About

Kumusta? Ito po si Kuya Jay. Welcome po to my humble blog!

Nagtapos ako ng isang behavioral-related program sa Tarlac State University at kasalukuyang naninirahan sa San Miguel, Tarlac.

Nagsimula akong matutong maglibang sa pagbabasa ng libro noong 4th year high.

Nagkaroon ako ng kauna-unahang babasahing libro pagsapit noong college sa tulong ng pag-iipon ng school allowance. At nang dahil sa pagbabasa ko ng mga libro, doon ko sinubukang magkuwento sa pamamagitan ng pagsusulat.

Nakahiligan ko ang pagbabasa, lalo na sa mga librong FilipiƱana. Sa isang buong taon, madalang lang akong makabili ng libro. Maliban sa libangan, nagkakaroon ako ng "peace of mind" kapag nakakapagbasa.

Hindi ako nag-aral ng anumang pormal na programa sa pagsusulat. Nagsusulat ako para magkuwento ng kahit ano, at syempre, para magkaroon na rin ng kausap. Filipino ang gamit kong wika kapag nagsusulat at patuloy pang natututo mula sa mga Filipino writers.

Nagbabasa ako ng mga libro, eBook, online articles, blog post ng mga kapwa blogger, journals and research, at mga dyaryo at magazines (kapag wala akong maisulat) lalo na kung interesante ang paksa.

Nagsusulat naman ako kapag walang mabasa. Depende sa oras, lugar, emosyon, sipag, at "inspirasyon," lagi akong may dalang ballpen at mamumulot lang ng kahit anong papel o karton para lang may mapagsulatan.

Kung parehong walang mabasa at maisulat, nakikinig na lang ako ng mga music. Mahilig akong makinig ng mga luma at bagong kanta mula OPM hanggang sa mga Western, European, at Asian music para magpalipas ng oras.

Mula sa mumurahing notebook at pagkatuto sa word processing app patungo sa wattpad, natuklasan ko ang blogger at nabuo ang ideya ng Jay's Quirky World blog na hinango mula sa isang panaginip. Maliban sa personal blog, naging online tambakan na ito ng mga isinusulat ko.

Bukas ang blog na ito para sa lahat, kaya welcome po to my humble blog! Welcome to Jay's Quirky World!