Posts

Showing posts from April, 2019

Sa Tagpuan

Wala na akong narinig na boses nang pinapasok ako rito ng isang bantay. Medyo na-wirduhan pa nga ako sa mga pormal niyang galawan at sinabing 'maligayang pagdating!' Ang huli kong natatandaan sa kanya ay nakangiti siya sa akin bago siya nawala sa paningin nang isinara niya ang pinto. 'Masaya ako para sa iyo. Hindi ka na luluha rito, habambuhay,' pahabol niya. Hindi sumagi sa isip ko kung bakit ako naroon sa lugar na iyon, saan ito matatagpuan, at kung gabi na ba o umaga pa. May liwanag--na hindi naman nakakasilaw--pero hindi ko makita kung saan ito nagmumula. May pinto, pero wala akong makitang pader o hangganan (parang 'Door to Everywhere' lang ni Doraemon). Hindi ko rin malaman kung kailan pa ako naroon at hindi ko malaman kung ano ang lagay ng panahon. "Ang sabi nila, mahinahon lang ang panahon dito. At kahit kailan, hindi magkakaroon ng unos. Hindi mo ba narinig kanina?" narinig ko ang isang buo at pamilyar na boses. "Hindi, eh."