Ang Dating Ako

Maraming beses ko nang tinangkang bumalik uli para magsulat. Gusto kong isulat ang lahat ng mga naiisip ko. Kaya lang, narito ako ngayon sa punto ng buhay ko kung saan hindi ko na kayang maglahad ng anumang saloobin kahit isulat man lang sa pamali-maling paraan gamit ang espasyong patapon at naghihingalong pudpod na panulat. Hindi na ako kagaya ng dati kung saan araw-araw may lamang entry ang dati kong journal at/o nagwawaldas ng espasyong ipinagkaloob sa akin ng blog. Gusto ko nang maibalik ang dating ako—ang dating ako na nagmamahal sa pagsusulat at pagbabasa.

And also me: *nagsusulat pa nang nagsusulat at nagbabasa pa nang nagbabasa*

Comments

  1. Hello LOVE...musta n..mtagal n taung hnd nagkita... miss n miss n kita... still LOVE U... and always LOVE U..HANGGANG MULI...

    ReplyDelete

Post a Comment