Posts

Showing posts from March, 2015

High Blood

"High blood po ako," sabi ni alyas Bato, isang trabahador sa kumpanya namin, pagpasok niya sa clinic. Agad ko siyang kinuhanan ng blood pressure pero wala akong ma-detect. Malagkit lang ang tingin niya sa akin habang pigil ang hininga nito. Ipinagpahinga ko siya nang sandali at muling kinuhanan ng blood pressure. Wala pa rin. Weird. Sa buong buhay ko, siya ang unang kaso na hindi ko makuhanan ng blood pressure. Nakatingin lang siya sa akin. Malagkit. Hindi ako makakilos nang maayos lalo pa't kaming dalawa lang ang magkasama sa buong clinic. Nagpatuloy muli ako sa pagkuha ng blood pressure niya pero wala talaga. Napansin ko na wala rin siyang reaksyon. Parang walang pakiramdam. "Mukhang maayos naman ang lagay mo. Magpahinga ka na lang muna bago magtrabaho." Hindi siya sumagot. Nagkataong bumukas ang pinto at pumasok ang kasamahang nars. Lumabas naman si Bato, ang kinukuhanan ko ng blood pressure, na hindi man lang nagpaalam. "Good morning!" bati niya. &