Dibdiban

Ayon sa sikat na kasabihan: "Dibdiban na ang labanan!"

Wala lang. Nabanggit ko lang. Payat lang ako sa personal. Hindi malaki ang dibdib ko.

***

Noong bata pa ako, lagi akong dinidibdiban ng tatay ko kapag nalalasing siya. Galit siya. Trip niya lang siguro. Pero hanggang ngayon, nahihiwagaan ako kung ano nga ba ang dahilan kung bakit niya ginagawa ang bagay na iyon sa akin, basta masakit sa dibdib. At sa puso, syempre. Ikaw ba naman ang hatawin sa dibdib?

Kasi naman, putang ina lang, saktan ka ba naman ng tatay mo na hindi malinaw sa 'yo ang dahilan, hindi sasama ang loob mo? Hataw 'yon. Masakit. Sobra. Sundalo pa man din ang tanga.

Wala lang. Pala-palagay ko lang naman ito sa mga sandaling tulad nito, na nag-iisa ako...walang kausap, wala akong magawa. Malungkot ako.

May dibdib din naman ako, pero hindi ko na 'yon dinidibdib.

***

Hindi. Ako. Manyak.

Pero maalala ko lang, literal na 'madibdib' ang naging araw ko, isang araw noong nakaraang buwan:
  • Pagbangon ko noong umagang iyon, masakit ang dibdib ko
  • Isang kasamahan sa trabaho ang nagtataka kung bakit ala seis na ng umaga, wala pa ang kasama namin na malaki ang suso (dibdib). Magbabayad daw kasi siya rito ng inutang niyang bra mula sa Avon
  • Nasagi ko nang hindi sinasadya ang dibdib ng katabi ko sa service vehicle namin
  • Habang nasa pila, dumikit sa siko ko ang dibdib ng babaeng kasunod ko sa likuran ko sa entrance ng company dahil pinaatras ako bigla ng gagong sekyu
  • Sa workplace, dahil bagong lipat lang din ako sa bagong team ng taping, lahat sila puro babae. Malalaki ang mga suso nila
  • Ka-shift ko rin pala ang manananggal namin na si Glenn...na matagal ko nang hindi nakikita...na inggit na inggit sa ka-team namin na si Joy na may malaking suso
  • May pagka-freutturistic nang bahagya itong si Lucy sa mga kapwa namin taping. Minsan, sinasadya niyang idikit sa likod ng ibang kasamahan namin ang suso niyang malaki at tuwang-tuwa ang mga manyak na babae
  • Isa sa mga kasamahan naming babaero ang tawag nang tawag sa amin tuwing may mapapadaang babae na may malaking hinaharap doon sa 'balwarte' niya
  • Sabi ng isang senior namin, matatagpuan (daw) sa Dubai ang "Joga Shop" (eatjoga.com). Tawanan kaming lahat nang sabihin niyang nago-offer din sila ng joga juice
  • Lunchbreak. Yung kasamahan kong manyak, bigla akong tinapik. Ang sabi sa akin, "John! Tignan mo yung tumatakbo, parang may isda: pumapasag-pasag pa!" Paglingon ko, nakita ko yung dalagang tumatakbo nang mabagal tapos yung dibdib niyang malaki, umaalog!
  • Noong hapong iyon, tinawag ako ng isang kilalang leader at kinuha ako bilang guest niya sa team niya--syempre, sa taping pa rin. Intimidated ako sa mga babaeng kasama ko dahil masikip ang kinalalagyan namin sa production. At dahil masikip, nakakasagi ako ng malaking dibdib nang hindi sinasadya
  • Pagsakay ko sa modern jeepney, may babaeng biglang sumigaw dahil nalaglag ang phone niya. Ang sabi, "Ay, puki! Suso ko, mani!" Napatingin kaming mga lalake sa kanya saka nagpigil ng tawa
  • Pagpasok ko sa gate ng subdivision, nakita ko mula sa malayo ang limang babaeng paparating sakay ng kanya-kanyang mountain bike. Pikot-ikot lang sila sa oval. Umaalog din ang suso nila tuwing daraan sa lubak

***

Habang sinusulat ko ito, bahagyang sumikip ang dibdib ko. Binitiwan ko ang panulat saka saglit muna akong huminga nang marahan. Kinabahan ako kasi baka may sakit na pala ako nang hindi ko man lang alam. Para lang siyang may naiipit na ugat tapos masakit kapag hihinga nang malalim.

Oo nga naman kasi, kasalanan ko rin. Mula nang maging busy ako sa work, nakakalimutan ko nang kumain at matulog nang tama at magmase-mase na siyang ginagawa ko noong una. Kahit man lang sana stretching, hindi ko na magawa. Maging sa trabaho, ito ang laging sinisita sa akin ng ilan.

"John, alagaan mo rin ang sarili mo."

***

Minsan habang busy kami sa company, nagreklamo na rin ako kay kuya Gie. Sabi ko, masakit ang dibdib ko.

Sagot niya, "Mas masakit kapag walang dibdib!"

"Tigil!" biro ko, "Dibdiban kita dyan, eh!"

Tawanan kami.

***

May aaminin ako: nadibdiban na ako sa kanya (bawal namedrop). Oo, first time ko! Shet!

Paalis na ako sa kanila nang bigla niya akong pinigil pagbukas ko ng pinto. Palabas na sana ako nang isara niya ang pinto saka niya ako isinandal sa pader. Saglit na nagpantay ang paningin namin, saka unti-unti kong naramdaman ang hininga niya malapit sa labi ko.

Ayun, nangyari na. Hindi ko iyon inaasahan. Hindi ko na siya inawat at hindi na rin ako nagpigil.

Bumaba pa ang mga halik niya sa akin sa leeg ko, siya na rin mismo ang nagtanggal ng tshirt ko, saka siya naglaro sa dibdib ko.

Tulad nga ng una ko nang nabanggit, payat lang ako sa personal. Hindi malaki ang dibdib ko. Pero literal na nadibdiban naman ako sa kanya.

Comments

  1. nagulat akong non-fiction ito. Hahaha! Musta na? Buti ka pa patuloy pa rin ang pagsusulat. ako 2 years nang walang bagong piyesa. Heto kaka-upload ng bago pero 2 years ko na itong naisulat at nabasa mo na ito dati. Di ka na rin bumibsita sa bahay.

    ReplyDelete
    Replies
    1. bayani! mabuti, kumusta? busy kaya no read, no write, tagal na. pero sumubok ako: one post every month para walang bakante. tapos one chapter per days or week

      hirap talaga 'pag busy! huhuhu okay lang kahit kaunting post basta meron. at marami akong ikukuwento sa 'yo 'pag nagkita tayo! hwehehehe

      oo nga pala, thank you sa pagbabasa! isipin mo na lang na fiction ito, nahihiya tuloy ako sa 'yo! hwahahaha see you soon!

      Delete

Post a Comment