Posts

Showing posts from February, 2022

Kiss Mark

May naka-one night stand ako last year. Ang natatandaan ko, nakikita ko lang siya noon sa university namin during college days. Oo, attractive siya sa lahat pero hindi naman ako interesado sa kanya. That was way back 2015. Hanggang magkita kami nang hindi sinasadya sa Padi's Point StarMall noong 2020 bago sumapit ang pandemya. Siya ang unang lumapit sa akin habang nagkakasiyahan kami ng mga kaibigan ko mula Taguig. Iyon ang kauna-unahang pagkakataon na nag-usap kami since college. Nabigla ako dahil sa tagal ng panahon, nakilala niya pa ako. Na kesyo ako raw yung laging tambay noon sa sulok ng library habang nagbabasa (o nagsusulat)...na kesyo ako raw yung psychology student na laging nakiki-jamming sa mga Engineering student sa Tarlac, at marami pang iba. Ang totoo, sa side ko naman, nakalimutan ko na siya. Hindi ko na nga siya maalala o makilala, pero shocks!  sabi ko sa sarili ko,  may alam siya sa akin, stalker ba siya??? So, kinuha niya ang contact ko. Naging friend k...