Crush Kita
Habang nakikinig sa OPM Playlist, narinig ko ang kantang Crush Kita ng Sexbom Girls. Sa mga sandaling iyon, bigla kitang naalala. Crush kita (crush, crush) Ako'y magpapakipot pa ba? (Oh, baby) Type kita (alright) Ang puso ko'y nabihag mo na Loves na kita At sana'y loves mo rin akong talaga *** Third quarter iyon, free time natin, sa isang private school kung saan tayo nag-graduate. Hinila ka ng mga magaganda nating kaklaseng babae. Dinala ka nila sa harap ng classroom at pinatayo sa gitna. Nakangiti ka lang, nakatakip pa nga yung panyo mo sa bibig mo tapos nahihiya ka. Tapos yung panyo mo, BENCH checkered brown with blue highlight (pag-aari mo pa rin ba iyon hanggang ngayon?). Nakakatawa ako. Isipin mo, magdadalawang dekada na iyon, akalain mong natatandaan ko pa rin? Malamang, wala ka nang natatandaan kaya ipaparanas ko sa 'yo kung gaano ka-traydor ng alaala. Seat back and relax, ipapaalala ko sa iyo lahat. Pinalibutan ka ng tatlong chikas ng section natin. Kinakantaha...