Posts

Showing posts from September, 2023

Pokpok

Image
PÓK· PÓK  [/'pok.pok/] n. lalake o babaeng binabayaran upang makipagtalik Ito ang kahulugan na nakuha ko mula sa diksiyonaryo.ph . Singkahulugan ng salitang puta , na pareho ang gamit at kahulugan mula sa wikang Kastila. Bitch! Whore! Wala lang. Nabanggit ko lang, bakit ba?! *** Pokpok. As in 'pokpok' ng martilyo't pako. Doon ko iyon unang narinig. Halimbawa: "Pukpukin mo!" *** Elementary ako noon, kasama ang kalaro kong pasmado ang bibig na namana niya sa nanay niyang tsismosa, nang una kong marinig mula sa kanya ang salitang pokpok. Malay ko bang may iba pa palang kahulugan ang salitang pokpok. Salamat na rin sa kanya dahil lumawak ang vocabulary ko. Well, iyon ang sabi niya sa isa naming kaibigan. Nag-aaway sila dahil sapawan sila noon sa sayawan ng The Spageti Song ng The Sexbom Girls at natalo ang isang pikon. Doon niya ito sinabihang pokpok. May basehan daw. Madalas kasi siyang sumasama sa grupo namin ng mga lalake at wala siyang paki kahit pa mahawak-h...