Ugaling Animal

Isang kakilala ang biglang nagtanong sa akin, "Jay, ano ang paborito mong hayop?"

Napahinto ako. Maaalala kong hindi lang siya ang natanong nito sa akin. Sa totoo lang, pangpito siya sa mga nagtanong.

Sasabihin ko sanang 'ikaw' but I refuse to say it (minsan kasi ang lakas niyang maka-animal!). Instead, I replied, "Pusa po, sir."

"Bakit?" follow up question niya.

"Kasi cute," at hindi ko na dinugtong pa ang 'mahilig ako sa pusa!'

Napangisi siya saka tumingin sa akin, "Ano pa?" bigla na akong naintimidate.

"Kasi . . . mabait," sagot ko, "saka malambing!"

Ngumisi siya uli na parang nagsasabing may mali sa mga sinabi ko. Then, ang sabi, hindi niya raw nagustuhan ang sagot ko. Sabi niya, pipili na nga lang daw ako ng hayop, iyon pang walang silbi.

Nairita siya sa akin saka umalis, pero mas nakakairita siya. Naisip ko, sana hindi na lang siya nagtanong. Nakita mo na kung gaano katindi ang pagiging gago niya (at animal!).

Oo, nabigla ako, syempre. Hindi ko 'yun inaasahan. Sa kabilang dako--I have nothing against him naman and with all due respect--sinayang niya ang pagiging inquitisive niya ayon sa propesyong meron siya.

Kung tatanungin niya lang uli ako, sasabihin kong 'Matatapang . . . dahil sila (mga pusa) ang mga bantay namin laban sa mga ahas lalo na sa mga cobra.' (Ang dami kayang cobra sa amin! At walang ibang lalaban sa mga ito kundi ang mga pusa lang).

Mahalaga sa amin ang mga pusa. Oo, maraming cobra sa lugar namin pero nang dumating ang mga pusa, nawala sila pati ang mga daga. Doon nabawasan ang banta ng panganib at peste.

Sabagay, hindi na ako magtataka kung bakit ganoon na lang ang pagtingin niya sa mga sinagot ko. Bakit? Kasi siya mismo, ayaw niya sa mga animal. Hindi raw kasi napakikinabangan ng tao.

Pero yung ugali niya, animal!

Comments

Post a Comment