Crush Kita

Habang nakikinig sa OPM Playlist, narinig ko ang kantang Crush Kita ng Sexbom Girls. Sa mga sandaling iyon, bigla kitang naalala.

Crush kita (crush, crush)
Ako'y magpapakipot pa ba? (Oh, baby)
Type kita (alright)
Ang puso ko'y nabihag mo na
Loves na kita
At sana'y loves mo rin akong talaga

***

Third quarter iyon, free time natin, sa isang private school kung saan tayo nag-graduate.

Hinila ka ng mga magaganda nating kaklaseng babae. Dinala ka nila sa harap ng classroom at pinatayo sa gitna. Nakangiti ka lang, nakatakip pa nga yung panyo mo sa bibig mo tapos nahihiya ka. Tapos yung panyo mo, BENCH checkered brown with blue highlight (pag-aari mo pa rin ba iyon hanggang ngayon?).

Nakakatawa ako. Isipin mo, magdadalawang dekada na iyon, akalain mong natatandaan ko pa rin? Malamang, wala ka nang natatandaan kaya ipaparanas ko sa 'yo kung gaano ka-traydor ng alaala. Seat back and relax, ipapaalala ko sa iyo lahat.

Pinalibutan ka ng tatlong chikas ng section natin. Kinakantahan ka nila ng Crush Kita ng Sexbom Girls. Yung unang chika, punyeta. Hindi makabasag-pinggan, pero nagawang humataw sa kembutan! Nasa gilid mo siya sa kaliwa mo.

Sabi nga ng kabatch natin na nakita ko sa Starbucks, Kung sino pa ang malakas maka-dalagang Filipina sa section natin, e siya pa ang unang naglandi sa buong batch (natin). Pero teka lang ha, hindi ito nagmula sa akin. Ito kasi ang sinabi ng may crush sa iyo na si Singkit.

May galit sa iyo si Singkit, alam mo ba yun? Malamang, hindi. Hindi mo siya pinapansin dahil yung atensyon mo, nasa crush mong si Pinggan. Patay na patay ka sa kanya noong panahon natin hanggang sa ipinaalam mo na nga iyon sa amin ng mga kaklase mong lalake.

Hindi mo napansin ang pagtingin sa iyo ni Singkit. Sa totoo lang, sobra siyang nasaktan dahil sa iyo. Hindi mo sinuklian ang feelings niya sa iyo pero anong magagawa mo? Wala ka namang alam na may gusto siya sa iyo.

Oo, ako lang din naman ang nakakaalam ng pagtingin ni Singkit sa iyo. Sa tuwing nakikita niya na magkasama kayo noon sa klase, lumalapit siya sa akin para maglabas ng sama ng loob, na kesyo nagseselos daw siya, na kesyo hindi rin kayo magtatagal sa huli, at marami pang iba.

Alam mo napagtanto ko, na dahil dyan sa lintik na krash-krash na 'yan, nagkakaroon ka ng kasalanang hindi mo naman alam. Nakakatakot. Nakakapraning. Hindi mo masuklian ang feelings nila para sa 'yo kasi wala ka namang alam na gusto ka nila. Saksi ako sa mga pagtingin ni Singkit para sa iyo at isinumpa ka niya.

***

Maiba nga muna tayo: naaalala mo pa ba si Rodrigo Jr.? Nang sabihin mo sa aming mga kalase mong lalake na may gusto ka kay Pinggan, nahuli ko namang umiiyak noon sa rooftop ng school itong si Rodrie Boy nang minsang magyo-yosi sana akong mag-isa (nandun siya sa itaas ng water tank, sa gilid ng platform). Natakot ako sa kanya noong una pero kinausap niya ako. Tapos, inamin niya sa akin na na-hurt mo raw pala itong puso niya dahil kay Pinggan. Sa madaling sabi, crush ka rin pala ng bakla!

Rebelasyon!

Punyeta siya! Ang lakas niyang bugbugin ako sa klase, mambully ng mga mahihina, at iniilagan ng lahat pero malambot din pala! Pero kinailangan kong itago 'yon dahil, alam mo naman ang pamilya ni Rodie Boy, diba: relihyoso, konserbatibo, at unico ijo (de puta) siya ng sundalong ama at inaasahan ding susunod sa yapak ng militar na ama.

Kaya kahit tinatarantado ako ng gagong 'to, na kahit may dahilan na ako para gantihan siya sa mga bullshitan niya sa akin, well, mahal ko pa rin ang bully na 'to tulad ng pagmamahal ko sa buong batch natin, alam mo 'yan. Saka mula nang matuklasan ko ang tungkol kay Rodie boy e naging mabuti ang pakikitungo niya sa akin. Bumait.

***

Tapos (balik na tayo haha), yung sumunod kay Singkit, si Morena Girl. Natatandaan mo pa ba siya? Siya yung babae na katawan niya lang ang habol mo sa kanya (awkward, sorry na). Oo nga naman kasi; mabait siya, malaki ang suso at puwet, matambok ang ano, at makinis pa ang balat. Mukha na nga siyang college noon, diba? Pero maganda!

Naaalala ko pa, na ikinuwento mo sa amin na nahuli kayo ng daddy mo na nags-sex kayo nitong si Morena Girl sa kuwarto mo. Tapos, napangiti si daddy mo (yung pilyong ngiti ni Sir Robert, ang daddy mo) at nag-sorry dahil ginulat at naistorbo niya kayo. Kinabukasan, masaya siya para sa iyo dahil binata ka na raw at dinagdagan pa ang allowance mo. Nagtataka naman sa inyo ang mommy mo. Sabi mo, tatlong beses na kayong nagsesex.

Tapos, noong sinabi mong hindi mo na gusto itong si Morena, nakita ko sa backstage ng theater arts na sinampal ka niya dahil sawang-sawa ka na sa katawan niya. Natatandaan ko, araw pa iyon ng rehearsal natin sa graduation.

Nabigla kami ni Singkit (hindi ko alam na nasa likod ko na pala siya!) nang marinig namin sa inyo ang lahat. Papunta sana ako noon sa audio room para humiram ng kopya ng Glowing Inside ni Nikki Gil for graduation song saka napangiti nang bahagya si Singkit nang makita niya ang buong eksena.

Anong nangyari pagkatapos?

Ayun, siniraan ka ni Singkit kay Pinggan. Siya ang nagsabi na patay na patay ka kay Pinggan at sinabi niya ang lahat ng mga narinig niya tungkol sa inyong dalawa ni Morena. Sa huli, iniiwasan ka na niya. Saka, alam mo ba? Na may gusto rin pala sa iyo si Pinggan! Hindi niya lang masabi sa iyo kasi nahihiya siya sa iyo pero okay na rin na hindi naging kayo dahil sa inyo ni Morena.

Deserve! sabi sa akin ni Singkit.

***

Sa lahat ng babae sa batch natin, silang tatlo ang pinakaremarkable sa buhay mo. Ang ganda mo kasing lalake...noon. Iyon bang irresistible. Anak ka nga talaga ni Sir Robert. Nag-uusap pa ba sila ng dati niyang kalaguyo? Yung secretary ng PTA ng classroom natin? Naalala ko, ang ganda ng secretary na iyon at sexy, diba nanay yun ng kaklase nating mukhang asong kalye--si Pakak? Tangina, ang ganda ng nanay pero ang pangit ng anak!

Natatawa ako dahil, malamang, nahihiwagaan ka kung bakit ko alam ang lahat sa iyo. Magtataka ka pa ba? Ako ang stalker mo noon dahil crush din kasi kita...noon. Lagi akong nakatago at nakasunod sa anino mo. Pero iniwasan na rin kita nang malaman kong mayroon na palang namamagitan sa inyo ni Rodrie Boy after grad. Well, hindi na masama.

Napasulat ako ng tungkol sa iyo dahil nga narinig ko ang kantang "Crush Kita" ng Sexbom Girls. Natutuwa ako dahil makalipas nga ang mahabang panahon (actually, dekada), e masaya na kayong nagsasama at tanggap na ng kanya-kanyang pamilya. Ayan. Ayan ang ikinuwento sa akin ni Singkit. Kitang-kita ko sa inyong dalawa na masaya kayo.

Sorry, kinalkal ko profile mo sa Facebook at Instagram. Ang sweet ninyong couple and hey! Gumwapo kayo lalo! Naks! Sana all! Love wins!


Pinakinggan ko uli ang Crush Kita ng Sexbom Girls. Alam mo bang sila lang ang paborito kong original girl group?

Comments

  1. Crush din kita...kya lngbang problema hnd mo ito nabigyan ng pansin... s iba k parin nkatingin..ang hnd mo alam nsa hrap mo m pla ang TUNAY n nagmmahal sau..hnd mo ramdam kc my pagkamanhid...totoo yan minahal ng sobra...

    ReplyDelete

Post a Comment