Friend Request

Hapon. Rush hour.

Pagod ako at naiirita na rin dahil siksikan sa mojeep mula sa mga nakaupo, at sa mga kagaya kong kabilang sa mga nakatayong pasahero.

Nanghihina ako, magulo ang buhok, gusot ang polo, hindi pa bumibili ng bagong sapatos—ganito ang hitsura ko habang nakadikit sa ibang pasaherong nakakapit sa handrail.

Maya-maya, nagsakay ng isa pang pasahero ang gagong kundoktor at napilitang mag-adjust ang mga pasahero hanggang sa likuran, kung nasaan ako nakalugar. Nagkaroon ng kaunting tulakan at, hindi sinasadya, napasandal siya sa dibdib ko.

"Excuse me po," sagot niya, magalang.

Nagkatinginan kaming dalawa at agad ding umiwas. Maya-maya, panay ang tingin niya sa ibaba ko pero hindi ko siya pinansin.

Pagbaba ko, nginitian niya ako saka tinanguan.

Malandi!

***

Hapon. Rush hour.

Gaya ng lagi, punyeta pa rin ang mga kundoktor ng mojeep. Ang pinagkaiba, walang tayuan dahil nagmamadali ang tsuper. Ang dinig ko lang sa gagong kundoktor e may maimomotel na naman ang matandang tsuper pagdating sa terminal. Ganado pa ang matandang manyak dahil panay ang kanta nito ng 'Nothings Gonna Change My Love For You.'

Napapangiti ako dahil sa tsuper.

Nasa ganoong lagay ako nang mapansin kong kanina pa pala siya nakatingin sa akin. Nakaupo siya sa tapat ko. Hindi ko siya kilala pero tinanguan niya ako nang magpantay ang paningin namin saka ngumiti. Umiwas na lang ako ng tingin at nanood na lang ng mga unggoy at gorilla sa YouTube.

Pagbaba ko, nakatanggap ako ng friend request mula sa kanya.

Comments