Privacy

Ang blog site na ito ay bukas para sa lahat. Maaaring puntahan ang blog site na ito sa pamamagitan ng 1) resulta ng anumang online search engine gaya ng Google, Yahoo, Bing at iba pa, at 2) ang pag-enter ng link address nito (https://jaysquirkyworld.blogspot.com/) sa anumang browser.

Iginagalang nito ang anumang privacy ng sinumang indibidwal subalit hindi maaaring gamitin ng sinuman ang buo o anumang bahagi ng blog site na ito—gayundin ang pangalan ng may-ari nito—sa anumang ipinagbabawal o ilegal na paraan, para sa kapakanan ng ibang indibidwal, sa may-ari, at sa buong blog site na ito.

Tanging blog post lamang ang maibibigay ng blog site na ito at wala nang iba.

Ang kinokolekta ng blog site na ito ay ang mga komento lamang (wala nang iba) sa pamamagitan ng pagla-log in ng mga rehistradong mambabasa. Bagaman maaari ding gamitin ng sinuman ang 'Anonymous' identification sa bawat post, ay hindi ito kikilalanin ng blog site na ito at ng may-ari upang mangolekta ng mga pribadong impormasyon.

Malaya rin ang mga rehistradong mambabasa—maliban sa mga gumagamit ng 'Anonymous'—na burahin ang kanilang mga komento sa bawat blog post ng blog na ito sa anumang oras at walang abiso sa may-ari at/o sa blog site na ito.

Ang blog site na ito ay mahigpit na hindi humihingi ng mga maseselang impormasyon—tulad ng mga username, password, MPIN, OTP, at iba pa—ng anumang electronic account ng sinumang indibidwal. Ang blog site na ito, maging ang may-ari, ay hindi interesado sa anumang pribadong impormasyon ng sinumang indibidwal.

Anumang mga pribadong impormasyon ng sinumang indibidwal mula sa mga komento at sa email—mula sa mga registered man o anonymous—ay hindi kikilalanin o kokolektahin ng blog site na ito.

Hindi rin kailangan ng blog site na ito ang anumang mga ilegal na spams dahil walang-awa itong tatanggalin ng blog site owner nang walang abiso at hindi rin ito nagbibigay ng anumang mga promotions at spams sa mga mambabasa.

Upang mapabuti ang serbisyo, ang blog site na ito ay gumagamit ng mga cookies. Ito ay 1) upang makilala ang mga registered user sa pamamagitan ng kanilang pagla-log in para sa pagkokomento, at 2) malaman kung anong mga pahina ang kanilang binisita (for registered and anonymous).

Tanging ang admin lamang ang maaaring makakita ng blog traffic report sa pamamagitan ng Google Analytics na hindi kailanman ilalabas o ipapakita sa publiko.