Posts

Showing posts from December, 2017

Manhid

Pasko pala noong Lunes. Walang lungkot, walang saya. Nakakabingi ang katahimikan. Noong araw na iyon pakiramdam ko, isa lang itong ordinaryong araw para sa akin. Simple lang at hindi espesyal. Normal. Bigla kong naisip, napakabilis naman yata ng panahon. Hindi ko man lang namalayan. At lalong hindi ko rin maramdaman. Maghapon na lang akong nagbasa ng libro at natulog noong araw na iyon pagkatapos magluto ng pang-noche buena. Ilang oras na lang ay sasapit na ang bagong taon. Pero, gaya ng nagdaang pasko, hindi ko rin maramdaman ang paparating na bagong taon.