Posts

Showing posts from August, 2017

Awkward

"Puwede pong maki-table?" tanong ko. "Yes sir, sure. Dito ka," sagot niya. "Thanks." Agad akong pumwesto sa tapat ng isang mag-ama sa foodcourt noong hapong iyon. Wala na akong makitang bakante kaya napilitan akong maki-table sa kanila. Nasa kalagitnaan na ako ng pagkain ko ng footlong nang mapansin kong maalaga si daddy sa kanyang little daughter. Ang ganda ng bata. Malamang, kamukha siya ng mommy niya (na hindi yata nila kasama) at napansin ko ring guwapo ang daddy. Karapat-dapat talaga siyang tawaging 'daddy' dahil napakamaalaga niya sa anak niya at sweet. Kahit hindi ko sila nakakausap, nakikita ko ang pagka-gentleman ni daddy sa bawat kilos at salita. Ang sarap nilang pagmasdan. Nakakawala ng pagod. Hindi ko mapigilan na maya't maya silang titigan, lalo na si daddy. Ang guwapo niya talaga kasi at hunk. Mga personal insecurities ko. Mabango siya at mukhang yayamanin. May mga pagkakataong nahuhuli niya ako ng tingin pero agad akong