Posts

Showing posts from October, 2021

Dibdiban

Ayon sa sikat na kasabihan: "Dibdiban na ang labanan!" Wala lang. Nabanggit ko lang. Payat lang ako sa personal. Hindi malaki ang dibdib ko. *** Noong bata pa ako, lagi akong dinidibdiban ng tatay ko kapag nalalasing siya. Galit siya. Trip niya lang siguro. Pero hanggang ngayon, nahihiwagaan ako kung ano nga ba ang dahilan kung bakit niya ginagawa ang bagay na iyon sa akin, basta masakit sa dibdib. At sa puso, syempre. Ikaw ba naman ang hatawin sa dibdib? Kasi naman, putang ina lang, saktan ka ba naman ng tatay mo na hindi malinaw sa 'yo ang dahilan, hindi sasama ang loob mo? Hataw 'yon. Masakit. Sobra. Sundalo pa man din ang tanga. Wala lang. Pala-palagay ko lang naman ito sa mga sandaling tulad nito, na nag-iisa ako...walang kausap, wala akong magawa. Malungkot ako. May dibdib din naman ako, pero hindi ko na 'yon dinidibdib. *** Hindi. Ako. Manyak. Pero maalala ko lang, literal na 'madibdib' ang naging araw ko, isang araw noong nakaraang buwan: Pagbangon...