Sa Kusina
Noong fitted pa ang katawan ko, gustong-gusto niya ako. Lagi niya akong niyayakap, sinasabihan ng mga matatamis na salita, at kung ano-ano pa na siyang magsasabing 'ganito ang relasyon naming dalawa na wala sa iba!' Syempre, nariyan na ang mahal namin ang isa't isa. Matik na 'yan. Pero, hindi laging ganyan ang relasyon. Habang tumatagal, nagiging agresibo siya sa hindi malamang dahilan. Sobra na ang pagiging authoritative, perfectionist, at pagkasira-ulo niya. Literal. Nakakasakal at nakakairita na. Pero sa kabila nito--kahit pa may dahilan na ako para hiwalayan siya--minahal ko pa rin siya. Para akong isang bata na hindi magawang makalayas sa sariling bahay dahil doon lang ang tahanan ko: siya lang ang mahal ko at hindi ko siya kayang iwanan. Napaisip tuloy ako: tama ba ang naging desisyon ko na manatili pa? Kasi...lalo lang akong nag-alala nang maging selosa siya na kamakailan lamang namuo sa sistema niya. Sabi nga sa isang kanta, kung ano-anong iniisip, nagbibintan