Otso-otso

Nagtagal ako sa bakurang ito ng walong taon. Walong taon--grabe, hindi ko matanggap--walong taon! hahaha

Isipin mo: itinulak ako sa isang malaking stage para magperform sa harap ng maraming tao. Hindi ako handa sa ganito. Mahiyain ako. Pero anong magagawa ko? Nandito na ako. Wala nang atrasan. Paano ako magsisimula? Magagawa ko ba?

Ewan ko at hindi ko alam.

Ito ang pakiramdam ko sa mga sandaling ito. Katulad lang 'to noong nag-host ako ng aquaintance party noong fourth year high ako. Wala akong karanasan sa pagdaldal sa harap ng madla pero nagawa ko rin naman sa huli kahit napakarami kong kapalpakan. Ipinagkanulo lang kasi ako noon ng isang second year student para mag-host sa okasyon 'yon.

Pero ang pinagkaiba lang dito sa blogging world, ako mismo ang puwedeng sisihin dahil ako rin mismo ang nagtulak sa sarili ko para magkuwento, online. Hindi ko alam kung paano at saan ako magsisimula. Endless possibilities.

*

Walong taon. Grabe talaga, walong taon! hahaha

May napala naman akong maganda. Nagtino ako, naging masaya sa pagkukuwento ng mga walang kuwenta, nakakilala ng mga kaibigang blogger at nakakausap, natuto ng mga anik-anik ng blogging, at iba pa. Pero hindi ibig sabihin, naging mabuti akong tao (anong konek?!).

Naging mabuti nga ba talaga ako o lalong naging masama?

Hindi ko alam.

*

Hindi ako makapaniwala--walong taon! hahaha

Paborito ko ang number 8 noon pang high school ako. Sa dinami-rami ng mga magagandang kaganapan, laging naitataon sa mga ganap ko ang number 8. Napansin din 'yon ng isang kaibigan pero number 1 naman ang kanya kaya ang number naming dalawa (na hindi alam ng iba) ay 18. Sweet 18! Naks!

Pansinin: 'favorite' number HINDI 'lucky' number.

*

Sorry, wala talaga akong masabing matino. Sabog at balbas sarado kasi ako sa mga sandaling ito.

Sa mga nagbabasa nito o naligaw rito sa humble kong bakuran, palaging mag-iingat ngayong panahon ng pandemic. Ingatan ang sarili at kahit sa kabila ng matinding kalokohan, maging mabuti at laging magdasal.

Sabi nga sa amin ng isang opisyal noong naroon kami sa LRR (SOCOM) Fort Magsaysay, "Kalimutan n'yo na ako, pero huwag ninyong kalimutan ang Panginoon. Kahit saan pa kayo magpunta, huwag n'yong kalimutang magdasal sa Kanya."

Naishare ko lang kasi ang ganda ng sinabi niya.

Hindi ko man lang siya mai-credit dito kasi nakalimutan ko na kung ano ang pangalan ng opisyal na 'yon. Isa siyang sundalo ng Scout Ranger, Major ang ranko.

*

Hoy! Walong taon na ang Jay's Quirky World! At patuloy pa na magkakalat ng mga (sabog na) kuwento online! Mabuhay!

Happy 8th year anniversary, mga kamukha!

Sa halip na i-budots, i-OTSO-OTSO na natin 'yan!

Comments

Post a Comment