Posts

Showing posts with the label Message

14th

Image
Hindi napaghandaan ng isip ko ang taon ng 2026. Akala ko, ito na ang taon nating lahat para maghayahay mula sa mga kapestehang dulot ng 2025 pero hindi pa pala. Mailalarawan ko siguro ito na mabigat, magastos, at masakit for whatever it means pero sa kabila ng mga ups and down, heto pa rin tayo, moving forward pa rin sa mga bagay-bagay. Kasi, diba, ganoon naman talaga: walang mangyayaring maganda kung hindi tayo uusad. Oo, nandyan na ang damage ng problema pero walang mangyayari kung pare-pareho tayong nagsisisihan. Kung may problema, doon na tayo agad sa paggawa ng solusyon para matapos na ang usapan, tapos lesson learned na lang. Pero kung ikaw mismo yung tao na wala ka na ngang ginagawang solusyon tapos puro ka pa paninisi e iumpog mo na lang ang ulo mo sa pader para tapos na rin ang usapan natin at para mabukulan ang problema. Paangat ang kailangan natin sa buhay at hindi palubog. Wala lang. Nagsasabi-sabi lang ako dahil wala lang akong masabing maganda. Mag-iingat na lang ha, at h...

13th

Image
Totoo. Wala na akong alam sa panahon. Hindi ko na alam kung ano nang oras, araw, linggo, at minsan, buwan. Kaliwa't kanan ang ginagawa, patong-patong na ang mga dapat nang tapusin, at panay ang baha ng mga iniisip hanggang sa pagtulog. Wala na akong alam sa mga nangyayari sa paligid maging sa kaliit-liitang detalye ng ilang mga bagay-bagay. Noon pa sanang June 08 ang post na ito pero sige na, ako na nakalimot: happy 13th anniversary! Happy ber month na rin!

12th

Image
Saturday, June 08, 2024 Sa kabila ng pagiging maabala sa buhay—sa pamilya, sa trabaho, sa karelasyon, sa kaibigan (pero wala nang panahon para sa sarili)—heto tayo, magdiriwang pa rin kahit pa madalas tayong napapagod, nauubos, at nakakalimot. Happy 12th anniversary!

11

Image
Wala nang mono-monologo 'to: happy 11th anniversary, edbribadi!

Dekada

Image
Aba, may isang dekada na! Happy 10th anniversary, Jay's Quirky World! Yehey!

Happy 9th

Happy 9th, Jay's Quirky World! Kumusta na? Ano nang nangyari, isang taon bago sumapit ang 9th year natin? Na-lockdown. Na-low morale nang malala. Na-hire ako sa panibagong company. Naging mas busy ako sa lahat--lahat-lahat. May nakilala akong bagong mga kaibigan. Nakakilala ng isang taong hindi ko akalaing mamahalin ako pero sinira ang tiwala ko. Muling nakakilala ng isang taong hindi ko akalaing tatanggapin ako sa kabila ng imperfections ko from the past pero nawala rin sa huli. Nasaktan nang malala. Naghabol. Nagpakatanga. Umasa. May nakilalang isang tao na gusto ko pero hindi ko alam kung gusto niya rin ba ako. Tinanggihan ako kinalaunan. At may kakilalang gusto ako pero hindi ko alam kung gusto ko dahil...natatakot akong masaktan uli sa pag-ibig dahil sa pangalawang nakilala. Heto, single uli. Muling bumabangon at inaayos ang sarili. Wala nang oras sa pagsusulat at pagbabasa di tulad noong una. At higit sa lahat, napapasailalim pa rin ng isang dakilang diktador. Pinipilit ko pa...

Otso-otso

Nagtagal ako sa bakurang ito ng walong taon. Walong taon--grabe, hindi ko matanggap--walong taon! hahaha Isipin mo: itinulak ako sa isang malaking stage para magperform sa harap ng maraming tao. Hindi ako handa sa ganito. Mahiyain ako. Pero anong magagawa ko? Nandito na ako. Wala nang atrasan. Paano ako magsisimula? Magagawa ko ba? Ewan ko at hindi ko alam. Ito ang pakiramdam ko sa mga sandaling ito. Katulad lang 'to noong nag-host ako ng aquaintance party noong fourth year high ako. Wala akong karanasan sa pagdaldal sa harap ng madla pero nagawa ko rin naman sa huli kahit napakarami kong kapalpakan. Ipinagkanulo lang kasi ako noon ng isang second year student para mag-host sa okasyon 'yon. Pero ang pinagkaiba lang dito sa blogging world, ako mismo ang puwedeng sisihin dahil ako rin mismo ang nagtulak sa sarili ko para magkuwento, online. Hindi ko alam kung paano at saan ako magsisimula. Endless possibilities. * Walong taon. Grabe talaga, walong taon! hahaha May n...

Pito

Image
Pitong taon na ang blog kong ito noong June 8, 2019. Ni hindi ko man lang naalala sa sobrang dami ng inaalala ko. At medyo nakakabigla lang dahil parang ngayon ko lang din nalaman (o napagtantong) may pinapatakbo pala akong blog tulad nito (que horror!). Masyado akong abala noong linggong iyon bago ang nabanggit na araw. Inasikaso ko ang mga mahahalaga kong papel sa buhay kasabay ng pag-alalay kay kuya na mag-enroll (ang mahal pa rin ng matrikula!). May ibang papel din ang ipinalalakad sa akin itong mga housemates ko at marami pang iba na hindi ko na iisa-isahin pa rito. "O, e ano naman ngayon?" So, iyon na nga at napansin ko lang na sa buong linggo na iyon--hindi lang noong linggo na iyon kundi noon pang mga nakaraang buwan hanggang ngayon--wala akong ibang kaharap kundi ang mga papel. Mahalaga man o hindi, hindi tumitigil ang pagkakataon na humarap ako sa kung ano-anong mga papel. Sa madaling sabi, masyado na pala akong busy. Dokumento, resibo, listahan, lib...

Siksik sa Six

Siksik sa six dahil sa sixth anniversary ng Jay's Quirky World blog noong 06/08/18 (ihahabol ko lang dahil super late na). Madalang mang magkaroon ng mga walang kuwentang laman at posts ngayon, pasabog naman ang taong 2018 sa rami ng ups and down, good and bad news. Para sa akin, punumpuno (siksik) ng adventure ang taong ito na sana'y maikuwento ko rin dito balang araw. Yes, balang araw muna dahil medyo abala na rin ako sa ilang mga bagay-bagay sa buhay pero hindi ibig sabihin nito na balak na naming mag-shut down (tulad ng unang desisyon) dahil, tsika ko lang, fake news pala na magsasara na rin daw ang blogspot ng google ayon sa isang walang kuwentang source (muntik na akong lumipat sa wordpress) kaya long live, blogspot! Yey! Sa ngayon, may mga ilang bagay rin daw akong dapat balikan para ayusin at ituwid, lalo na nga si blog. Ang problema sa kasalukuyan, tinambakan ako ng mga naipong project na tapos na dapat sana noon pang 2016 at kinakailangan ko nang tapusin ngayon (kahit...