Isang Piling Seresa Para kay Annabelle

Isang hapon, magkasama kaming dalawa ni Ajin. Nagkita kami at tumambay sa lilim ng puno ng seresa at kadalasan, doon namin inuubos ang oras namin sa maghapon. Hindi naman kami nagsasawa dahil minsan, kasama rin namin ang ibang kaibigan at doon kami madalas magkasiyahan tuwing siestahan, araw-araw.

SeresaMahilig din kaming mamitas at kumain ng matamis na seresa. Pinipili namin yung mga bunga na medyo mamula-mula hanggang sa pulang-pula (yung tipong mahanginan lang ang sanga ay malalaglag na ang bunga sa sobrang pagkahinog). Minsan, mag-aagawan pa kaming dalawa ni Ajin sa pagpitas sa itaas ng puno at madalas, inaakyat namin ang pinakatuktok ng puno para tanawin ang ibabaw ng bubong ng mga bahay habang sumasalambitin sa maninipis na sanga.

Hindi namin kasundo si Annabelle noon pero gusto na namin sa kanya makipag-ayos. Doon naisip ni Ajin na kumuha ng piling bunga ng seresa (yung may tangkay pa) para ibigay kay Annabelle (iyon kasi ang pinakapaborito niya, ayaw niya ng pula lang, ang gusto niya ay pulang-pula) bilang 'peace offering' at saka niya naman itong tinanggap at kinain.

Kung babalikan natin ang mga nangyari noong bata pa kami, natatandaan kong naiinis ako kay Ajin dahil siya ang nakaisip ng ideyang iyon. At nakakatawa na rin dahil iyon ang patunay ng kanyang kasutilan... naming dalawa, noong bata pa kami. Alam ko kasi na hanggang ngayon, hindi pa rin nalalaman ni Annabelle na yung kinain niyang seresa noon ay isinawsaw muna ni Ajin sa mabahong kanal ng pozonegro bago niya kinain.

Comments

  1. hanggang ngayon minsan kumakain pa rin ako niyan....maraming bata talaga ang may gusto niyan..pansin ko matibay din na puno kasi pag bagyo yolanda marami ang ganyan na malaki na puno ang hindi natumba....

    ReplyDelete
    Replies
    1. Hahaha maraming ganito ngayon sa harap ng bahay namin. Ipinapakain lang namin sa mga aso namin tapos namimitas din pati yung mga nagt-training na sundalo kapag daraan sila hehe

      Delete

Post a Comment