Father's Day

"Happy Father's Day, Daddy Jay!" bati niya sa akin pagbukas ko ng messenger. Online siya.

"Hindi pa ako daddy. Wala nga akong syota, eh," sagot ko. "Anak pa kaya?!"

" 'yutin mo na kasi ako, bii. Para magkaanak na tayo!"

"Pisti kang bigaon!" sagot ko. "Hindi ka naman bilat!"

Naging normal na lang ang ganitong paglalandi sa akin ng kaibigan at kasamahan kong bakla. Mula nang malaman niyang natuklasan ko sa mga kasamahan na crush niya ako, doon na nagladlad ang hitad. Naging lantaran na ang panghaharot niya sa akin.

"O sige, Happy Father's Day na lang sa daddy mo. Kailan mo ako ipakikilala para makapagmano na ako sa kanya?"

Tawa lang yata ang naireply ko.

Chat niya sa akin, "Mabuti ka pa, buhay pa ang daddy mo. Ako, wala na," with crying emoticon.

Kuwento niya kasi sa akin, namatay na ang tatay niya after graduation noong college. Palibhasa, maka-tatay. Tapos, banat niya, "Pero magiging masaya na ako kapag ikaw ang magiging daddy ng mga anak natin!"

Ang totoo, kinakabahan at nangingilabot ako sa mga ganoon niyang biro. Kapag kaming dalawa na lang, lagi niya akong kinokorner at nag-aalok na isusubo niya raw ako o ibo-bottom ko raw siya. Pero sa kabila nito, mabait naman ang kaibigan kong ito.

Nang mag-video chat kami, binati niya uli ako ng 'Happy Father's Day, Daddy Jay' at buti raw ako, buhay pa raw ang tatay ko. Hindi ko alam kung ano ang pumasok sa isip niya para ulit-uliting bigkasin ang tatay ko.

Sagot ko, "Mabuti nga ikaw, alam mo nang patay na ang tatay mo. Alam mo kung saan nakalibing. Pero yung tatay ko--namin--hindi na namin alam kung nasaan na ngayon, kung buhay pa o nakalibing na."

Natahimik siya.

"Sabi nga ng mga kaanak niya noong 2015," nagsimula na ako, "hindi na alagaing bata pa ang daddy ko kaya sige lang. Pinili niyang lumayo kasi 'yon ang gusto niya. Walang pumigil at wala na kaming magagawa roon kung pabor 'yon sa mga kapatid niya."

"Babalik pa rin sa iyo ang daddy mo kasi pamilya niya pa rin kayo kahit pa may kabit siya kasi kayo ang orihinal niya," deretsahan niyang sabi. Natahimik ako.

Nagpatuloy siya, "I swear, matutuwa talaga ang daddy mo kapag nakita niya na ang apo niya sa ating dalawa!"

Magalang lang akong ngumisi habang nagtitimpla ng kape. Sa loob ko lang, gusto kong isaksak sa kanya ang kutsilyong nakikita ko sa lababo para maligo siya sa sarili niyang dugo.

Yung totoo, nanay ko nga, hindi ko binati ng Happy Mother's Day eh, nawawalang tatay ko pa kaya ngayong father's day?

Daddy

Ito ang litrato namin ng tatay ko na nakita ng kaibigan kong bakla. Ang guwapo raw ng tatay ko, manang-mana raw ako sa kanya (saan banda?), kaya gustong-gusto niyang makita sa personal ang tatay ko.

Comments

Post a Comment