Sorry
Mahal ko na siya at ayoko na siyang mawala pa sa akin. Sabi ko nga sa sarili, gagawin ko ang lahat para lang hindi siya magalit o magtampo. Sa huli, hindi rin naging kami.
Kasalanan ko. May pagkakamali rin ako. Pero maliit na bagay lang iyon.
"Isa pa 'yan," dugtong niya. "Sawang-sawa na ako sa mga 'sorry' mo!"
Hindi ako nakapagsalita.
Kinuwestiyon ko ang sarili. Ganoon na ba talaga katindi ang kasalanan ko sa kanya? Masama na bang humingi sa kanya ng taos-pusong 'sorry' para lang hindi niya patawarin nang ganoon na lang?
"Eh, baka naman kasi sumosobra ka na. Inaraw-araw mo. Nakakasawa rin namang makarinig ng 'sorry' mula sa mga paulit-ulit na pagkakamali," sabi naman ng isang kaibigan.
Hanggang sa lumipas nga ang mahabang panahon, hindi ko na binabanggit ang salitang 'sorry' tuwing nagkakamali at siguro, hindi ko na rin alam kung paano at kailan lang ito gagamitin. Pakiramdam ko mula noon, lagi akong mali at bawal ko nang gamitin ang salitang iyon.
Sorry pero oo, traumatic.
***
Sorry.
Sinasabi para lang daw sa mga karapat-dapat hingan ng patawad. Salitang hindi mahigitan laban sa malalang kasalanan o pagkakamaling nagawa. Meron ding napipilitan, like "Sige sige na nga, sorry na lang pala!" At o minsan, gagamitin nang hindi bukal sa puso (plastik!).
Pero kung nagawan mo nga naman ng pagkakamali na dapat lang mangyari sa kanya e dapat lang! Sorry, ha. Pero tangina, walang sorry-sorry! (sorry not sorry!)
***
"Tangina ka, John! Sorry lang naman ang gusto kong marinig mula sa iyo pero hindi mo pa maibigay!"
Nagulat ako sa sigaw niya, saka niya ako binabaan ng tawag.
Natulala ako. Hindi ko alam ang sasabihin. Hindi ako makagalaw. Yung mga ka-opisina ko, nagtataka, nakatingin na sa akin.
Hindi ako ma-pride. Gusto kong mag-sorry sa kanya pero pinigilan ako ng kahihiyan. Isa pa, binabaan na ako ng tawag, paano ko pa sasabihin?
Siguro, kaya ako iniiwan ng mga taong mahal ko e dahil hindi ako marunong gumamit ng salitang "sorry!"
Sorry na.
Comments
Post a Comment