Kuwentong Motor
February 1, 2022. 10 p.m. to 6 a.m. ang shift ko sa company. FTE pa ako noon. Nagmamadali ako sa kahabaan ng Rome Street nang hintuan ako ng isang Food Panda delivery boy. Sabi niya, umangkas na lang daw ako sa kanya para makatipid ako sa pamasahe. Tinanggihan ko noong una kasi wala akong pang-tip kung aangkas ako sa kanya pero ang sabi niya, ayos lang daw. Ang balak ko, sasakay ako sa company shuttle service dahil ayokong sumasakay ng jeepney, at para hindi na ako mamasahe dahil kulang na ang allowance ko. Sumakay na lang ako dahil naghihintay sa akin si kuya. Saka...para naman maranasan ko rin ang sumakay at umangkas uli sa single na motor. Mabilis lang kaming nakarating sa San Miguel. Mabilis siyang magpaandar ng motor niya na halos gusto kong yumakap sa katawan niya dahil sa takot. Nahihirapan akong huminga noon dahil sa lakas ng hangin at medyo asiwa ako sa lagay naming dalawa. Nagpasalamat naman ako pagbaba ko sa Caltex. Hindi ko na siya nakita mula noon. *** Ang pinakahuling pag...