Bugaw
Ang totoo, hindi ko masabi sa kanya na ayoko nang magcheck-in uli sa motel kung siya lang din ang makakasama ko. Nasabi ko 'to dahil nagchat na naman siya sa akin, nagyayaya uli na mag-motel. Nang dahil dito, nagpalit ako ng phone number at hindi na nakipag-usap pa sa kanya. Nakita at nakilala ko lang siya sa isang restobar sa bypass, malapit sa may Fairlane, Tarlac. Habang nagsasayawan na ang lahat sa magulong remix, nilapitan niya ako sa grupo ng mga kaibigan ko saka nakipagkilala sa akin. At nang magkapalagayang-loob, doon na siya nagpakita ng motibo at nagkayayaang mag-motel. Hindi na ako nagpaalam sa mga kaibigan ko. Okay naman siya. Oo, may mga nakakatrip naman akong ibang lalake na marahas. Katulad lang din naman siya ng karamihan na marahan at maingat. Hindi naman siya kagaya ng iba na boring at maraming isyu't arte sa katawan. Maliban sa magaling siya sa kama e plus factor din ang guwapo niyang 'looks.' Pero sabi ko nga, ayoko na siyang makasama uli sa isang mo...