Posts

Showing posts from September, 2021

Pusanggala

Nakasakay na ako sa jeepney, pauwi na, nang dumating ang isang dalaga at umupo mismo sa tapat ko kahit marami pa siyang puwedeng lugaran. Maya't maya siyang sumusulyap sa akin, parang may gustong sabihin o anuman, "Payag ka ba...na mawawala ang mga pusa sa mundo?" bigla niyang tanong, halos nahihiya. Ako naman ang nabigla sa tanong niya. Matagal bago ako makasagot, "Hindi." "Boss, sa kanto lang!" sabi ng isang pasahero sa tsuper. Muling umandar ang jeepney pagbaba ng pasahero. Nagtataka ako sa tanong ng dalaga na nakatingin sa labas, inililipad ng hangin ang manipis nitong buhok, saka muling lumingon sa akin. "Bakit?" tanong niya. "Maraming dahilan," sagot ko. "Magkuwento ka, kahit ano lang, tungkol sa mga pusa." Pagod ako. Pero nang dahil sa dalagang ito, napilitan akong magkuwento ng kung ano na lang: ibig sabihin, isang kuwento siguro na nangyari. Totoong nangyari. Bahala na basta't kung ano na lang ang una kong mai...