Goodbye, California
Nagkita kami ng isang dating kaibigan. Matapos ang ilang kumustahan, mayroon siyang ibinalita sa akin. "Alam mo bang hiwalay na silang dalawa?" Tinignan ko lang ang kaibigan kong ito at sumipsip ng Vanilla Cream Frappuccino. Hindi ako sumagot. Hindi ko na rin ikinabigla. *** Niloko niya ako. Hindi ko matanggap. Masakit. Three years na pala siyang in a relationship bago niya ako nakilala. Sa iba ko pa nalaman. Ang masaklap, alam pa iyon ng lahat ng mga kaibigan ko pero wala man lang ni isa ang nagsabi sa akin para lang sana alam ko at nang hindi ako nagmukhang tanga. Marunong naman akong lumugar. Kapag alam kong in a relationship na ang isang tao, lalayo ako. Iiwas ako dahil ayoko ng anumang gulo. Isa pa, takot ako sa karma. Pero hindi, eh. Hindi ko siya mabitiwan. Ayoko na siyang mawala. Parang sasabog ang dibdib ko. Hindi ko alam kung paano ako lulugar. Hindi ko alam kung sino ang hihingian ko ng tulong dahil sa huli, pinili niya yung karelasyon niya. Ganoon naman dapat, dib...