanilang connection na wala sa iba. Mula sa streaming, uploading at downloading…nakakabilib ang bilis! Mula noon, doon na ako tumatambay at nagi-internet. Malaki ang internet shop ni Kuya Hapin. Majority sa mga gumagamit nito ay ang mga computer related at engineering program student sa university namin. Wala silang ibang ginagawa doon kundi ang maglaro ng dota mula sa pagbubukas nito ng alas nueve ng umaga hanggang ala...

Palagi

Image
Kung hindi ako nagkakamali, mabigat na ang pakiramdam ko noong araw na iyon. Hindi ko na sinabi sa kanya na may lagnat ako pero nasa loob ng katawan ko. Ang balak ko sana noong araw na iyon e magpahinga na lang dahil unti-unti nang nagiging ubo ang sipon ko. Napansin ko iyon dahil nangangati na ang lalamunan ko. Ang usapan, magkikita kami ng mga ala seis ng gabi. At dahil hindi ako nakalabas agad dahil sa audit, nakarating ako ng Tarlac sa oras ng alas siyete ng gabi. Hindi pa gaano maganda ang panahon dahil malakas ang hangin at umaambon...na maya-maya'y naging ulan. Doon ko napagtanto ang kahalagahan ng gamit ng payong. Pagtingala ko sa lilim, nakita ko ang dami ng patak ng ulan na naiilawan sa itaas ng isang building sa likod ng bus terminal, sa Siesta Tarlac. At dahil wala akong dalang payong, sinabihan ko na siya na manatili na lang sa bahay nila at huwag nang lumabas. Di baleng ako na lang ang mabasa kaysa siya para hindi na siya magkasakit pa. Nagtanggal ako ng polo para gaw...

Sorry

Mahal ko na siya at ayoko na siyang mawala pa sa akin. Sabi ko nga sa sarili, gagawin ko ang lahat para lang hindi siya magalit o magtampo. Sa huli, hindi rin naging kami. Kasalanan ko. May pagkakamali rin ako. Pero maliit na bagay lang iyon. "Isa pa 'yan," dugtong niya. "Sawang-sawa na ako sa mga 'sorry' mo!" Hindi ako nakapagsalita. Kinuwestiyon ko ang sarili. Ganoon na ba talaga katindi ang kasalanan ko sa kanya? Masama na bang humingi sa kanya ng taos-pusong 'sorry' para lang hindi niya patawarin nang ganoon na lang? "Eh, baka naman kasi sumosobra ka na. Inaraw-araw mo. Nakakasawa rin namang makarinig ng 'sorry' mula sa mga paulit-ulit na pagkakamali," sabi naman ng isang kaibigan. Hanggang sa lumipas nga ang mahabang panahon, hindi ko na binabanggit ang salitang 'sorry' tuwing nagkakamali at siguro, hindi ko na rin alam kung paano at kailan lang ito gagamitin. Pakiramdam ko mula noon, lagi akong mali at bawal ko nan...

Ang Dating Ako

Maraming beses ko nang tinangkang bumalik uli para magsulat. Gusto kong isulat ang lahat ng mga naiisip ko. Kaya lang, narito ako ngayon sa punto ng buhay ko kung saan hindi ko na kayang maglahad ng anumang saloobin kahit isulat man lang sa pamali-maling paraan gamit ang espasyong patapon at naghihingalong pudpod na panulat. Hindi na ako kagaya ng dati kung saan araw-araw may lamang entry ang dati kong journal at/o nagwawaldas ng espasyong ipinagkaloob sa akin ng blog. Gusto ko nang maibalik ang dating ako—ang dating ako na nagmamahal sa pagsusulat at pagbabasa. And also me: *nagsusulat pa nang nagsusulat at nagbabasa pa nang nagbabasa*

Seen 21:46

Image
Kantot, kalimot. Ganyan ang naging set-up naming dalawa. At dalawang beses lang din naman kaming nagkita. Magaling siyang maglaro. At masarap. Nagkaroon ng silbi ang bibig, dila, at lalamunan niya sa pagchupa niya sa akin. Yung tipong, "Tangina, shit! Ang sarap!" at wala akong maisagot kundi puro ungol nang dila-dilaan niya na ang bayag ko. Pagkatapos ng huling gabing iyon, hindi na siya nagparamdam makalipas ang ilang araw. Online siya pero hindi siya nagrereply sa mga chat ko. Inis ako sa mga ganitong kausap. Nagreply naman siya makalipas ang--tangina--isang linggo! Nangungumusta lang. Nang mapahaba ang kuwentuhan, niyaya ko siyang lumabas para makipagkita uli sa kanya. Gusto ko siyang makabonding bilang kaibigan. Malinis ang intensyon ko at walang malisya. Walang kasamang libog. Ayos lang kung food trip lang sa Mcdo o kaya kape lang sana sa Starbucks. Pero, pagkabasa niya ng paanyaya ko sa chat ko, saka naman siya nag-offline. Wala na akong narinig sa kanya mula noon. Syem...

Workloads

Image
"Kuya, diba sa akin ang workloads na 'to?" "Oo," sagot ko. Sasabad ang isa pang operator, "Kuya, diba sa akin ang branch na ito...saka ito?" turo niya sa board at mukhang nagtatalo sila ng isa pang operator na ayaw tumanggap ng workloads. "Hindi, sa kanya iyan. Heto, oh," at itinuro ko ang nakalagay sa draft ng instruction sheet (o I.S.) na hawak ko. "Kuya," reklamo ng isa niyang kasamang ayaw tumanggap ng workload. "Hindi 'yan sa akin! Wala naman dito sa I.S. ko!" Paliwanag ko, "Sa iyo yan, hindi pa nga lang updated ang IS. Bukas ko pa lang mai-issue ang bago pero ngayon pa lang, gawin mo na para makabisado mo na." "Hindi puwede!" nagprotesta siya. "Hindi ko muna 'yan gagawin kung wala pa sa I.S. ko!" Nagulat ako sa inasta ng operator at nakaramdam ako ng tensyon sa pagitan naming dalawa. Gusto ko siyang patulan pero nagpigil ako. Hinayaan ko na lang na umakyat hanggang sa mukha ko an...

Siomai

Image
March 2021 Linggo. Pinasyalan ko si Nelson sa dorm niya sa San Miguel (noong maayos pa kaming dalawa). Bumili kami ng siomai. Pulutan man lang namin habang magkasama kaming dalawa. At doon ako nabigla sa kanya: ayaw niya raw ng maanghang! Tinignan ko siya ng taas-baba. Naisip ko, napakaarte niya! At nang magpantay ang paningin namin, doon ko siya sinabihang "weak!" pero sa isip ko lang iyon. Ayoko siyang magalit sa akin. Ayoko siyang mawala sa akin. Wala lang. Binanggit ko lang, bakit ba? The end. March 2008 Vacant time. Hindi ko alam kung bakit wala at saang lupalop naglungga ang mga teacher namin. Wala kaming magawa kaya nakipagdaldalan ako sa kaklase kong babae. Naroon kami sa canteen, nakikipagkuwentuhan din sa kaibigan naming serbidora. Sabi ng kaklase kong babae, ililibre niya raw ako ng siomai. Sakto namang hindi ako nakakain ng tanghalian gawa nga ng naipambayad ko ang allowance ko sa walang silbing tiket ng isang walang silbing pelikula. Bumili siya ng isang order. N...

Estranghero

Hinalikan niya ako. Siya ang humalik sa akin at hindi ako. Hindi ko 'yon inaasahan. Iyon ang totoo. *** Hilong-hilo na ako dahil sa kalasingan nang magpaalam ako sa kanya na sasaglit lang sa CR. Hindi ko alam na nakasunod pala siya sa likuran ko at nagpunta sa kabilang urinal. At habang ako--para hindi matumba sa kinatatayuan--itinungkod ko ang ulo ko sa pader habang umiihi. Nasalubong ko siya sa pinto. May ka-chat. Nang niyaya ko siyang bumalik, bigla siyang lumapit sa akin saka niya ako hinalikan. Ganoon lang kabilis na hindi ko man lang namalayan. Magaling siyang humalik--mapusok, masarap, at halos ayaw kong bumitiw. Hinalikan niya ako sa pangalawang pagkakataon. Itinulak niya ako paloob sa CR saka niya ako isinandal sa pader. Bigla akong inakyat ng init habang nakayakap. Nakaramdam ako ng panggigigil at naroon ang excitement. Pagbitaw, doon ko naalala: in a relationship siya. *** Siguro, hinalikan niya ako dahil lasing ako (tsismis kasi sa akin ng mga kasamahan niya e may gusto...