Nangungulila Ako
May isang maliit na batang babae. Nakatira siya sa isang malaking bahay na nadadaanan ko papunta sa boarding house kung saan ako mag-isang pansamantalang nangungupahan. Hindi siya nag-iisa. Lagi niyang kasama ang kanyang lola na nag-aalaga sa kanya. Inuubos nila ang buong maghapon sa ilalim ng mga puno ng dalandan sa tapat mismo ng kanilang bahay. Ayon sa mga narinig ko, nag-iisang anak lang daw siya ng mga magulang niyang kahit minsan ay hindi ko pa nakita (o namukhaan) sa personal. Hindi na ako nag-usisa pa tungkol doon. Madalas ko siyang makita tuwing hapon. Nag-aaral siyang magbilang sa Ingles gamit ang pagbibilang ng mga bunga ng dalandan sa puno. Tuwang-tuwa siya dahil 'achievement' na para sa kanya ang magbilang ng 1 to 10. At kapag napapansin niyang napapadaan ako, lagi niya akong tinatawag na 'kuya!' Kitang-kita ko sa kanya na natutuwa siya tuwing makikita niya ako. Ngumingiti lang ako lalo na kapag tumingin na ang lola niya sa akin. At pagkatapos, doon