Deco

Internet wifi router—wala akong alam dyan noong una, not until nang magsimula na nga ang test broadcast namin ng wifi rito sa bahay dahil kinailangan na nga namin ng maayos na internet connection, mainly, for communication, online class, streaming, and browsing purposes.

Deco Wifi
Unang Deco wifi unit sa studio ni kuya

Ayon sa record, nagsimula ang test broadcast ng internet wifi rito sa bahay gamit ang Globe at Home prepaid, na may wifi name na BACKROOM.

Backroom
Set-up at location ng wifi na BACKROOM sa studio ni kuya

Nakalagay ito sa itaas ng aparador doon sa studio ni kuya para malayo at hindi maaabot ng mga malilikot at mapaminsalang pusang pagala-gala lang dito sa bahay. At dahil hindi umaabot ang signal nito hanggang sa first floor, nag-trial din kami ng wifi extender para magkaroon ng wifi signal sa first floor.

Ang akala ko noong una, kung ano ang magiging wifi name ng main modem e magiging kapareho na rin ito sa extender. Ang sistema pala nito e kokonekta ang extender sa main wifi name (BACKROOM), at ang internet connection na makukuha nito e ibo-broadcast niya sa ilalim ng panibagong wifi name (BACKROOM-1). Ang lumalabas, dalawa ang wifi name na puwede naming gamitin.

Ganito ang naging actual set-up nito sa bahay: Kung gumagamit ka ng internet sa second floor (BACKROOM) at nagpunta ka sa first floor, kailangan mo uli magbukas ng wifi setting para gamitin ang wifi na nasa first floor (BACKROOM-1). Manual ang pagconnect at hindi automatic. Hassle gamitin.

DECO
Deco. Short for "decoration" ayon sa isang source na hindi ko na mahanap.

***

Para daw mabalot ng wifi signal ang buong bahay e kailangan daw ng isang malakas na wifi router. Ito ang ideya na nalaman ko nang maghanap ako ng set-up nito sa Google. Kaya lang, nakita ko na hindi aakma ang isang ordinaryong wifi router sa kasalukuyang lagay ng buong bahay—may tatlong kuwarto at makakapal ang mga pader.

Ang sabi, puwede raw gamitin ang mesh wifi system: mga Deco unit mula sa TP-Link. Akma ang ganitong devices para sa medyo malaki-laking area na kailangang may sagap ng signal ng wifi gaya rito sa bahay. Bago pa ako mag-trial, inalam ko muna kung paano ito gumagana at kung paano ito gamitin after ng set-up. Makalipas ang isang buwan, nag-test broadcast ako ng unang Deco unit sa studio ni kuya.

Deco Box
Deco Box


Deco Unit
Deco Unit


Deco Port
Deco Port

SET-UP
Una, isinalpak ko ang power supply at ethernet cable sa likod ng Globe at Home prepaid wifi modem papunta sa isang gigaport ng Deco unit. Sabay ko silang sinindi sa pangalawa at sinundan ang set-up nito ayon sa mobile app. Naghintay ng ilang minuto at presto, may panibago na kaming access sa internet na mas maayos at malakas ang signal. Isinara ko ang wifi na nagmumula sa Globe at Home prepaid wifi modem at kumonekta na sa Deco device.

Makalipas lang din ang linggong test broadcast, opisyal na nga itong naka-commercial broadcast.

GFiber
First set-up upgraded to 50 Mbps GFiber, commercial broadcast after 1 week trial

SPECIFICATION
Mas naging maayos ang connection namin sa bagong wifi router at hindi na nawawala. Napansin namin ito lalo na nang mag-upgrade kami ng ISP gamit ang GFiber ng Globe.

Ayon sa specification, ang isang deco wifi device ay may signal na may lakas na umaabot hanggang sa 190 m². Ayos na ito para sa actual na sukat ng lote ng bahay na 144 m² kaya nang mag-conduct kami ng test e bawat sulok ng bahay ay wala nang 'dead spot' sa second floor at abot na ang signal nito hanggang sa labas ng bakuran nang magdagdag ako ng isa pang unit para sa first floor after ng first test broadcast.

Powered by Wifi 6 with ultra-low latency, ang capacity ng bilis nito sa 2.4 GHz ay 300 Mbps at 1,201 Mbps naman sa 5 GHz. Malaking bagay na ito dahil kasalukuyan namang nasa 100 Mbps na ang plan na meron si GFiber, unless, maga-upgrade kami ng speed of up to 1 Gbps (hindi na namin afford pero depende, baka soon).

Connects up to 120 devices—idinesenyo para sa phones and tablets, web browsing, smart home devices, 720P streaming, IP camera streaming, 1080P streaming, high-speed downloading, at 4k streaming. Anupaman, malaking bagay na rin ito para sa walong device na nandito sa bahay.

Seamless roaming with one wifi name in one unified network—ito ang pinakanagustuhan ko dahil iisa lang ang network at iisa lang din ang wifi name, combined. Hindi makalat sa frequency. Hindi na kinakailangan pa ang manual na pagpapalit-palit ng wifi name sakali mang pupunta ako sa first o second floor. At kung nagpapalit man, device mismo ang maga-adjust na mag-connect automatically sa may pinakamalapit at malakas na 'nodes' nang hindi mahahalata para walang putol sa connection.

TP-ming Cat
First commercial broadcast ng Living Room unit. Meet Anay as a feelingerong model cat

DECO X10
Anlaki-laki ng bahay kaya bakit AX1500?

Una at ayon sa planning para sa implementation ng home internet, napagkasunduan na maga-upgrade lang kami sa kung ano lang ang makakaya ng budget at kung ilan ang pinakamaraming makakagamit ng internet sa bahay. Magsisimula ito sa plan ng ISP which is 100 Mbps ng GFiber ng Globe. At dahil hindi kakayanin ng modem nila na abutin ang signal nito hanggang sa second floor, napili namin ang Deco X10.

Pangalawa, mabilis ang pag-upgrade ng technology kaya kahit mayroon nang Wifi 7 (at habang isinusulat ko ito e may introduction na ng Wifi 8 dito sa bansa), pinili pa rin namin ang Wifi 6 para maging compatible pa rin sa specification ng mga kasalukuyang devices na meron sa bahay.

Pangatlo, signal range. Pinili namin ang Deco X10 dahil sumakto lang ang pagsakop ng signal nito sa buong lote ng bahay sa abot-kayang halaga. Sakali mang gusto pa naming lumawak ang signal nito e magdadagdag lang kami ng isa pang device. Ganoon lang kasimple.

Payo ko lang na kung bibili ka ng isang unit e alamin mo muna ang kabuuhang sukat ng lote ng bahay ninyo at kung saan mo ipupuwesto ang router para sa optimal distribution ng wifi signal sa bawat sulok ng bahay. Sakali mang makapili, may mga akmang model naman na puwedeng pagpilian. You may visit https://www.tp-link.com/ph/ for more information.

***

Disclaimer: Hindi ito paid advertisement ng TP-Link at ng Globe Telecom, at walang nasaktang pusa sa paglitrato at sa paggawa ng article na ito.

References:

Comments