Posts

Showing posts from December, 2020

Alas Tres

Alas tres na naman ng hapon. At tulad ng inaasahan, maririnig na naman ang sigaw ng isang dalaga sa ward 6--kung saan ako nakadestino. Lagi niyang isinisigaw ang pangalan ng isang babae. Para siyang nagmamakaawa o umiiyak, o ewan...basta, ramdam sa matinis nitong boses ang matinding lungkot. Ang sabi ng isang kasamahan, tatlong buwan na raw siyang ganyan. Araw-araw iyon, laging tumataon sa panalangin tuwing alas tres ng hapon. "Masasanay ka rin sa kanya," dugtong niya. Araw-araw, tuwing sasapit ang oras ng alas tres ng hapon, walang palya, sumisigaw ang dalaga. Para siyang time indicator o kaya alarm clock. Minsan, malaki ang tulong niya sa tulad kong walang relo dahil may mga inaasikaso ako na kailangan kong tapusin bago mag-alas tres ng hapon. At kapag sumigaw na siya at hindi pa ako natapos, patay ako. Pero madalas, hindi ako natutuwa. Sino nga naman kasi ang matutuwang makakita ng isang dalaga na sumisigaw na halos mabasag ang lalamunan, umiiyak at nagmamakaawa. Para pang