Pokpok

PÓK·PÓK [/'pok.pok/] n. lalake o babaeng binabayaran upang makipagtalik

Ito ang kahulugan na nakuha ko mula sa diksiyonaryo.ph. Singkahulugan ng salitang puta, na pareho ang gamit at kahulugan mula sa wikang Kastila.

Bitch! Whore!

Wala lang. Nabanggit ko lang, bakit ba?!

***

Pokpok. As in 'pokpok' ng martilyo't pako. Doon ko iyon unang narinig. Halimbawa: "Pukpukin mo!"

***

Elementary ako noon, kasama ang kalaro kong pasmado ang bibig na namana niya sa nanay niyang tsismosa, nang una kong marinig mula sa kanya ang salitang pokpok. Malay ko bang may iba pa palang kahulugan ang salitang pokpok. Salamat na rin sa kanya dahil lumawak ang vocabulary ko.

Well, iyon ang sabi niya sa isa naming kaibigan. Nag-aaway sila dahil sapawan sila noon sa sayawan ng The Spageti Song ng The Sexbom Girls at natalo ang isang pikon. Doon niya ito sinabihang pokpok.

May basehan daw. Madalas kasi siyang sumasama sa grupo namin ng mga lalake at wala siyang paki kahit pa mahawak-hawakan namin ang suso niyang papaalsa. Alam mo na, nagdadalaga. At sa aming lahat, lagi niyang dinidikitan ang isa naming barkada--yung medyo may kaguwapuhan--kaya binigyan niya ng malisya. Iyon ang basehan niya para tawagin itong pokpok pero hindi nito napatunayan.

Pero ang totoo, siya mismo ang may gusto sa kaibigan naming lalake. Alam mo na, "projection." Style niya, bulok!

***

Inireklamo ako ni Kweng-Kweng sa harap ng nanlilimahid na chairwoman ng barangay noon. Sinabihan ko raw siyang pokpok noong gabi na namemerhuwisyo sila habang nahihimbing na ang lahat sa tulog (ang ingay niya kaya!). Natatandaan ko pa: wala akong sinabihan sa kanila na pokpok sila.

Saka isa pa, hindi ako sang-ayon sa follow-up statement niya na "Matino akong babae!"

Talaga ba?

Okay, given na hindi nga siya pokpok pero isipin mo: alas onse na ng gabi, nasa labas siya ng bahay, nag-iingay siya with no apparent reason. Ganoon ba ang depinisyon niya ng matinong babae? Na kung makahalakhak siya noong gabing iyon e akala mo na may lalakeng nanglalamukos sa katawan niya? Ganoon ba ang gawain ng isang matinong babae?

Pati tatay niya, kukuwestiyunin mo kung bakit naging sundalo siya at hindi niya madisiplinahan ang anak. Babae pa man din.

Pinagkaisahan ako sa barangay hall (habang may mga usisera), na kesyo ang sarap ko raw upakan, na kesyo hindi raw ako pinalaki nang maayos ng mga magulang ko, na hindi raw ako tinuturuan ng magandang asal sa bastos na matatanda...pero lahat ng mga nagsabi nito e mukha nang imburnal ngayon ng mga mas mahirap pa sa kanila.

Wala lang. Bigla ko lang uli naalala ang kuwentong ito nang dahil sa salitang 'pokpok.' Putang ina niya, hindi ko siya sinabihang pokpok! Pero kung iyon ang tingin niya sa sarili niya at kung paninindigan niya pa rin na sinabihan ko siyang 'pokpok' e sige na, pagbigyan na natin at bahala na siya sa buhay niya!

Pokpok na kung pokpok, edi pokpok siya!

***

Nang dahil sa mga kapitbahay naming Bisaya, nalaman ko na ang katumbas pala sa kanila ng pokpok ay burikat, pero ang tamang baybay at bigkas pala nito ayon sa diksiyonaryo.ph ay burikak [/'bu·ri·kák/].

***

JOHN, THE POKPOK
"Huy!, broken daw si John. Niloko siya ng kalinya niyang operator na may boyfriend palang iba!"

"Pinagsabihan na ni Joey iyang si John na dapat, iwasan niya na ang taong iyon kasi nga, in a relationship na. Ayaw pang maniwala, hinabol niya pa at ang tanga lang!"

"Hindi ko siya masisisi. Nginitian lang siya ng tao, ayun, bumigay na agad ang hitad na John!"

"Marupok!"

"Tama! Tama! Presenting: John, the pokpok!"

Nasa assembly board ako noon at muntik kong ilatigo sa kanila ang harness na hawak ko pagkarinig ko ng usapan nila.

Ako?! Tinawag nilang pokpok?! Hindi ko matanggap! (konti lang, haha)

The End.

***

"Aubrey, walang nagmamahal sa iyo, eh, kasi pokpok ka. Pero kahit na pokpok ka, mamahalin kita."
—Boyet*

*from My Special Tatay, 2018
GMA Network, Inc.

***

May aaminin ako: crush ko si Vanessa.

Operator pa ako noon, sa Kawasaki, doon sa plant 2, nang makilala ko si Vanessa. Taping ako noon at layout siya.

Crush ko siya noon dahil maganda siya. Pero nawala na lang iyon nang malaman kong kasal na pala siya kay Daddeh Daguio. She was a jolly one way back then.

Napapansin ko lang siya noon sa kabilang linya, sa 97,98. Siya ang unang kumausap sa akin nang mapadpad siya sa linya namin, sa 38,39.

At--nabigla ako nang tawagin niya akong pokpok. Nangyari iyon nang una kaming magkita at magkausap. Hindi ko alam kung bakit niya ako tinawag nang ganoon.

Tinanong ko ang sarili ko kung bakit niya ako tinawag na pokpok. Dahil ba sa hitsura ko? Sa kilos ko? Sa mga kuwento na narinig niya mula sa iba? Ano ba ang basehan niya? Teka, may problema ba siya sa akin?!

Hanggang sa yung isa e tinawag niya ring pokpok, pati ang isa, at ang isa, at isa pa. Naghaharutan sila at nagtatawanan ang mga pokpok. Iyon pala 'yon!

At mula noon, pokpok na ang tawagan namin ni Vanessa sa isa't isa.

***

Napasulat ako ng tungkol sa pokpok dahil habang nakikinig ng music e tumugtog ang kantang The Spageti Song ng The Sexbom Girls.


Si Tita Marissa, ang tiyahin ko sa father side. Kapag naririnig ko ang kantang The Spageti Song, siya ang una kong naaalala. Natutuwa at natatawa ako kapag iniisip ko ito.

Matagal na iyon, taong 2003. Bagong labas pa lang yata noon ang kantang The Spageti Song nang tumawag siya sa akin sa telepono. Tinanong niya ako noon kung alam ko raw ba ang kantang ito then I said, no. Sinampolan niya pa nga ako noon sa telepono (beh, kinanta niya at hindi niya sinayaw!) pero hindi ako familliar! Sabi niya, malalaman ko rin daw iyon kaya abangan ko raw sa radyo.

After a day, yung kaibigan kong si Titoy, kinakanta at sinasayaw niya na ang The Spageti Song doon sa kanto namin. Punyeta siya! Napakatigasin niyang lalake, ang galing niyang humataw sa gilingan! Mukhang praktisado.

Hanggang sa napanood ko na nga ang music video nito sa kapitbahay naming tsismosa at doon ko naunawaan ang lahat. Sabi ko, proud ako sa sarili ko dahil may tiyahin ako na nag-update sa akin na may ganitong kantahan na puwedeng sabayan ng sayawan. Feeling ko tuloy, noon pa lang, mayroon na akong "very supportive tita" sa mga kalandian ko. Alam kong ikinahihiya ako ng daddy ko pero daddy ko mismo, malandi! (sorry, dad! like father, like son!)

Kaya nga nang magkaroon ng showdown ang mga kaibigan ko at natalo ang isang pikon, doon niya ito sinabihang pokpok. Nagsabunutan silang dalawa noon sa kabilang kanto at nagkalmutan...well, nang dahil lang naman sa sapawan ng kung sino ang mas magaling sa pagsayaw ng The Spageti Song at kung sino ang pokpok.

Ang tanong ay...sinasayaw ko rin ba? Yes! It's a yes!

Pero kasalanan ito ng The Sexbom Girls! Sila ang puno't dulo ng gulong iyon!

***

"John, may nagsabi rito na napakaraming lalake at bakla raw ang naghahabol sa iyo, totoo ba?"

"Oo naman," sagot ko. "Syempre, malandi ako. Pokpok ako!"

*mic drop*

Comments

  1. For me..Pok Pok is not bad as long as u know place and how u act on it...
    Syang nga ksi hnd ko naipadama sau ung pagkapokpok,, ...o maaring kulang ung ipinadma ko sau o hnd ko nsabi n mhal n nready n ako s commitment.. syang at hnd k nkpaghintay o hnd mo nhintay ung pagttapat ko n MAHAL KITA...tnong ko tuloy s sarili....san ako nagkulang at hnd mo iyo narramdaman n MAHAL KITA.. o sadyang were not meant to each other.. but any way thank u ..alam meron knang iba... but still
    I'M HERE TO LOVE U MORE...
    I LOVE U...

    ReplyDelete
    Replies
    1. pakilala po kayo malay nyo naman po🥰

      Delete

Post a Comment